Chapter 12

24 5 4
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari sa campsite, tila nakalimutan ng aking mga kasama kung paanong kamuntik na kaming pagpiyestahan ng mga aswang. Mabuti na lamang at walang nagpadala sa amin sa paglilinlang ng mga aswang. Iyon nga lang ay napuyat kami kakaparamdam ng mga bwisit na wakwak.

Umaga, fifteen minutes na lamang ay magse-second subject na. Sa akin ang tingin ng lahat noong ako'y pumasok ngunit umiwas din agad ng tingin ang mga ito.

"Magwa-walo na ng umaga ngunit ang guro ay wala pa rin. Hindi naman ganito si guro. Nagsasabi iyon kung papasok siya o hindi" natigil ako sa aking pag-upo na napansin ni Lehvriss.

"May nalalaman ka Señorita"

"Sa alin?" maangmangan kong tanong at umupo na ng tuluyan.

"Sus, kunwari pa. Umamin ka. Inaway mo ang guro para hindi pumasok ngayong araw" lakas ng amats makabintang.

Nilingon ko siya, "wala kang ebidensya"

"Kailangan pa ba ng patunay kung umpisa pa lang ay kataka-takang nahuli ka ng apatnapu't anim na minutos"

"Hoy lalaki, wag na wag mo akong pagbibintangan dahil hindi mo alam ang tunay na rason kung bakit ako nahuli"

"At ano ang iyong idadahilan para makalusot sa kasalanang batid kong may kinalaman ka"

"Tangina mo talaga Lehvriss!" Tumayo ako para harapin siya "Unang araw ko ngayong buwan!"

"Paumanhin Señorita, ngunit hindi ko nalalaman ang iyong sinasabi"

Masisiraan ata ako ng bait sa lalaking ito. "Alam mo, ngayon ko lang napagtanto na ika'y tonta, Señorito"

Napatayo naman siya dahil sa narinig. Masama ang tingin nito na sinuklian ko din ng masamang titig, "Tawagin mo na ako ng kahit na ano pero ang salitang 'yan ang wag na wag mong babanggitin sa akin"

"Sino ka naman aber, para ako'y utusan. Tatawagin kita sa nais ko at ako ang masusunod dahil bibig ko ito at hindi sa'yo."

Huminga ito ng malalim. Tila sumusuko na, "husto na, husto na. Ayokong lumaki pa ang samaan ng loob natin"

"Huh, ako? Sasama ang loob? In your dreams. Hindi sasama ang loob ko sa gaya mong estupido!"

Sasabat na sana uli siya ngunit natigil siya. My brows almost strike my temples noong Makita ko kung sino ang pumasok.

“Pagbati sa aking magiging kaklase,” pambungad nito na parang hindi makabasag-pinggan. “Ako si Crisostomo Nuevaespaña”

“Ang gwapo at ang kisig, Senyorita Luciya” bulong ng nasa kabilang table. Hinampas pa nito ang katabi sa kilig.

“wag kang maingay, baka marinig ka. Nakakahiya Senyorita Lira”

Napaikot naman ang mga mata ko sa naririnig. Kung alam niyo lang. That guy named Crisostomo. I know him very well.

“Claire, ikaw ba ‘yan?” tanong nito noong makita ako. Kunwari pa na nabigla eh alam na alam naman niya kung saang school ako nagtransfer.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wag na wag mo akong tatawaging Claire.”

“O, siya, mamaya na yang pagdidiwang niyo sa muli niyong pagkikita” ani ng gurong minsan lang kung pumasok, na kasa-kasama niya pala sa pagpasok kanina.

Nagtangka itong pumunta sa direksyon ko para humanap ng mauupuan pero isang masamang tingin ko lamang ay nagbago ang kaniyang inupuan. Nginitian niya ako ng matamis na ngiti, na pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang mga ngiting yan ay nakakamatay.

KUMAKAIN kami ng pananghalian naming, nagkataon na nakasabay si Cindy dahil madalas sa umaga lamang kami nakakapagsabay talaga.

“Sa tingin mo Senyorita, sino ang nangahas na patayin si Professor” tanong niya matapos ngumuya ng kanin.

Tumingin sa ako sa kaniya, “Hindi ako manghuhula para malaman ang kasagutan sa mga tanong mo”

“Apaka maldita mo talaga, ikaw din baka magulat ka na lang tinatraydor ka na pala ng mga kaibigan mo” aniya saka uminom ng tubig.

“Hindi mangyayari ang sinasabi mo dahil wala naman akong mga kaibigan”

“tss, eh ako Senyorita, hindi mo ba ako tinuturing na iyong kaibigan?” tampu-tampuhan pa eh ayaw naman ako nito.

Tumahimik ako dahil ayokong sagutin ang nakakawalang pake niyang turan subalit nasira ang katahimikan ko noong may biglang sumampa sa akin mula sa likod. Inakap ako nito ng mahigpit,

“little sis, how have you been here?”

“Kapatid mo si Senyorita Maria Clara?”

“Did she not tell about me?” his voice sounds low and sad.

“Pero paano?”

“Marites lang Cindy?” singit ko dahil nakakairita ang kanilang pinag-uusapan.

Tinanggal ko ang pagkakayapos ng bruhong ito at tumayo. Hindi pa ako natatapos kumain pero kailangan kong makausap ang lalaking ito.Hinila ko siya sa lugar na alam kong walang katao-tao, ni tumatambay.

“Naku Claire, bakit mo naman ako dinala dito?” tanong niya agad. Tinitigan ko siya sa mata. “Wag po”

At nakuha pa niyang hindi magseryoso, ganiyan siya hindi nakukuha sa tingin. Kailangan mong iparamdam sa kaniya na talagang seryoso ka. Pak!

Isang malutong na sampal ang aking ginawa sa kaniyang pisngi. “Umamin ka nga, Ikaw ang pumatay sa mabahong guro!”

Biglang tumalim ang kaniyang mga mata, “Hindi ko itatanggi ang bagay na ‘yan. Alam mo ang kaya kong gawin para sa’yo Claire”

“Pwede ba, tigil-tigilan mo na ako. Napag-usapan na natin ’to diba?”

“Paano ako titigil kung puso ko na mismo ang ayaw magpapigil. Alam mong para sa’yo lamang tumitibok ito”

“Napakalaswa mo talaga. At ano namang naging dahilan mo at ginawa mo iyon sa guro”

“Well, I heard them talking how to dispose you the first time I arrived here. Alam mo namang napakalakas ng pandinig ko diba” aniya. “At dahil din dyan, narinig mismo ng aking mga tainga that I was not really your stepbrother. I was an adopted child by my mother, Fyohna Nuevaespana, para ipahiya ang inyong pamilya”

“I don’t care”

“and I care. Ibig sabihin lang nun, pwede na kitang ligawan”

“Your efforts will just be in vain”

“I should not worry about that. Lalo pa’t hindi ko pa nasisimulan”

“May iniibig na ako Crisostomo. Kaya wag mo ng ituloy ang kung ano mang binabalak mo”

Biglang dumilim ang kaniyang mukha, tila hindi nagustuhan ang aking mga sinabi. “Ang Lehvriss ba na iyon ang iyong tinutukoy?”

“Sino?! Talagang ang lalaki pa na iyon ang iyong naisip. Like, wtf! Never in my entire life! Sumpain ang kalangitan kapag nangyari iyon.”

“Kung hindi siya, sino?”

“At bakit ko naman sasabihin sa’yo. As far as I know, lahat ng manliligaw ko noon ay muntik ng mabaliw dahil sa kagagawan mo”

Hindi ito nagsalita, sa halip tumalikod ito at umalis ng nakakuyom ang kamao. Ano bang nagustuhan sa akin ng baliw kong Kuya, which is not really by blood. Hanep naman talaga itong Fyohna Nuevaespana na ito, because of jealousy gumawa ng paraan para makuha si Papa. Malas nga lang niya at maaga siyang namatay.

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now