Chapter 14

23 6 3
                                    

Maria Clara's POV

Tahimik akong nakaupo sa ginawang guard post ng mga kasama ko. Ngayong gabi ang nakatalagang duty ko, may kataasan ito kaya imposibleng hindi ko mapapansin ang lalabas at papasok, lalong-lalo na sa mga aswang.

Pinagmamasdan ko ang madilim na paligid habang natanaw ang dormitory. Dahil lamang sa isang guro ay umabot kami sa puntong ito, kung saan hindi totoo ang liwanag ng buwan at sikat ng araw sa umaga.

Napapalibutan din kami ng napakataas na pader gawa sa kakaibang materyales na tila di matitibag. Mula naman sa guard post ay ang entrada papasok ng maze. Kaninang hapon ay dalawang kaklase namin ang sapilitang pumasok ng maze. Hindi kami ay may gusto nun, kundi ang Committee na kumukuntrol sa buhay namin.

Sinabi nilang ang napapalibutan ng pader ay safe zone ngunit hindi kami makampante lalo na't ang dahilan kaya nila kami dinala dito ay dahil gusto nilang kami ay mamatay lahat. Mahirap magtiwala sa sinasabi nila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip, "Oh, mukhang tulala ka ata Señorita?" nabalik naman ako sa ulirat noong magsalita si Levhriss na kakaakyat lamang.

Inaayos ko ang pagkakaupo ko bago nagsalita. "Wala, iniisip ko lamang kung ano ng nangyari sa dalawang kaklase natin"

Napatingin naman ito sa akin na tila di mapasok sa kaniyang kokote ang mga sinabi ko, "Ikaw? Mag-aalala, niloloko mo ata ako Señorita" sabi ko na nga ba't di ito maniniwala.

"Kung ayaw mo akong paniwalaan, sige, I won't argue." saad ko na pinakatitigan ang entrada ng maze. "Ba't ka nga pala nandito, mamaya pang alas-dose ang iyong duty. May dalawang oras ka pa para matulog."

Sa schedule ay tigda-dalawa sa pagduty, ang isa ay watcher at ang isa bantay sa guard post.

"Wala." tila nabubulol niyang sabi. "Hindi kasi ako makatulog dahil tulad mo, nag-aalala rin ako sa kalagayan ng mga kaklase natin. At sa tingin mo, kailan nila uli balak magpapasok sa maze. Sana magkasama tayo kung sakali"

Napatingin naman ako, "ikaw, sasama sa akin? Siguradong magiging pabigat ka lamang"

Kung sakali mang may ipapasok sila sa Maze, mas mapagkakatiwalaan kong siya ang kasama ko, pero hindi ko din pwedeng iwan ang kuya kong baliw. Alam niyo naman ang pag-uugali ng isang 'yun. Baka sa oras na mawala ako sa pandinig niya o sa paningin niya, kung sino-sino ang pagbalingan niya ng inis.

"Atleast ikaw ang kumakarga" aniya na nagpataas sa akin ng kilay.

Bakit ko nga pala inaalala ang isang iyon. Dapat nga ay dito na mamatay ang lokong iyon. Sa dinami-rami ng kaniyang naging biktima, deserve niyang ito ang huli niyang hantungan.

Sasabat sana ako pero natigil ako noong mapansin kong paakyat na ang susunod na duty. "Tara na at baka maging bagahe ka nga"

NADARANG kami sa aming pagbaba noong makaulinig kami ng iyak ng isang sanggol. Napatingin kami sa nagbabantay sa itaas na tila hinahanap ang kinaroroonan ng iyak.

"Tiyak isa na namang kampon ni Satanas" saad ng isa pang nagbabantay sa paanan ng guard post. Pinaalis na rin pala nito ang aking kasama sa pagbabantay kanina.

"Isang impakto" sabi ni Lehvriss.

"Impakto? Ano naman iyon?" Tanong ko habang inaalalayan niya akong bumaba. Ang taas naman kasi ng guard post eh.

"Kalahi ng mga aswang na nagkakatawang sanggol na nakakahalina." Aniya noong makababa ako ng tuluyan, "tiyanak kung baga"

Napahanda naman kami noong tumigil ang pag-iyak nito. Umiba rin ang ihip ng hangin na tila senyales na may mangyayaring hindi kanais-nais.

Pumikit ako at dinama ng mabuti ang kapaligiran, at isang nakakasulasok na amoy ang aking naaamoy na gaya ng mabahong guro. Tila iisa ang nilalabas na baho ng mga aswang na ito.

Ikinasa ko ang shotgun na aking dala. Binuksan ang mga mata at itinutok ang baril sa harapan ng kasama naming gwardya. "Wag kang gagalaw kung ayaw mong bumulwak ang iyong ulo"

"P-pero Senyorita, anong ibig sabihin nito?" Kinakabahan nitong sabi. Halatang natatakot sa maaari kong gawin sa kaniya.

"Señorita, nababaliw ka na naman ba? Ibaba mo ang iyong baril. Ngayon din!" saad ni Lehvriss na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"Sige" tugon ko ngunit hindi pa rin ibinaba ang hawak na baril.

BANG!

Isang putok na halos ikamatay ng bagong bantay. "Nakakaunawa na rin pala ang mga tyanak! Pero sila'y napapaniwala rin agad"

Sabi ko noong bumulwak ang impakto sa balikat ng bantay. Nagtatago kasi ito kanina sa likod ng bagong bantay na hindi man lamang niya naramdaman. Nauunawaan siguro nito ang mga salitang binibigkas namin at sa pag-aakalang ibinaba ko ang baril ay walang pag-aalinglanganan itong gumapang papunta sa balikat ng bantay. Syempre, walang pagdadalawang isip kongn kinalabit ang gatilyo ng baril na nakatutok na sa tyanak.

"Paano mo nalamang nasa likod ko lamang ang tyanak?" Napatanong ng bantay na namumutla pa rin.

Itinuro ko ang aking ilong, "sa hindi ko malamang dahilan. Naaamoy ko ang masangsang nilang katawan na tila bawat galaw nila ay nababasa ko kahit di ko sila nakikita"

"Ang ibig mong sabihin na si guro ay isa ding aswang, dahil naaalala ko noon na pinahiya mo siya sa harap ng klase kahit di naman namin siya naaamoy na mabaho" saad nito.

Napatingala ako sa itaas ng guard post at tama nga ako ng hinala, "imbes na makichismiss ka dyan. Magbantay ka dahil sa oras na may makapasok ng hindi namin nalalaman, malilintikan ka sa akin!"

"Senyorita naman," aniya na napapakamot ng ulo at nag-umpisa ng magmasid sa paligid.

"Ikaw naman, tama na ang pag-iintriga. Magmanman ka na rin dahil baka maya ay nasa likod mo na ay hindi lamang tyanak."

Beware of Señorita Maria ClaraWhere stories live. Discover now