Hermione's POV
Ala una na nang hapon wala parin sina Nanay at Sir Shawn, ang tagal naman ata nilang nakauwi. Halos paulit-ulit akong papasok at palabas ng bahay dahil sa sobrang pag-aalala. Hanggang sa kinalabit na ako ng bunso ko'ng kapatid na si Henry. Kumukod ako para maabot ko siya.
" Bakit, kulit ? "
" Umupo po muna kayo, Ate Hermione Kanina pa po kasi kayo lakad ng lakad, nakakahilo po kayong pagmasdan "
Napangisi ako at naupo na nga.
" Nag-aalala kasi ako kay Nanay, Kulit. Tagal kasi nilang hindi umuwi "
" Kay Nanay ka ba talaga nag-aala, Ate o kay Kuya Shawn ? "
Tumaas ang isang kilay ko.
" Kulit... "
" Hehe..joke lang po, Ate "
Narinig ko ang huni ng kotseng pumarada sa harap ng bahay namin. Sina Nanay na yan .
Napatayo ako at lumabas na nang bahay, sinalubong ko si Nanay ay kinuha ang dala niyang basket.
" Napagod po ba kayo, Nay ? "
" Ako ba ? Naku, Anak. Baka mas napagod si Shawn dahil kahit isang supot ng pinamili namin hindi niya pinabitbit sa akin. Siya lahat, naku napakagentleman naman ng amo mo, Anak "
Napasulyap ako kay Sir Shawn na nasa kotse palang at inisa-isang dinadampot ang mga supot. Nilapitan ko siya at tinulunga.
" Tulungan na po kita, Sir Shawn "
" No, its fine. Ako na, baka may nakita ka pa dito na hindi mo dapat makita "
Napaismid ako.
" Ano naman yun ? "
" Basta, kaya ako na ang magdadala. Kunin mo nalang ang susi ng kotse at ilock mo ang mga pinto. Okay ? "
Hindi na ako nakapalag, nauna na itong naglakad papasok ng bahay.
Sinunod ko naman ang iniutos niya, nilock ko ang pinto ng kotse at kinuha ang susi. Ipinasok ko ito sa loob ng pants ko.
Nagbalik ako sa loob ng bahay at akmang tutulungan siya sa paghahanda ng hapunan namin.
" Naku, Anak. Ako na, samahan mo nalang si Shawn sa tubuhan. Gusto niya raw makita kung ano ang mga ginagawa ng mga tao roon "
Kumunot-noo ako.
" Tara na, Hermione"
Nang lingunin ko ito, nakasuot lamang ito ng short na hanggang tuhod at puting plane jacket.
" Anong gagawin natin doon, Sir Shawn? "
" May titingnan lang nga ako, tsaka nagpaalam na ako kay Nanay. Kaya tara na "
Hinawakan niya ako sa kamay at binitad palabas ng bahay. Nagtungo nga kami sa tubuhan nang diko parin alam kung bakit.
Ano bang trip niya ?
Pagkarating namin sa tubuhan, naupo kami sa may kubong-tambayan.
" Ano bang ginagawa natin dito, Sir Shawn ? "
" Gusto ko'ng pag-aralan kung paano mag-tubo "
" At bakit ? "
" Dahil magtatrabaho ako diyan "
" Ano?! Nababaliw ka na ba ? "
" Hindi. Seryoso kaya ako, nagpaalam na ako kay Nanay, dito muna ako ng dalawang buwan "
" Ano ? Dalawang buwan ? Seryoso ka ba ha ? hindi mo ba alam na mahirap ang buhay-probinsiya "
" Alam ko, kaya ko nga pag-aaralan hindi ba ? Susubukan ko nga kung kaya ko. Siguro naman kakayanin ko kasi, nandiyan ka sa tabi ko "

BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."