Mahimbing na akong natutulog noong bigla akong magising dahil sa lakas ng pag-uga ng aking hinihigaan. May bumabayo ba? Si Cindy naman ay tila nasasaniban kakasigaw. Naghehestirical itong bumaba ng kaniyang higaan at mabilis na pumunta ng pinto. Lumilindol pala. Bubuksan na sana niya ang pinto pero hindi niya ito nabubukas.
Napabangon naman ako sa nasaksihan at tumungo sa kaniya, pero tulad niya ay hindi ko maikot ang doorknob. Kahit hilain namin ito ay ayaw talagang magbukas. Madali akong pumunta ng bintana pero maging ito ay ayaw bumukas.
Napatago na lamang kami. Ako sa ilalim ng mesa at si Cindy ay sa ilalim ng kama. Sa kabutihang pala ay wala pang nababagsak na mga gamit o palapag sa amin. Ngunit maaga pa para magdiwang, hindi pa rin humihinto ang paglindol.
Totoo ngang sa ganitong pangyayari, kailangan nating sundin ang duck, cover, and hold rule dahil iyon lamang ang paraan para tayo'y maging ligtas sa mga paglindol. Napansin ko naman si Cindy na hawak na naman ang kakaibang rosaryo na tila siya ay nananalangin.
Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng huminto ang paglindol. Saglit naming pinakiramdaman ang paligid at nagulat sa biglaang pagbukas ng pinto. Bumungad sa pinto si Lehvriss na nakaboxer short at white sando lamang. Pinagpapawisan ito na tila malayo ang tinakbo.
"Señorita," aniya na tila nag-aalala. "Mabuti naman at maayos kayo"
"Pwede ba, bago ang lahat, magdamit ka muna ng maayos dahil lahat kaming nasa ikalawang palapag ay mga babae!" sigaw ko.
Doon lamang niya napagtanto na hindi kaaya-aya ang kaniyang suot. Tumakbo ito paalis na hindi man lamang nagpaalam. At bakit kailangan niyang magpaalam sa’yo Maria?
"Maligayang pagdating sa legendary maze, first year students.” Ugong ng boses na parang ginamitan ng malaking mikropono. Tila ang boses nito ay nasa isang auditorium. Legendary maze?
Umupo ako sa kama at hindi na inabala pang bumaba ng dorm. Si Cindy naman ay sumisilip-silip sa labas ng bintana na tila namamangha sa nakikita. Hinanap ko agad ang aking baril dahil kinukutuban ako sa nangyayari.
“Tila naguguluhan kayo sa pangyayari ngunit nararapat lamang iyan sa inyo.” At anong pakulo ito. Nababaliw na ata ang nagsasalita. “Isa sa inyo ang walang awang pinatay ang aming kasama kaya nakapagdesisyon ng Committee na kayo ay itapon sa walang katapusang kulungan ng mga aswang. Haha.”
Biglang pumasok si Crisostomo ng hindi man lamang nagsasabi. “Are you okay Claire, hindi kaba na pa’no?”
Hindi ko siya sinagot. Tinuon ko ang sarili sa nagsasalita na halatang pinipilit na nakakatakot ang kaniyang mga sinasabi.
“Sana ay marami ang madagit ng aming manananggal sa inyo para mabilis kayong maubos. At oo nga pala, para naman may thrill, nag-iwan kami ng mga armas na maaaring niyong gamitin."
Noong marinig ko ang manananggal ay tila nabuhay ang dugo ko sa katawan. Manananggal, siya kaya ang hinahanap ko? Ang tikbalang, naririto rin kaya?
“Kina Lucerio, baka pwede tayong lumapit sa kanila. Tiyak na mas ligtas tayo sa mga Seniors natin” ani Cindy na halatang gusto lamang makasama si Lucerio.
Tila narinig ng host ang mga sinabi ni Cindy. "Wag niyo ng hanapin pa ang mga third year at fourth year dahil hindi namin sila sinama sa inyo. Idadahilan na lamang namin na gumuho ang mismong lupa na kinatitirikan ng inyong dormitory, at wala kaming magagawa sa natural disasters. Haha"
DINALAW kami ng mga class officers para pagsabihang bumaba muna sa bulwagan para mapag-usapan ang nangyayari sa amin. Hindi naman kami tumanggi at agaran ding bumaba.
Sa kabila ng mga nangyayari ay tila kalmado ang mga kapwa ko estudyante. Ngunit hindi pa rin talaga nila maitatago ang tunay nilang nararamdam sa panahon ngayon.
Nagtitipon-tipon kami ngayon sa napakalawak na salas ng dormitory. Para kaming mga rebelde na nagpupulong dahil bawat sa aming gitna ay nakatumpok ang iba’t ibang uri ng armas. Dinamita, itak, different kind of guns tulad ng armalite, may pistol, caliber 45, shotgun, at marami pang iba, ilan sa amin ay may hawak ng spear at double-bladed na sword.
“Umamin na kung sino man ang pumatay kay guro,” basag ng Senorito sa katahimikan na sa tingin ko’y 2nd year na. Biglang nagkaroon ng tension at bulong-bulungan. “Tiyak mapapatay kita sa oras na malaman kong ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.”
Napatingin naman ako kay Crisotomo na nasa aking tabi na sinuklian lamang ako ng isang matamis na ngiti kaya parang nawawala ang mga mata nito. Nabalik ang tingin ko sa lalaki na nagsalita kanina, tila bilang na ang maliligayang araw mo Senorito.
“Kumalma muna tayo, dahil hindi natin maliligtas ang ating sarili kung hahanapin natin ang demonyong iyon.” Ani ng Senior naming CSC President. “Ang mahalagang pag-uusapan sa mga oras na ito ay kung paano tayo makakaligtas ngayong gabi”
“Ang sabi ng host, ang kinaroroonan natin ay isang safe zone” saad naman ng babaeng kaklase ko na si Andrea. Nakalingkis na naman ito kay Lehvriss. Higad talaga.
“Pero kailangan pa ring may magbantay. Baka sakaling niloloko lamang tayo. Alam niyo naman ang gustong mangyari ng host diba. Kumbaga tayo ay mga inihandang pagkain para sa mga alaga nilang aswang!”

YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...