Napapikit na lang ako habang paulit ulit na inaalala yung scenario kahapon. Okay alam kong may mali talaga. Alam kong may kakaiba. Pero gusto ko na lang baliwalain. What if mali pala ko ng iniisip but damn it. I can feel it hindi ako tanga.
Nagtalukbobg ako ng unan sa mukha. Wala kong ganang pumasok ngayong araw. Ayoko syang makita. Ayoko syang makausap. Everything is weird at alam kong hindi maganda ang nangyayari.
"Rain anak?" Tawag ni mommy kaya agad akong tumayo. Pagkabukas ko ng pinto ay nakakunot noong mukha nito ang nabungaran ko.
"Hindi ka ba papasok?"
"Masama po ang pakiramdam ko" Okay I have to lie. Katulad nga ng sinabi ko ay ayoko syang makita.
Agad namang kinapa ni mommy ang noo ko. "Wala ka namang lagnat. Ipapatawag ko na ba si Doc. Hillario?"
"Hindi na po. Masakit lang ulo ko. Itutulog ko lang 'to mommy" Mukhang gumana naman ang kaunting acting ko kaya iniwan na lamang ako nito.
Tanghali na ng naisipan kong bumaba. Kahit may gusto akong puntahan ay kinatamaran ko na rin dahil parang nagkakatotoo na ang sakit ng ulo ko. Wolongyo bakit ngayon pa? Siguro kakaisip ko to kaya napapagod yung brain cells ko.
Pagbaba ko agad kong nabungaran yung kapatid ko na may kausap sa telepono. Kunot ang noo nito habang mahigpit ang hawak sa lapis nitong mongol. Agad ko naman itong nilapitan at binatukan ng may kalakasan kaya paasik itong tumigin sakin.
"Masakit yon!" Reklamo pa nito.
"Alam ko. Hindi ako tanga" At inirapan ko pa ito. Lalo naman ata itong nabadtrip kaya binaba nito ang telepono. "Problema mo ba?"
"Natalo ako sa dota" Big deal? Dahil lang sa dota nagkakaganyan 'tong ungas na ito eh mas mabigat pa ang problema ko sa kanya eh.
"Wow nahiya sayo ang global warming at corruption sa tindi ng pasan mong problema." And I rolled my eyes heavenwards.
"Do you think I'm that shallow?" And he almost made a face in front of me. "She's gonna date that bastard. Putek!" At padabog na itong tumayo at umakyat papunta sa kwarto nya.
Ano daw?
Nakatingin lang ako dito habang paakyat sya. Nabaling lang ang atensyon ko ng magvibrate yung cellphone ko mula sa bulsa ko.
"Hello?" Sila Mags kasi tumatawag.
"Where na you Rainy?" Maingay sa kabilag linya. May nagtitilian o kung ano man yun
"Nasa bahay"
"Dapat pumasok ka----Si Rain ba yan Hi Rain!" Narinig ko rin ang boses ni Astrid sa likuran. "Rain Rain huhuhu Rain. Mawawalan ka ng love life hindi pweeeedee" Malakas na tili ni Reesa kaya napalayo ako sa cellhpone ko.
"Wait nga lang ano bang nangyayari dyan?"
"Aray ko Reesa 'wag mong sirain ang earphone ko!---Aish Si Yul kasi may nagcoconfess sa kanya at guess what? Todo effort yung babae" and that's when I remembered Olive. Yung babaeng ex-girlfriend ni Yul na ugaling bitch.
"Ah ok" Mahinahon kong sagot kahit parang naiinis ako. At bakit ka maiinis Rain? Sabi ko nga hindi eh!
"Yun lang? Enebe Rain. Hayss tawagan ka na alang namin mamaya si Reesa sinisira yung earphone k-- toot toot toot" Mukhang inend call na nito.
Inilapag ko lang yung cellphone ko sa lamesa at matagal ko yung tinitigan.
Bakit parang lalo akong nawala sa mood? Aish.
Sumalampak na lang ako sa sofa at binuksan yung tv para manuod sa disney channel. Hindi ako nakuntento kaya nilipat ko ng nilipat yung tv hanggang yung daliri ko na lang yung kusang nagsawa at napagod. Nababaliw na ako. Nababaliw na talaga ako.