NOTE: Give this story a shot. :))))))
--------
Dahil maaga lagi ang pasok ng course ng baklang yun eh kailangan ko ring pumasok ng maaga.
=______=
Nababangag pa nga ko pero naeexcite ako wahahaha maghihiganti talaga ako sa kanya! Taga nyo yan sa ilong ni Allan K!
"Morning" ngising bati ng mga lalaki sakin sa room. FC!
"Andyan na ba si Yul?" Tanong ko sa kanila.
"Ang aga aga yung love life mo na agad hinahanap mo" mapangasar na saad nung isa. Sapakin ko sya up and down dyan.
"Eh kung yang bibig mo tapalan ko. Gusto mo?" Pero imbes na mainis lalo itong ngumisi.
"Oh speaking of.." habang nakatingin sa gilid ko.
Sabi ko na nga ba eh nandito na sya.nakakasagap ako ng masamang enerhiya sa paligid.
"Morning!" Bati ko sa kanya na may sigla sa boses ko.
Pero hindi ako pinansin at nilagpasan ako. Ab'at talaga naman...
"Sabi ko morning" habang sinusundan ko sya papunta sa upuan.
Tiningnan nya naman ako ng nakangunot noo "Halata namang umaga pa lang bakit may nakikita ka na bang buwan at bituin sa langit" he hissed.
Anong gusto ngyong gawin ko sa kanya?
a) Ipaabduct kay kokey
b) Isama sa mga pupunta ng mars
c) Isama sa paghahanap kay nemo
d) Ikulong sa bag ni dora
Pili na bilis.
Kasi ako kung ako lang ALL OF THE ABOVE NA!
"Meron ka?" Inis ko sa kanya. Hindi matatapos tong araw na to ng hindi sya nagagalit mwahaha
Hindi nya ko pinansin kaya kinalabit ko sya
"Meron ka nga"
"Nang ano ba?"
"Nang salbabida, unti-unti na kasi akong nalulunod sa pagmamahal ko sa yo BOOM!" tumawa pa ko ng malakas na nakacatch ng attention ng iba. Yung iba nagngisian yung mga babae inirapan lang ako. Excuse me wala akong care.
"Nakadrugs ka ba?"
"OO"
"Marijuana no?" ngumisi muna ko bago sumagot
"Hindi....... IKAW" at plakda nanaman sya hahaha. Ang galing kong bumanat!
Magsasalita pa sana sya ng pumasok na yung PE prof. Yes PE! Ano kayang meron ngayon? Anong sports?
"Ok I'll give you time to change in your PE uniforms then go proceed to the gymnasium" kaya naman nagtayuan na kami para magbihis.
"Ui sama ko!" Habang sinusundan ko sila ng tropa nya. Nakabihis na rin ako pati sila. Hindi kami sa iisang banyo nagbihis.
"Para kang buntot"
"Pick up ba yan?" Ngumiti ako sa kanya hinampas nya naman ako ng notebook na hawak nya pero mahina lang naman
"OUCH" OA kong react na may kasama pang himas sa ulo.
"Tae nilalangam ako sa inyo pre" sabi ng isa nyang tropa.
"Ako din shet!" And they laugh in unison. Peste to sila.
Pero dahil dyan namiss ko ang tatlong baliw. Saang lupalop nanaman kaya yun sila nagpupunta ngayon. Gusto ko ng matapos tong punishment na to!
Natigil lang ako sa pagiisip ng sumagot ito ng napakacrunchy na
"GAGO!"
.
.
.
.
.
"Malapit na ang intrams so hopefully no dapat pala lahat kayo magparticipate. Kailangan ng mga varsities together with the cheerleaders kaya I expect your full cooperation" prof.
"By department ang labanan pero balita ko hindi kakampi sa inyo ang eng.B dahil nagkaproblema sila"
"Maarte lang kamo" rinig kong bulong sa gilid ko nung isa. Ah basta sasali ako sa basketball girls!
"So as for the varsities only for Basketball boys care to stand up those who are interested and willing to participate" nagtayuan naman yung mga lalaki kasama si Yul aba't ang mokong may talent pala dun. Kasama yung tropa nya ang tatangkad naman kasi talaga nila.
"Ok sign here infront at sa mga balak sumali ng cheering stand also" walang bb girls? Sayang naman.
Tumingin ako sa harapan at nakita ko ang malademonyong ngiti ng hayop. Feeling ko may masamanng balak yun.
"So sa Basketball sina Ortega,marasigan,apostol, hernes, Santiago, Philips, Vertego, Pillon, Alberts, Froseco, Gonzaga, Limbao, Zocrates, Frewd, at Dela Cruz."
"Sa cheering Aquino, Hernandez, Cruz, Antonio, Gonza, Quenio, Adrima, Howren, Flinn, Alabareto, Sisar at Mendez" wait parang may narinig akong pangalan ko eh. "No erasure of names so this will be the final list of the participants"
Kaso binalewala ko na lang baka nabingi lang ako.
Natapos yung PE ng may umakbay sakin. Eto nanaman yung isa sa mongoloid na tropa ni Yul.
"Di mo sinabing may talent ka pala sa cheering" ngumisi pa sya nyan. Tinanggal ko naman pagkakaakbay nya sakin.
"Anong sinasabi mo dyan?"
"Nasalistahan ka kaya" nsalistahan ka kaya... nasa listahan ka kaya.... nasa listahan ka kaya... nasa listahan ka kaya...
"HUWAT?"
"Sabi ko nasa listahan ka"
"Niloloko mo ba ko!?" I hissed.
"Edi itanong mo kay Yul para mapatunayan" at parang sunod sunod yung bell sa utak ko. Sabi na eh may masamamng balak yung baklang yun.
Walang sabi sabing iniwan ko na yung lalaking yun. Halos magsalubong yung kilay ko habang papunta sa changing room ng mga lalake.
Agad akong pumasok ng walang pakundanggan kaya nadatnan ko yung ibang naghuhubad pa lang ng jersey nila at yung iba nakatapis pa ng tuwalya. Lahat natunganga sakin pero di yun naging hadlang para pumasok ako.
"Asan si Yul!?" Asik ko sa mga to at agad naman nilang tinuro yung huling cubicle.
Kinalabog ko yun "Hoy! Lumabas kang bakla ka! Nakakainis ka, nakakainis ka!" At kinalabog ko pa ng mas malakas.
"Walanghiya ka talaga! Bakit mo ko nilista don! You bastard!" I burst in anger.
Nagulat ako ng bumukas yung pinto at hinatak ako nito papasok sa loob.
Nanlaki naman yung mata ko dahil halos yakap nya na ko. Eh yung shower naka ON pa kaya ang kinalabasan basa ako.
Titingin sana ako pababa ng...
"Subukan mong tumingin pababa makikita mo ang tunay na mundo" napalunok ako kaya direkta akong napatingin sa mukha nya.
Tungunung yun nakakatunaw syang tumingin!