NOTE: Epilogue na po sunod.
Tulala lang ako ng makarating ako sa bahay. Sobang depress ako ng araw na yun kaya pati yung stock na yakult ni Rhudge sa ref ay napadiskitahan ko. Hindi rin nila ako makausap ng maayos. Hindi ko rin alam kung kaya kong pumasok kinabukasan dahil hanggang ngayon kumukulo ang dugo ko sa Olive na yun. Hindi ko rin alam kung kaya kong harapin si Yul.
Galit na galit ako sa kanya kahit hindi naman dapat. Ang tanga ko kasi na akala ko meron na talaga kahit konti. Na may gusto talaga sya sakin pero shit lang nagmukha lang pala akong assuming.
"Ma si ate pinakailaman yung yakult ko!" Hindi ko pinansin ang kapatid ko na kulang na lang ay tanggalin ang buhok nito sa paghila nya sa ulo nya.
"Hayaan mo muna yan Rhudge mukhang depress ang ate mo"
"Pake ko!" Nilapitan pa ako nito at inagaw yung nagiisang yakult na hindi ko pa natutusok ng straw. Tiningnan ko naman sya ng masama at nagmukmok na lang sa tabi.
Ilang beses kong paulit ulit na kinausap yung sarili ko kanina para lang tuluyan akong makapasok ngayon. At eto na nga ako naglalakad papasok ng school. May iilang napatingin sa akin at biglang bubulong. Mga taong walang magawa sa buhay kundi gawan ng tsismis ang ibang tao.
Nagulat pa ako ng may bumanga sa akin kaya naiirita akong napabalik ng tingin sa mga babaeng lumagpas sa akin na nagtatawanan. Mga alipores ni Olive! Ano pa bang gusto nya? Nasa kanya na ang simpatya ng lahat. Putek ako na naman ang masama. Ako na naman ang ipapatawag sa guidance dahil feeling nila ako na naman ang nagsimula ng lahat. How can they be so biased? Grrr.
Dumiretso ako sa gymnasium at maging ang mga ito napatigil sa mga ginagawa nila ng makita ako. What's with them? Tingin din nila masama akong tao?
"May problema ba kayo sa akin?" Naiirita kong tanong sa mga ito. Agad naman akong nilapitan ni Denise at pinat ang balikat ko.
"I heard what happened. Alam kong wala kang kasalanan." Para naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. "It was just a simple incident atsaka alam kong sadyang palaban ka lang Rain. At alam kong maldita talaga yung Olive na yun" At napairap pa talaga ito.
"Thank you" Ngumiti naman ito sa akin at pumalakak para muling magassemble ang lahat. Lahat sila ngumiti sa akin na parang alam nilang wala naman talaga akong ginagawang mali. Siguro ang mali ko lang kahapon ay hindi sya patulan ng todo. I should've pulled Olive's hair until she gets bald tutal iiyak di naman pala sya sa huli.
Nasa kalagitnaan na kami ng practice ng pumasok ang mga players ng basketball and I can't help myself to divert my gaze on other direction. Sabi ko ng ayaw ko syang makita ngayon.
"Bakit nandito na naman kayo?" Naguusok ang ilong ni Denise ng salubungin nya si Martin. Eto na naman ang aso't pusa nilang bangayan. They obviously have the same feeling towards each other.
"We have permission slip" At pinakita ito sa harap naming lahat "Ayoko lang na masumbatan mo na naman kami. We also have the rights to use this place kasi pare-pareho lang naman tayong nagbabayad ng tama sa eskwelahan na ito Denise. Though kung kaya mong bilhin 'tong school then maybe I can grant your wish" At dinrible nito ang bola sabay shoot sa ring at talagang pumasok iyon. Gusto ko sanang mapapalakpak pero pinigilan ko lang.
"Ano pa bang magagawa ko? Nakakainis!" At tinalikuran na lang ito ni Denise. Mapapangiti na sana ako ng makita ko yug pagmumukha ng hinampas ng lupa na si Yul. He's seriously looking at me. Bahala sya sa buhay nya! Don't he even dare talk to me. Ever!
Nagsimula na kaming magpractice at bahala ng magkastiff neck pero hindi ko talaga sya lilingunin. I swear to all the angels na hinding hindi ko na sya papansinin kahit kailan.