Chapter 21

18 3 0
                                    

Bang!

Mula sa ere ay binaril ko ang mabangis na aso. Baliktad ang posisyon ng aking katawan. Mga paa ko'y nakaturo sa mga ulap.

Nagawa kong bumagsak ng matiwasay sa sahig. Sumabay sa pagbagsak ng katawan ng aso. Napabuga naman ako ng hangin noong masigurong wala na ngang buhay ang aso.

"Paano ko mahahanap ang dalawang iyon" luminga-linga ako at nakita ang baging sa pader. Sinubok ko kung matibay at ng masiguro na hindi ito mapuputol ay nagsimula akong umakyat.

"Hanep, paano ko tinakbo ang pader na walang kahirap-hirap kanina. Tumalon pa ako pabaliktad para lang barilin ang halimaw. Nasaan na ang flexibility'ng ginawa ko kanina!" Ang hirap namang umakyat sa pader.

Agad kong iniikot ang paningin. Hindi ko na rin makita sina Cindy. "Ang walang'yang President na 'yon"

Napatingin naman ako sa kabilang espasyo kung saan biglang dumaan si Lehvriss. Hinahabol ng itim na aso. Agad naman akong sumaklolo. Gamit ang aking rifle ay binaril ko sa binti ang aso. Bumagal ang takbo nito.

Kinuha namang pagkakataon ito ni Lehv para asintahin ang crystal na nasa ulo ng halimaw. Tinamaan niya at sumubsob sa paanan niya ang ulo ng aso.

"Salamat!" Hinihingal itong napaluhod sa sahig.

Hahanapin ko sana angv kinaroroonan ni Crissostomo pero kumakaway ito sa malayo. Mukhang tapos na rin siya.

Noong makalapit sa pwesto ko si Crissostomo at maakyat ni Lehvriss ang pader. Pinag-aralan namin ang mapa. "Nasa malapit lang ang pinto" ani Lehvriss na itinuro ang direksyon na pupuntahan namin.

Madali naman ang paglalakad namin, sa itaas ng pader. Naabutan naming papasok ang babaeng nakawagwag ang blondeng buhok. Lumingon ito sa amin at matamis na ngumiti.

"Cindy?" ang tanging namutawi sa aking bibig.

"Isa kang traydor!"

Napatingin naman kami sa Council President na tila nabugbog ng sobra. Anong nangyari sa kanila. Bakit tila sugatan sila kumpara sa maayos na lagay ni Cindy.

Bang!

Isang putok mula kay Pres na direktang tumama sa noo ni Cindy. Sasaklolo sana ako pero parang may kakaiba sa kaniya. Tumihaya ang kaniyang ulo sa kalangitan dahil sa impact ng bala. Bigla itong tumuwid at ngumiti ng nakakaloko.

"Pasensya na, trabaho lang"

Unti-unting niluwa ng kaniyang balat ang balang bumaon sa kaniyang ulo. Anong nilalang ka Cindy, hindi ka naman amoy aswang. Bigla itong tumingin sa amin at ngumiti ng matamis na tila inosente.

Akala ko ay hihintayin niya kaming makababa pero parang salaming nawasak ang plano naming balikan ang lahat ng nasa dormitory. Bigla nitong isinara ang pinto.

"Doomsday has been activated!"

Kasabay no'n ang pagkawala ng pinto. Bigla ring gumalaw ang mga pader at huminto. Nagbago ang puzzle ng maze!

WALANG katapusang pagtakbo. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kaming lumiko. Kailangan naming makabalik sa dormitory dahil sa nadiskubre ni Crissostomo. Pero paano kami makakabalik agad sa dorm kung maya't maya ay gumagalaw ang pader. Nag-iiba ang mga daraanan. Nakaka-pressure din ang countdown na holographic na naka-display sa fake na langit.

Napahinto naman kami noong biglang sumulpot ang lalaking may maliit na uwak na nakapatong sa kaniyang balikat. Susugurin sana ni Crissostomo ang lalaki pero agad siyang pinigilan ni Lehvriss.

"Narito ka ba para pagbayarin ako!" ani Crissostomo. "Hindi kita aatrasan!"

"Cris, pwede ba, tama na" sabi ko.

"Senyorita, noong huli tayong magkita ay napaka-inosente ng iyong mukha, pero tila bumagay ang itsura mo ngayon sa tunay mong pag-uugali" salita ng lalaki na may malalaking ngiti.

"Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa." Naiinis na sabi ni Lehvriss. "Anong kailangan mo?"

"Isa lang ang nais ko. Ang sundan kami. Sumunod ang may tiwala" sa isang iglap ay naging uwak ito. Tumingin naman ako sa mga kasama kong halata ang pag-aalinlangan.

"Kung hindi niyo kayang pagkatiwalaan ang magkapatid. Kahit sa akin na lang kayo magtiwala."

Tumakbo ako, sinundan ang magkapatid na aswang. May kababaan ang kanilang paglipad. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin pero sana tama ang iniisip ko.

Huminto ang magkapatid noong gumalaw muli ang pader saka tumuloy noong tumigil ang pag-iiba ng daan ng maze.

Narating namin ang entrada palabas ng maze, papasok ng safe zone. Malalim ang aking paghinga, napasandal pa ako sa pader. Abot tanaw ko na ang dorm pero nangangatog ang aking mga binti, nanlalabo na rin ang aking paningin, ang lakas ng aking katawan ay tila bibigay na sa lupa. Naramdaman ko na lamang na lumulutang ako.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now