Beep…beep…beep..
Kakatwang tunog ang gumising sa akin. Marahan ang aking pagdilat dahil tila ramdam ko ang pagod hanggang ngayon. Tila mula pa rin ako sa walang hanggang pagtakbo.
May naririnig akong nag-uusap sa aking paligid ngunit nag-a-adjust pa ang aking pandinig. Nang tuluyan ng makabawi ang aking katawan ay agad akong napaupo. Ang sakit ng ulo ko!Magsasalita sana ako pero parang ang tagal kong hindi nagagamit ang boses ko.
“Maria!” napatingin naman ako sa sumigaw. Sina Papa at Mama pala, nag-aalala.
Kinuhanan ako ni Mama ng tubig at marahang pinainum sa akin. “Saglit lang anak ha, tatawagin ko lang ang doktor”Sa sinabi ni Papa ay saka ko lang napansin na nasa hospital ako. Nakasuot din ako ng patient clothes.
“Ma” salita ko sa mahinang boses.
“hmm?”
Tumikhim pa ako ng ilang ulit para ayusin ang boses.
“Sina Migo at Edwardo ho?”
Nagtataka naman ako noong magsalubong ang kaniyang kilay. “Migo?”
Dumating bigla sina Papa kasama ang doktor kaya naputol ang pag-uusap namin.
Sinuri ako ng doktor.”Kailangan lang ho niya ng kaunting pahinga Mr. and Mrs. Ibarra. She can go after a week.”
Isang linggo pa bago ako makakauwi? Gaano ba kalala ang sinapit ko. All I know I got exhausted from running through this f*cking maze.
Nang makaalis angb doktor ay agad na lumapit sa akin si Mama.
“Sinong Migo, anak?”
“Kaklase ko ho sa nilipatan kong school”
“kaklase?” curious namang lumapit sa akin si Papa. Dinampi nito ang kamay sa noo ko.
“Paano ka magkakaroon ng kaklase Maria Claire kung hindi ka naman nakarating sa lilipatan mo” napatingin naman ako sa kanilang dalawa.
“Ano hong ibig niyong sabihin Ma, Pa?”
Huminga ng malalim si Papa. “Maria, anak. Hindi namin alam ang totoong nangyari sa’yo. Isang linggo matapos kang gumayak para lumipat, nakatanggap kami ng tawag mula sa mga pulis.”
“isang linggo??”
“Oo, may nakatagpo sa iyong sibilyan dis-oras ng gabi. Walang malay sa loob ng sasakyan. Pilit kang ginigising sa pagbabakasakaling tulog ka lamang pero ayaw mong magising. Sa pag-aalala ay humingi ng tulong ang sibilyan sa mga pulis”
I cannot process what I’m hearing from them. Ayoko silang paniwalaan pero sa itsura nila ay mukhang totoo naman ang sinasabi nila.
“Nag-aalala na nga kami ng Kuya Edwardo mo sa iyo dahil mag-iisang taon ka ng tulog. Ayaw naming isipin na patay ka na lalo na’t maayos naman ang lagay mo. Pinag-aalala mo kami ng sobra bata ka!”
Napahampas naman ito ng mahina sa akin. Humagulhol tulad ng lagi niyang ginagawa. Hindi ko magawang makisimpatya lalo na’t gulong-gulo ako sa nangyayari.
Isang linggo matapos kong umalis ng bahay para lumipat ng school ay natagpuan akong walang malay sa aking sasakyan. Simula doon ay hindi na ako nagising pa hanggang ngayon. Anong nangyayari?
Kung iyon ang tunay na nangyari sa akin. Ano ang mga na-experience ko sa paaralan, sa bundok malaya, ang estranghero na nagbigay ng kakayahan sa rifle ko, ang maze. Pakiramdam ko lahat ng iyon ay totoo. Sina Migo, si Cindy na hindi ko malaman ang tunay na motibo, ang Council President na hindi ko nalalaman ang pangalan, naroroon din si Edwardo.
“Panaginip ko lang ba ang lahat ng iyon?” mga salitang lumabas sa aking nangangatal na bibig. May mga maiinit ding likido na dumaloy sa aking pisngi. Naramdaman ko na lamang na yakap na ako ni Papa.
THE END

YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...