Chapter 8

26 8 2
                                    

“Good morning, my beloved advisees” biglang pasok ni Madame B.

“Good morning po Madame B” my classmates responded na tumayo pa. Ako? Na-ah! I stay sitting down na hindi pinansin ng guro dahil mukhang may ibabalita ito.

Nakatitiyak din naman akong may ibabalita siya dahil hindi siya ang third subject naming ngayong umaga.

“Good morning it is, dahil I have a good news to each and every one of you!” aniya na pumalakpak pa sa tuwa. Siya lang ata ang excited. “ Bukas na bukas, magsisimula ang ating 3 days camping sa Mt. Sinsuat.  Ang exciting diba?”

Halos kumuba ang likod ng aking mga kaklase. Diba dapat maging masaya sila, It’s a field trip na rin, bakit di sila masaya?

“You’re all dismissed until tomorrow to give you long hours to prepare” she looked at me and snob “bring what you need to bring, snacks, bottled drinking water, clothes, etc. goodbye and have a good day”

She stormed out of the room.

“Dami namang pwedeng lugar na pupuntahan, bakit sa bundok pa na iyon!” maktol agad ng isa naming kaklase kaya umingay ang buong silid. Halos ayaw pumasok lahat ng impormasyong naririnig ko dahil kaliwa’t kanan ang kanilang mga reklamo.

“Pwede ba, magsitahimik kayo!” Natahimik naman sila when I shouted. “Ang iingay niyo!”

Nakakairita ang kanilang walang kabuluhang ingay!

“Lumabas ka kung naiingayan ka, Senyorita”

Bigla namang umusok ang ilong ko sa naring at alam kong namumula ako sa inis.

“Talagang lalabas ako kaysa makasama sa iisang silid ang gaya mong sumasabat kahit ‘di kailangan” sabi ko na hindi nililingon ang Lehvriss na ‘yan.

“Sus, kunyari ayaw pero gusto mo rin akong makasama” dagdag nito kaya uminit lalo ang ulo ko. Pabalibag kong sinara ang pinto ng room kahit hindi naman kailangang sarhan. Ako, magkakagusto sa kaniya? Over my dead and gorgeous body, never!

KINABUKASAN, dala ang mga kagamitang nagkasya sa aking maleta ay lumakad ako papunta ng waiting venue para sa aming gaganaping camping trip. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at pasimple silang tumatawa. At ano namang nakakatawa?

“O, Senyorita Maria Clara, hindi tayo mag-iibang bansa para maleta ang iyong dadalhin” biglang sulpot ni Lehvriss na halatang nagpipigil ng tawa. “Iba talaga kapag spoiled ano, nagiging ignorante sa mga bagay-”

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sinampal ko siya, “I’m not spoiled and ignorant!”

Iniwan ko siyang nagulat sa ginawa kong pananampal. Totoo naman ah, hindi ako pinalaking spoiled kahit mayaman kami. Palaging akong naka-low profile sa mga nililipatan kong school, ni ang paglalabas kahit mamasyal lang sa mall ay di ko magawa dahil sa katayuan na mayro’n si Papa. Spoiled na halos di ko nabibili ang mga gusto ko dahil ang gusto ni Mommy ang nasusunod!

At saka, kung alam lang nila kung ano dala ko siguradong maghehesterical sila. Well, I want to go hunting, nakakalap kasi ng mga information kagabi kay Cindy. And you know what, ngayon lang ako mag-a-agree kay Madame B, exciting it is.

“Students, halina kayo. We need to start travelling” ani Madame on her usual get up look. Nakpurong itim na naman at black na lipstick. May dala-dala din itong maleta na gaya ko.

We humped sa bus ng school at kani-kaniyang upo. Ang track ng bus is hanggang sa paanan lamang ng Mt. Sinsuat, at simula doon ay maglalakad kami paakyat ng bundok para pumunta sa mismong tatayuan naming ng mga tent. Casual na ginagawa na pala ito ng first years kaya may lugar sa Mt. Sinsuat na safe lagian kapag gabi.

I was busy imagining things noong biglang umalis ang katabi ko, at may pumalit na kumag. “Hi, kumusta?”

“Kumustahin mo sarili mo!” inis kong sabi na inirapan pa siya.

“Napaka-supladita talaga ni Maria Clara” aniya na ikinalingon ko sa kaniya.

Nakakairita ang kaniyang mga ngiti. “SENYORITA MARIA CLARA”

Pangongorek ko na hindi naman niya pinansin. “Alam mo, kung hindi ka lamang nagmamaldita, marahil ay maraming kumaibigan sa’yo” aniya. “pero, mabuti na iyon dahil walang ibang susubok na ika’y ligawan kundi ako lamang’

Hindi ko narinig ng maayos ang mga huli niyang binanggit dahil pahina ng pahina ang kaniyang boses. Umatras ata ang boses nung simahan ko siya bigla ng tingin. “Alam mo rin naman siguro na hindi ko kailangan ng kaibigan. Kayang-kaya ko ang sarili ko, pabuhat lamang ang mga gaya nila”

“Kung sa tingin mong ganun nga, nagkakamali ka Maria Clara. Ang kaibigan maaari mong sandalan sa panahong kailangan mo ng karamay. Ang kaibigan naririyan para magpasaya. Nariyan sila para maging buo ang iyong araw. Nariyan sila para maging katuwang mo sa hirap at ginhawa” pangangaral nito na hindi ko ikinatuwa, “at ikaw Senyorita, wala ka’non. Kaya siguro palagi kang nagagalit,”

Ano naman ngayon kung wala akong kaibigan? Kailangan ba na magkaroon ako ng kaibigan para sumaya? Kung sa tingin niya na lahat ng tao ay kinakailangan no’n, ako hindi. Masasamahan ba ako ng kaibigan na ‘yan na hanapin ang manananggal at tikbalang para patayin sila. Masasamahan ba ako ng kaibigan na ‘yan kapag may nais akong taong gilitan ng buhay? Sa tingin ko’y hindi!

“Well Mr. Magdangal” iniiwas ko ang tingin sa kaniya at mariing tumingin sa bintana ng bus. “I don’t need a friend. For once, I had,but she almost dragged me to death”

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now