Chapter 11

17 5 0
                                    

Napadilat ako nang makarinig ng ingay mula sa labas ng tent. Nakahiga ako sa loob ng tent, pero kahit sa manipis na tela, ramdam ko ang ginaw ng umaga. Ang init ng kumot na binalot ko sa sarili ko ay hindi sapat. 

"Ang hirap naman nito," bulong ko sa sarili, habang pilit na iniiwasan ang pagbangon. 

Naririnig ko ang huni ng mga ibon sa labas. Ang iba kong mga kaklase ay talagang maingay na. Tila napakasaya nila, samantalang ako, nahihilo pa.

"Maria Clara, gising ka na ba?" sigaw ni Lehvriss mula sa labas ng tent. 

"Hindi pa!" sagot ko, sabay irap kahit hindi niya makita. 

"Bumangon ka na, sayang ang sunrise!" pilit pa rin niya.  Ang kulit-kulit talaga ng lalaking ito.

"Sunrise? Sunrise? Baka pareho lang ‘yan ng nakikita ko sa socmed!" 

Napilitang akong bumangon para sumilip sa zipper ng tent. At doon ko nakita si Matias, naka-jacket at mukhang masigla, habang may hawak na maliit na tasa. "Kape?" alok niya, sabay ngiti na parang wala siyang ginawang nakakainis. 

"Hmp. Akin na," sabi ko na lumabas ng tent. Pag upo ko sa malamig na lupa, inabot niya ang tasa. Ang pait ng unang lagok, pero napansin kong unti-unting umiinit ang katawan ko. 

Sa harap ko, tanaw ko ang bundok na unti-unting sinisilayan ng araw. Ang langit ay mapusyaw na asul, at ang hamog ay bumabalot pa sa paligid. Napanganga ako saglit. 

"Maganda, ‘di ba?" tanong ni Lehvriss kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin din ito sa tanawin. 

"Tama na ang tanong. Bigyan mo na lang ako ng toast," sagot ko pilit na kinokontrol ang nararamdamang hindi ko malaman.

Tumawa lang siya. "Ikaw talaga. Pero sige, hintayin mo."  Umalis siya para kumuha.

Habang naghihintay, tiningnan ko ulit ang paligid. I always hate this kind of paradise pero I hate to admit it that it is genuinely beautiful.

"Maria Clara, smile naman diyan! Maganda ang araw ngayon," feeling close na sabi ng isa naming kaklase na may hawak na camera. 

"Smile? Ano ako, artista? Kumain muna kayo," sagot ko.

Naudlot ang aming pakikipagplastikan dahil sa tatlong palapakpak na umaagaw ng atensyon namin.

"Students, I know that the view is beautiful but we need to make something we can eat na," Sabi ni Madam B. "Baka gusto niyong pumunta ng ilog ng walang kakainin."

"Ma'am, kanina pa po nakapagluto ang itinalagang chefs. Sina Lhev, Cameron, at Bea" biglang salita ng kaklase ko.

"Was it?" paniniguro ng teacher, “sure na sure?

"Yes Ma'am, pero iyong isda ay susugbahin na lang sa ilog" ani Lehvriss.

"Edi, what are we waiting for. Tara na sa ilog”

IYON nga. Pagdating namin sa ilog ay nagkaniya-kaniya ng humanap ng pwesto ang mga kaklase. May mga nagsitalunan na sa malalim na bahagi ng ilog, especially the boys. Sina Matias naman ay nagpapa-apoy para sa susugbahing isda.

“Senorita, I will just pee somewhere,” biglang bulong sa akin ni Madame B. “tell your classmates na lang ha if hahanapin nila ako”

Kahit wag ka ng bumalik Ma’am. Umupo ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang kasiyahan nagaganap sa ilog.

Ganito na ba kababaw ang kaligayahan ng mga tao ngayon. Talaga bang natutuwa sila? I saw the girls na may pinapahid sa kanilang mga balat at mukha. Uso din pala sa kanila ang sunscreen.

“Senyorita, why not join us. Malamig ang tubig” napatingin naman ako sa nag-aaya and it was Sandra.

Nag-e-english din pala ang mga hayop na ito. I thought pinaninindigan na nila ang pagiging makata na sa tingin ko’y nagiging ganun na rin ako. May sumpa ba ang school para lahat ng lumalabas sa aming bibig at iniisip naming salita ay nasa wikang Filipino?

“Suit yourself” I replied.

Mamaya ay lunurin pa nila ako kapag nagpakampante ako, naku, siguradong walang tutulong sa akin. I was about to stand para sana magdip sa mababaw na bahagi ng ilog ng mapansin ko sa aking peripheral vision ang cobra na nakahandang manuklaw.

“Ahh, ahas, ahas!” sigaw ni Andrea kahit hindi naman siya ang target.

Tumigil ako sa aking pagkilos dahil alam kong manunuklaw ito kapag gumalaw ako bigla.

“Senorita Maria Clara, pagbilang ko ng tatlo. Tumakbo ka ng pinakamabilis na kaya mo” saad ni Lehvriss.

“Isa,” panimula nito. “wag ka munang tumakbo”

“dalawa” sunod na bilang niya.

Bago pa man siya matapos sa pagbibilang ay walang takot kong nilingon ang ahas at sinamaan ng tingin. ‘subukan mo lang na atakihin ako, babalatan kita ng dahan-dahan. Aalisan kita ng lamang loob at gagawing pagkain ng mga manok’

Ang ahas na kanina’y nagmamatapang ay bigla na lamang umalis. Narinig niya ang mga sinabi ko? Hanep din pala ang mga hayop sa bundok na ito, matatalino at nakakabasa ng isip!

“Ayos ka lang ba Maria Clara?” agad na tanong ni Lehvriss na tila nag-aalala. Ang walang-hiya hinahawakan ako! “Hindi ka ba natuklaw?”

MAGGAGABI na at hindi pa rin nakikita si Professor Beronicka. Saan na naman kaya nagsusuot ang bruhang iyon. Naliligo lamang kami sa ilog kanina ay bigla na lamang umalis para umihi at hindi na bumalik. Naghintay kami ng ilang oras pero nangangamba na ang mga kasama ko sa kung ano mang nangyari sa guro na iyon.

 Napahiwalay din ako sa mga kasama ko na sinadya ko dahil naiirita ako sa reklamo nila na kesyo ang kati-kati raw ng mga damo, kesyo hirap ng daraanan.

Papalabas ako ng gubat noong marinig kong may nag-uusap.

“Pero, Panginoon, isang hamak na Senyorita lamang ang nais mo”

“Ang Senyoritang hinahamak mo ay ang susi sa ating mga plano, natitiyak kong nasa kaniya ang evil stone na kinakailangan natin para mahanap ang nakatagong shadow veil of lakan-lampara” aniya. “Nais kong kaibiganin niyo siya”

“Panginoon, ang Senyorita ay masyadong mapusok at ayaw makipagkaibigan sa kahit na kanino”

“Berona, hamak na nakapag-aral ka sa ibang bansa ngunit ang kalabuan ng iyong pag-iisip…. Gumawa ka ng paraan!”

IKALAWANG gabi, isang malakas na sigaw ang gumising sa akin. "Ahh, tulong, tulong" sa paglabas ko, doon ko lamang napansin na hindi lang pala ako nagising.

"Narinig mo rin pala?" ani Lehvriss na katabi ko na pala.

"Nakikiusap ako, tulungan niyo ako!" nagmamakaawang paghingi ng tulong nito. Hindi namin ito nakikita. Tanging boses lamang ang aming naririnig, "ahhhhhhhh"

"Lehvriss, anong gagawin natin?" biglang tanong ni Andrea na lumapit sa aming pwesto. Hindi ko rin mahagilap si Madame B"

Nagkatinginan kami ni Lehvriss. Ang bruhang iyon. "Walang kikilos hanggat hindi natin nasisiguro na isa sa atin ang babaeng sumisigaw" malakas na sabi ni Lehvriss." Naririto ba ang lahat?"

"Oo Lehv ngunit tanging si Madame B ang nawawala. Hindi kaya si Madame ang humihingi ng tulong?"

"Malabong mangyari iyon dahil puro ang paggamit nito ng wikang filipino"

"Makakapagstraight english ka pa ba kung hila-hila ka na ng wakwak?"

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now