Note: Thanks sa "Iilang bumasa at bumabasa" XD. It doesn't matter how many people would read my stories. Just the fact that I can share my ideas makes me satisfied.
Hindi ko mapigilang isipin ulit yung una naming pagkikita. I remembered how furious she was when we were quarreling for that stupid black leather jacket. I wasn't interested with that thing though. Mas interesado ako sa kanya.
Pero hindi pala sya yung tipo ng babae, hindi pala sya babae. I thought she was a lesbian, anyone would dahil sa pananamit nya. Hindi ko sya nagustuhan nung una. She has this sharp tounge na once na bumuka na ang bibig nya para magsalita ay mas gusto mo na lang ulit itong takpan. Naiinis ako sa kanya but in contrast sya yung gusto ko ring pakingan palagi. Gusto ko syang manahimik pero gusto ko rin syang pakingan. Ang gulo di ba?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko na nirequest ko pang maging personal tutor ko sya. Alam kong hindi mahina ang utak ko. But I need to think of ways na palagi syang makita for no exact reason. Gust ko lang. Pero dahil doon mas gumulo ang utak ko. It was my proposal but I should've never asked that. Kasi simula ng araw na yun naging kakaiba na ng tuluyan ang nararamdaman ko. Putek ang bakla lang ng line na yun.
Hanggang unti-unti lumalim ng tuluyan ang pagkagusto ko. Hanggang sa tuluyan na akong 'di makaahon.
Nakakapagod din palang magparamdam na mahal mo na yung tao kung totoong manhid 'to. I was about to give up, natatakot kasi akong mareject. I was about to...but then I realized na kailangan ko pa syang protektahan. I realized that I need her more than she needs me.
I was jealous many times without her knowing it. Lalo na nung naging muse namin sya. Hindi nya naman na kailangan magayos but it was my fault. Pero kailangan eh. Pero nagsisi ako. Many tried to pursue but I blocked it all. Hindi pa nga ako nakakapagtapat ng tuluyan tapos hahayaan ko yung iba?
Aba ang swerte ng mga gunggong.
Pero sabi nga nila learn to wait, and now that I have this chance hindi ko hahayang pakawalan pa sya.
"Masyadong maiksi yang suot mo" Puna ko sa damit nila sa cheering "Paano yung mga hahawak sa legs mo? Baka hipuan ka nila Rain!" Binatukan naman ako nito.
"Baka iflying kick ko sila paghinipuan nila ko. At isang stunt lang naman ang gagawin ko. Matangkad ako para ipanghagis-hagis"
"Pero"
Inirapan lang ako nito kaya niyakap ko sya mula sa likod.
"O-oy ang daming tao!" At pumiglas pa sya sa pagkakayap ko pero para saan pang lalaki ako at mas malakas ako.
"Hayaan mo. Nang malaman nilang akin ka" Siniko nya naman ako kaya agad akong napabitaw. Napakasadista talaga nito.
"Bwisit ka Yul. Wag mo kong pakiligin ngayon"
"Hindi naman eh" Pero 'di ko matangal ang ngisi sa labi ko. "Changed after your performance or hell I will be the one who will change your clothes" Pagbabanta ko pa.
"Tara na Rain!" Sigaw ni Clarissa. "Hi Yul!"
"Hi Ris. Goodluck" Nagthumbs up naman ito. Nakita ko naman ang paninitig sakin ni Rain. "Goodluck future Mrs. Vertego. Don't break a leg!" Natawa naman ito at tumakbo na papunta sa gymnasium.
Pumunta naman na ako sa pwesto sa bleachers kung nasaan sila Drey. Eunice is with her akala ko ay hindi sila okay.
"Bakit magkasama kayo?" Mahina kong bulong kay Drey. Nagkibit naman ito ng balikat. Ngumiti sakin si Eunice na tinanguan ko naman pabalik.
"Sila Rain na pala"
"May gusto ka kay Rain"
"Alam ko namang alam mo"