THE burning light of the bonfire is the only light that illuminates the dark campsite. Ang paligid ay tahimik, maliban sa paglagaslas ng mga dahon sa malamig na hangin. Maging ang kakaibang huni ng mga ibon sa gabi ang tanging bumabasag sa katahimikan.
Nagtipon-tipon kami ng mga kaklase ko sa paligid ng lumalagablab na apoy, ang bawat isa ay may hawak na tasa ng mainit na tsokolate o kape para maibsan ang lamig at takot na nararamdaman.
Binasag ni Lehvriss ang aming katahimikan. "O, sino ang gustong magkwento sa inyo. Baka may nais kayong ikumpisal" sabi niya habang inaayos ang mga tuyong sanga sa apoy gamit ang patpat.
Ikumpisal? Anong bang akala niya sa kinaroroonan naman, church?
"Ikaw na lang, Lehvriss. Mukha ka namang laging may baong kwento," sabat ni Jenny, sabay hagikhik.
"Hmph," singit ko habang hinihigpitan ang pagkakabalot ng kumot sa akin. "Sigurado akong puro kababawan lang ang maririnig ko."
As usual, titingin na naman sila na parang may masama akong sinabi.
"Ikaw na nga, Maria Clara. Ano bang alam mo?" mapang-asar na sabi ni Andrea, iyong babaeng napalipat ng upuan noong first day kong pumasok.
I raised my brows. "Fine. Makinig kayong lahat," sabi ko, sabay lapag ng tasa sa lupa. "May alam akong kwento, pero siguraduhin niyong hindi kayo sisigaw."
"Alam niyo ba ang tungkol sa alamat ng Bundok Malaya?" tanong ko, habang tinitigan ang nagbabagang kahoy. "Dati raw, hindi 'to ordinaryong bundok. Isa itong taguan ng mga nilalang na nagkukubli sa dilim. Mga halimaw na pumipili ng mga taong nawawala o... mahina."
Ang mga sinasabi kong ito ay may pinanggalingan at hindi lamang make-up story. Kay Cindy ko nalaman ang kwentong ito, kaya nga napasama ako eh. Kasi hindi, tatanggapin ko na lang ang sanction ng school sa mga hindi sasama.
Nagpalitan ng tingin ang mga kaklase ko. Sa gilid ng bonfire, napansin kong kumurap-kurap si Lehvriss, halatang hindi komportable. Mukhang takot sa aswang ang mayabang na lalaking ito haha. Pasimple akong natawa.
"Sinasabi nilang sa bawat hakbang paakyat, may mga matang nagmamasid. Mga matang naghihintay ng tamang pagkakataon. Kapag natutulog ka? Doon sila lumalapit. They have a strong smell of fear at iyon ang nagpapalakas sa kanila."
Biglang may narinig kaming kaluskos mula sa kung saan. Napatalon si Andrea. "Ano 'yun?" bulong niya, her voice has a hint of fear.
"Hangin lang," sabi ni Lehvriss, pero maging siya ay halata ang kaba sa tono.
Nakangiti akong tumingin sa kanilang lahat. "Ayun nga, 'di ba? Ang problema, hindi natin alam kung kailan sila susulpot." I stopped for awhile before continuing, "Kaya sinasabi nila, kapag naramdaman mong may malamig na hangin sa leeg mo sa hatinggabi, ‘wag kang lilingon. Baka may nakatingin na sa’yo."
Napasulyap si Jenny sa likod niya. Si Andrea naman, pilit na isiniksik ang sarili kay Lehvriss. Parang linta ang babaita kung makakapit.
Tumayo ako at sinabing. "Relax lang kayo," may laman ang mga binabanggit ko. "Kung nandiyan man sila, alam kong hindi nila ako gagalawin. Pero kayo? Hmmm…"
Mauna ka sa Andrea, isama mo na din si Lehvriss.
"Ang OA mo, Maria Clara," sabi ni Mario na kanina pa pala nakikinig sa usapan naming.
Tahimik na tumawa ako at muling umupo. "Hay, ang dali niyong takutin. Kung ako sa inyo, magdasal na kayo bago matulog. Malay natin, hindi lang ‘alamat’ ang kwento ko."
ANG lagablab ng bonfire ay patuloy na umaapoy, giving us warmth and light sa gabing madilim. Ang mga kaklase ko ay nakapalibot sa bonfire, bawat isa ay tahimik, tila hinihintay ang susunod na mangyayari.
YOU ARE READING
Beware of Señorita Maria Clara
Mystery / ThrillerIn a world where tradition clashes with modernity, Señorita Maria Clara stands defiantly-a fierce embodiment of rebellion and strength. Sent to a prestigious yet archaic school steeped in customs, she finds herself navigating a labyrinth of outdated...