[22]- Soon

1.5K 24 0
                                    

Nakatingin lang ako sa mga tao habang nagbababad sila ng katawan sa swimming pool. Gusto ko rin sanang maligo dahil alam kong wala pang ihi o kung ano yung tubig. Alam nyo naman pagswimming pool hindi maiiwasan ang mga ganoong bagay.

Napalinga naman ako sa direksyon nila Astrid aba't ang mga magagaling may kanya-kanya ng kausap.

"Tara?" Napatingin naman ako kay Yul na nakaboard shorts na lang at sando. May iilang babaeng hindi mapigilang mapatingin sa kanya. Aba sino ba namang hindi talagang inexpose nang mokong yung mga daga nya sa braso.

"Hindi ako maliligo"

"Bakit? Hydrophobia? Samantalang tubig naman yang pangalan mo" Inirapan ko naman sya. Hindi ko alam kung paanong natapos yung usapan namin kanina. Tumawa lang ako ng medyo awkward at nagpaalam na para magCR. Tapos hindi na ulit nabuksan yung topic na yun.

"Whatever. Kung gusto mong maligo maligo ka na. Wag mo na kong idamay" Napalinga naman ako ng may tumawag sa pangalan ko. Papalapit sakin si Mags na may kasama ng chinito. Gusto talaga ng babaeng ito yung mukhang kpop. Yung mga lalaking wala ng makita ganun. Sobrang singkit naman kasi pero infairness may katawan. Hohoho ang manyak ko.

"Bakit?"

"May panligo ka na! Tara!" Nagulat ako ng hilahin ako nito at nilingon ko si Yul na nakatingin lang samin.

"Thanks Rick. Wait for us here, okay?" May finesse na pagkakasabi ni Mags. Anong nakain nito?

Ngumiti naman yung lalaking mukhang K-pop at sunod ay hinatak na ako papasok ni Mags papasok sa isa sa mga hotel room.

"Tadaaa~" Matapos nyang ipakita sakin yung swimsuit na halos katulad ng suot nya. Juicecolored! May tinatago pa ba dyan?

"Akala mo sakin si Maria Ozawa?" At nandidiri pa akong tumingin sa hawak nya.

"Gaga si Anne Curtis be!" Tinapat nya sakin yung kakapirangot na tela na kulay royal blue. "Bagay talaga sayo 'to Rain. Bet na bet! I swear" At nagtaas pa sya ng kamay.

"Ayoko nga! Magt-tshirt na lang ako"

"Swimsuit lang ang allowed dito. Kung ayaw mo naman ay pwede mong suotin ito" Sabay taas nya ng may kaiksiang shorts.

"Hindi na lang ako maliligo" Sumimangot naman ito sa harap ko at alam ko na yung susunod na mangyayari kaya agad ko na syang pinigilan at kinuha yung hawak nya. May magagawa pa ba ako? Pagumiyak yan si Mags guguho ang earth. Hagulgol kung hagulgol.

"Love you Rainy~ Pasok na!" Sabay tulak nito sa akin papasok sa CR.

Isa-isa ko namang tinangal yung suot ko at hindi ko talaga maatim na titigan yung kakapirangot na tela. Huli ko pa atang suot nito ay nung pumunta kami ng boracay nila mommy. Si mommy as usual ang nagpasuot sa akin non.

Matapos kong makapagbihis ay hinarap ko yung sarili ko sa salamin.

No comment.

Lumabas ako na suot yung t-shirt ko.

"Tara na!" At hinila na ako nito papalabas. Nandoon pa rin yung koreano at agad yung kinawitan ni Mags at sumunod lang ako sa kanilang dalawa. Bagay sila. Bagay silang pagumpugin.

Sinalubong naman ako nila Astrid sabay tingin sa binti ko na once in a bluemoon ko lang iexpose. Mga manyak talaga.

"Tawiwit~" Isipin nyong sinabi lang yan ni Reesa hindi yan marunong sumipol eh. "Paarbor ng legs Rain"

"Eto you want?" Sabay taas ko ng kamao na agad nyang ikinaatras at nalaglag sya sa swimming pool. Tawa naman ng tawa yung dalawa. Naningkit lang yung mata ko.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon