PABABA na ako ng bundok para bumalik ng aking klase, sa mga oras na ito ay minendal na o recess, noong may makasalubong akong dalawang lalaki na ang isa'y pagewang-gewang sa kaniyang paglalakad. Papatirik na ang araw para sa tanghali eh may mga lasing ng pagala-gala sa lugar? Iiwasan ko sana ang mga dugyuting ito subalit hinarang ako ng matabang lalaki.
"Hi missh" lasing na nga ang tabachoy. Palamunin siguro ito ng asawa. "Bakit nag-iisa ka? Alam mo bang delikado ang mag-isa sa nayong ito?"
"Oo nga naman, lalo na't you're too beautifil to be alone" dagdag ng isa na umi-english na. May kapayatang itong taglay na pakiwari ko'y issang tamad na wala ng ginawa sa buhay kundi uminom.
"Mga mister, salamat sa inyong pag-aalala ngunit hindi ko kailangan ng kasama. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng kasama" ani ko na tangkang aalis na pero di pa man ako nakakalayo sa tabachoy ay hinila nito ako ng buong lakas at tinulak. Napa-upo ako sa damuhan, mabuti na lang at natungkod ko ang mga kamay ko kundi masakit ang pagkakabagsak ko.
"Talaga lang ha, well mish beautiful siguradong mag-e-enjoy kami ng kasama ko" at tumawa pa nga na parang...... Sasabihin ko ka sana na parang demonyo kung hindi lang siya napa-oink!
Napansin ko ang biglang paghuhubad ng kasama niya. Maging ang mga ngiti'y napakalaswa. Hinawakan ako ng tabachoy sa magkabilang kamay at sapilitang inihiga sa kinauupuan ko, nyemas na baboy 'to, ganito ba ang mga lasing? Kung ano-anong ginagawa. May naiisip na akong paraan sa kababuyang ginagawa sa akin ng lalaki ngunit ilang segundo lamang ay napatigil sila sa kanilang ginagawa.
"Mang Mario! Mang Kiko! Itigil niyo kung ano man ang ginagawa niyo sa Binibini!" at halos manigas ang dalawa sa dumating. Nanginginig pa sila noong makumpirma kung sino ang umuutos sa kanila.
"Senyorito Lehvriss!" Yumukod pa sila na halos halikan na ang lupa. "Patawad, nadala lamang kami ng kalasingan"
Nadala ng kalasingan. Lasing pala kayo eh, bakit sa nakikita ko ngayon ay hindi na.
"O siya, humingi kayo ng tawag sa binibini at umalis na" utos nito uli.
"Hindi ko kailangan ng kanilang patawad" agaran kong sabi. "Magkikita pa kaming muli, diba mga Manong"
Lintik lang ang walang ganti. Wag na wag silang magpapakita sa akin ng gabi at dala-dala ko ang shotgun. Wag na wag ko din malalaman ang kinaroroonan ng kanilang bahay at baka di ako makapagtimpi ay susugurin ko sila.
Iniwan ko sila na nagtataka sa aking tinuran. "Wala man lamang bang pasasalamat, Senyorita Maria Clara" narinig ko pang sigaw ni Lehvriss sa malayo ngunit di ko na nilingon pa.
SUMUNOD na araw, napakaaga pa noong ginimbal kami sa dormitoryo ng iskul. Isang ginang ang sumisigaw sa labas na galit na galit.
"Senorita! Lumabas kang kang demonyita ka!" Napakalakas ng kaniyang sigaw na umabot sa talaga sa ikalawang palapag kung nasaan ang aking kwarto. "Sino ang nagngangalang Maria Clara sa inyo!"
Dumungaw ako sa bintana ng aming kwarto. Oo, amin dahil pumayag na akong makakasama ko sa iisang kwarto ang ubod na hinhing si Cindy. Iyong nagtangkang pumigil sa akin na lumabas ng kwarto noong gabi ng lagim.
"Tumabi kayo kung ayaw niyong kayo ang tagain ko!" nangangalit na sabi ng Ginang. Pinipigilan siya ng ilang kalalakihan na sa tingin ko'y taga-nayon din at may mga anak na nag-aaral sa pangit na iskul na'to.
"Manang Hilda, kuro-kuro lamang iyon. Sa tingin mo ba ay magagawa iyon ng dalagita sa iyong asawa. Mga bata pa ang naririto at ang kaluno-lunos na nangyari kay Mang Kiko ay siguradong kagagawan iyon ng mga wakwak" pagpapaliwanag ng isa sa kanila.
May mga lumalabas na kapwa ko estudyante na naka-uniform na at todo ang pagmamadali sa pag-alis dahil sa pagsunod ng titig ng nasabing Ginang. Parang wala itong narinig sa sinabi ng kasama.
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mistero / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...