[7]- Nanaman

1.7K 36 1
                                    

Maaga pa lang ay masaya na ko. Ito ata ang pinakamasayang araw para sakin. Ang araw na magiging miserable ang buhay ng lalaking may lahing demonyo! Wahahaha. Let’s see what will happen after nyang magtatakbo sa buong campus ng nakaboxer. Magandang scoop yun at headline sa school newspaper.

“Anak inlove ka ba?” Napatigil ako sa pagsubo ng kanin at halos mabilaukan sa tanong ni mommy. Agagad naman akong inabutan ng tubig.

“Ma naman!” reklamo ko matapos makahuma.

Umupo naman sya sa tapat ko at pinagsiklop ang dalawa kong palad.

“Huhuhu Rain akala ko tatanda ka ng dalaga! Sino sya? Ipakilala mo samin ng daddy mo” I rolled my eyes heavenwards . Eto nanaman sya sa pagiging romantic cupid kuno nya.

“Ma wala ok? Masaya lang talaga ako ngayon wag nyong bigyan ng ibang meaning”

“At imposibleng magkalovelife yan ma. TOMBOY yan eh!” mula sa kung saang lupalop ay sumulpot ang mukhang paa kong kapatid at kumuha ng slice bread at kinagat.

Inismiran ko naman sya at binato ng kutsara pero nakailag agad at nagtatakbo palabas ng bahay.

“RUDGE YUNG BULDOG NG KAPITBAHAY NAKAWALA WAG KANG PAHUHULI CRUSH KA PA NAMAN NON!” Sigaw ni mommy sa kapatid ko.

Sana lapain sya nung buldog na yun!

Bago pa ko makaalis kanina sa bahay ay hindi ako tinigilan ni mommy sa mga katanungan nya na kung ano-ano. Siguro magpaparty ang buong bansa pagnalaman nilang magkaboyfriend ako naimposibleng mangyari. I don’t have plans on making relationship with opposite sex especially that love thingy. Ok na ko sa buhay kong ganito

Nasa classroom ako ngayon at napansing wala pa si Yul mukhang nabahag ang buntot ng ungas. Hindi naman na ko magtataka kung bakit. If he will just accept his defeat in front of me and plead maybe I’ll change my mind at papakantahin ko na lang sya sa loob ng girl’s comfort room.

“Asan yung lovelife mo?” napalingon naman ako sa nagtanong ah siya sino nga pala ulit sya?

“Ano ng pala ulit pangalan mo?”

“Ouch ganun ganun na lang. Kalimutan agad ng pangalan ganun? Nakakahurt ka naman ng damdamin Rain parang kadedeclare lang natin ng forbidden friendship natin tapos kinalimutan mo na agad yung pangalan ko” Dramang drama sya doon. Naningkit naman yunng mata ko sinasabi nya. Dami pang sinabi eh pangalan lang hinihingi ko.

“Oo na! Oh bestfriend ano ulit pangalan mo?” Malumanay kong tanong dito. Agad namang umaliwalas ang mukha nito ng marinig yung salitang bestfriend.

“Drey just call me Drey BESTFRIEND” at parang retarded pa sya nyan na tuwang tuwa. “Ah yung tinatanong ko pala sayo nasan si Yul?”

“Hindi ako tanungan ng mga nalost and found” At nangalumbaba ako habang nagiimagine ng magiging itsura ni bakla.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon