[14]- Doomed

1.5K 29 0
                                    

Note: I'll update tomorrow. Advance Happy New Year Dears! :)

Walang naimik ng pinapaliwanag ni Yul kung paano ang magiging takbo ng laro. Defense lang naman kasi yung first five at talagang na sa akin ang lahat ng pressure. I need to win, probably win. Hindi lang ego ko ang nakataya sa larong ito maging ang tiwala rin nila so whatever it takes kailangan kong manalo.

“So that’s it.” Ang huling sinabi nito bago ako tinapik sa balikat. Tumango lang ako na parang sinasabing naiintindihan ko. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang second game at marami na ring tao sa gymnasium.

“Kinakabahan ka ba?” Napalingon naman ako kay Drey at ngumisi sa tanong nito. “I’ll win just do your job properly.” Ginulo nito ang buhok ko matapos kong sabihin yun at agad ko namang hinawi ang kamay niya.

Lahat kami ay bumaba sa lower bleachers dahil tinawag na kami ng referee. Pumuwesto na sa amin ang limang makakasama ko sa laro. Yul, Drey, Brent, Sef and Adrian ang nag first five kasama ako. Pinapuwesto na kami sa gitna para sa pagsisimula. Nagsimula na ring tumili ang mga tao maging ang mga kampi sa engineering. Hindi ko na nga halos maintindihan ang mga yell nila dahil naghalo-halo na ito.

Napatingin naman ako sa kalaban ko. She’s glaring at me, hindi ko naman kasalanan kung unang impression ko sa kanya ay bitch dahil yun ang pinakita niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik na nagpataas ng kilay niya.And then the referee blow his whistle and throw the ball upward.

Agad naagaw yun ni Yul at napunta samin ang bola. Nasa gitna nila kong lahat and aiming for the net. Pinasa ang bola kay Sef at aambang ipapasa ito sa akin. Nang ipinasa na ay nasalo ko pero agad humarang sakin yung baabeng tourism. She’s smirking and so I wished that I can erase that expression out of her face.

“You’ll lose you bitch” sabi nito na hindi ko naman pinansin at lumusot sa blocking nito. Some players tried to stop me pero sa huli ay nashoot ku ito at nagkaroon agad kami ng dalawang puntos. Humiyaw naman lahat ng engineering sa nangyari.

I saw her disgusted face ng makita ang scoreboard na napunta samin ang unang puntos. Sumunod na at nasa kanila ang bola well I can say na magaling din siya she knows when and where to attack or even make defense.

Nakakalamang na kami sa puntos na 25-36 at hindi alintana ang pagod. Sumipol ang referee hudyat na break muna at nagtipon kami sa isang gilid. Lahat kami ay pawisan na.  Magaling yung babaeng yun at talagang nahihirapan ako maging ang players nila ay magaling.

Pumito ulit ang referee and hudyat ng start ng second quarter may inis na sa mukha nito na hindi ko inalintana. This is just a game pero ayoko paring matalo. Nasa akin muli ang bola and I am ready to shoot it pero nagulat ako ng lumitaw ito sa harap ko and intentionally bump me using his elbow. Naging masakit iyon ng tumama sa aking bewang. What was that? Nakuha nito ang bola at napahawak ako sa natamaan kong bewang. She’s playing dirty!

Agad naman akong dinaluhan ni Drey ng napansin yung iniinda ko but then naisip kong hindi pwedeng ihinto ang laro kahit ganun. Nagpatuloy kami at hindi lang isa kundi maraming beses niya kong nasaktan  that made my body weaker. Napapansin ito nila Yul at sinabi sa referee pero wala daw silang nakikitang mali sa laro. This is fckn horrible. They are cheating! She is cheating! Kanina pa ko napupuno and on the otherhand she’s smirking like an idiot.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon