Ilang araw na rin kaming subsob sa practice kaya madalas ay napapagabi na rin ang uwi ko. Ilang beses na rin akong naihatid ni Yul sa bahay na binibigyan na ng kulay ni Mommy at Daddy.
Nung isang araw nga ay may dalang balisong si Daddy habang naghihintay sa labas ng gate namin. Saktong paglapit naming dalawa dito ay hinahasa nito ng mabuti yung balisong kaya sabay halos kaming napaatras ni Yul.
"Ma wala ngang kami" Nauubusan na ko ng pasensya sa pamimilit ni mommy na kami na daw ni Yul.
Nakatingin na naman sakin si Daddy na parang binubutas yung kaluluwa ko.
"Rain I trust you" Sabi ni Daddy at lumapit sa amin ni mommy.
"You sure do Dad. Sige po una na ko may practice pa kami"
Paglabas ko ng bahay ay saktong pagmumukha ni Yul ang nabungaran ko. Mukha pa akong tanga dahil akala ko nanaginip lang ako at kung guni-guni ko lang ang nasa harap ko.
"Oo na gwapo na ko"
Totoo nga sya.
"Conceited mo Yul" Nilagpasan ko sya at sinundan nya lang ako. Himala ata't wala itong dalang kotse ngayon.
"Mana sayo"
"Never akong naging conceited"
"Not that" Hinarap ko naman sya na nakakunot nag noo.
"Ano pala?"
"Mana sa kagandahan mo" Dyusmiyo! Bakla ba talaga si Yul?
"Are you gay?"
"Uhuh I'm happy"
Inirapan ko lang sya at agad pumila sa sakayan ng fx. Sa mga araw kasi na wala si Daddy ay mas gusto kong magcommute kesa mangabala pa sa panget kong kapatid. Laging labag sa kalooban nyang ihatid ako.
"Magcocommute ka?"
"Hindi. Magpophotoshoot ako sa loob"
Hindi naman na nagsalita si Yul at mukhang nakipila din.
"Bakit ka pala napadpad sa bahay?"
"Na wrong way ako"
Agad ko naman syang hinarap at tinaasan ng kilay. Asa pang nawrong way ang taong 'to. Napakalayo ng school sa bahay namin kaya wag nyang maidadahilan yon.
"Asa"
"Oo lagi akong umaasa"
Tiningnan ko naman sya na parang nauumay sa sinabi nya at sinuntok ko pa sya na ikinatawa nya lang. May sapak talaga 'to sa ulo.
Yung mga babae naman sa unahan ko ay hindi mapigilang mapasulyap ng mapasulyap kay Yul. Nakauniform lang naman sya at bukod sa natural nyang magulong buhok ay wala na kong nakikitang kakaiba sa kanya.
Aside from the obvious fact na umaapaw sya sa sex appeal. I'm not a liar bru kaya sinasabi ko lang 'to sa inyo.
"Sana pala dinala ko na lang yung kotse ko"
"Huwag mong sabihing natanga kang magcommute kaya napadpad ka samin"
"Maybe" At nagkibit balikat pa ito.
Sakto namang turn na naming sumakay at sa laki nyang tao eh nahirapan pa talaga syang sumakay. Sikip na sikip pa ang itsura nito na nasisiksik sa gilid ng bintana.
"Ayos ka lang?" Nangiinis kong tanong sa kanya. Serves him right.
"Seriously?" Nagsalubong pa ang kilay nito.
Pinigilan ko na lang tumawa habang nasa biyahe. Hindi naman din maiwasang maawa ako sa kanya dahil namumutla sya sa ayos namin. Ang haba din kasi ng biyas.