[21]- Selos

1.5K 20 0
                                    

Siguro kung iisipin ang immature immature ko sa ginawa kong 'yon. I can't help it, okay? Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan at kahit tinginan man lang ay wala. Kahit minsan gusto ko syang lingunin tuwing tinatawag sya ng mga kateammates nya ay hindi ko pa rin ginawa.

Ang tingin ko naman ay wala naman talaga akong dapat ikahingi ng sorry kahit din naman sya. Tapos na eh nagsorry naman sya para sa pagtama sa akin ng bola pero etong ego ko na hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan ay hindi talaga magawang pansinin sya.

"Rain imbitahan mo naman si Yul na pumunta dito" Napalingon naman ako kay mommy habang nilalantakan yung Pringles at nakahiga sa sofa.

"Busy yun Ma" Oo busy kasama at kalandian si Olive. Sige hala magsama silang dalawa.

"Ay ganun ba? Sayang naman. But if you can invite him eh imbitahahan mo Rain, ah?" Hindi ko alam kung may kahulugan ang pagngisi ni mommy na agad ko na rin naming binalewala.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng makita yung umilaw. May text.

'Rain nandito kami sa labas' Text ni Astrid sakin.

"Ma labas lang ako" Tumango naman ito na busy sa pagbebake.

Hindi ko na inayos yung sarili ko na lumabas at nagulat pa ako ng hindi lang tatlo ang bumungad sa akin kundi apat. Including him.

"Anong ginagawa nyo dito?" Bigla naman daw akong nairita sa presensya nya.

"Mamamasyal tayo Rain!" Tuwang tuwang anunsyo ni Mags na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay. Napatingin naman ako kay Yul na walang imik na mukhang busy at may katext.

"Kayo na lang. Busy ako"

"Asa!" At nagcrossarms sa harap ko si Reesa. "Wala ka namang pinagkakaabalahan eh Rain!"

"Meron"

"Wala!" At nagsisismula na po syang magtantrums. Pagganyan yan eh hindi na ko makakatangi dahil hindi ako titigilan hanggat hindi nasusunod ang gusto nya.

"Hay nako! May magagawa pa ba ako?" Naiinis kong tugon sabay sulyap kay Yul na nakatingin na sa akin. Inismiran ko naman ito at tumalikod para pumasok at magpaalam. "Magpapaalam lang ako"

"Okay!" sabay sabay na sabi ng tatlo. Minsan naiisip kong bakit hindi sumali 'tong tatalo sa speech choir eh no.

Nagpaalam ako kay mommy at sinabi kong magtetext na lang kung pauwi na ako. Hindi naman ako nito pinagbawalan. Ang nasa isip kasi nito ay 'Explore while you're still young and enjoy while you still can'. Kaya kahit ang Daddy kong medyo mahigpit sa akin ay hindi na rin umaangal. You only Live Once lang naman kasi talaga.

At eto pa hindi ko alam kung nananadya yung tatlo kasi nung subukan kong sumakay ng passenger seat kasama sila ay pinagtulakan nila akong palabas kaya ang naging resulta katabi ko si Yul. Nakabusangot naman yung mukha ko dahil doon. Diretso pa akong nakatingin sa kalsada dahil ayoko syang lingunin!

"Tulog lang kami ah! Di kami nakatulog dahil kay Sadako eh" Sabi ni Mags na mukhang nagmovie marathon kagabi kasama yung dalawa. Nakatira kasi sila sa iisang condo na malapit sa school. Masyadong malalayo ang mga bahay nito nila para umuwi uwi.

"Sige" Ang sagot naman ni Yul. Tumingin naman ako sa front mirror at saktong nakatingin sya doon kaya nagkatinginan kami na agad ko namang ikinaiwas ng tingin.

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko pala natanong kanina.Ayan kasi sama ng sama ng hindi man lang nagtatanong. Naramdaman kong tumingin sya sakin saglit at tumingin ulit sa kalsada.

"Dyan lang"

Sa pagkakataong yun ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. "Niloloko mo ba 'ko?"

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon