[16]- Sudden

1.5K 33 0
                                    

Parang instant intsik sa pandinig ko ang sinabi nito. Seryoso ko itong tiningnan bago tuluyang nagregister sa utak ko yung sinabi nito. Gusto nya kong magmodel? Dawut? Parang pinaglololoko na ko ng mga tao sa paligid ko.

"Sorry but I think you are mistaken Ms. Jeannie"

"Drop the Ms. Call me Ate. I am no joking here Rain. I saw your pictures while this monkey is browsing his phone so yeah you caught my interest. I'm willing to pay you big just do me this favor" May pagsusumamo sa boses nito.

Napailing naman akong tiningnan si Yul. He was playing innocent for heaven's sake. Ang sarap nyang sapakin sa esophagus. Langya.

"Hindi ko po gagawin. Sorry" Sincere ko namang sabi dito. "I have more important matters to do pa po. So if you'll excuse me. Aalis na po ako" Tatalikod na sana ako ng maagap akong hinawakan sa braso ni ate Jeannie.

Her eyes are watering and any minute ay parang iiyak na ito sa harap niya.

"Please Rain"

"Hindi ka nya titigilan hanggat hindi sya nasusunod" Singit ni Yul. Sya kaya ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon. Sana naging matanong muna sya di ba bago nya ko hinatak hatak dito.

"Pwede ko po ba munang kausapin si Yul?" I asked her.

"Sure but be sure to give me a positive answer. I won't take no dear" Maagap ko namang hinila si Yul palabas.

"Ano na naman bang kagaguhan 'to? Hindi ko talaga gagawin Yul. I'm no genie para bigyan ka ng three wishes. Kaya pwede ba spare me this time"

Bumuntunghininga muna sya bago nagmatyag sa paligid at dali dali nya kong hinila palayo doon sa lugar. Sa gulat ko hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa makarating kami sa pinagparkingan nya ng kotse nya.

"Bakit tayo tumakbo?" Naguguluhan ako. May hahabol ba samin?

"That's the only escape Rain. If magtatagal ka don hindi ka papaalisin ni Jeannie na hindi ka napapapayag."

Hindi na lang ako umimik. Siguro naman hindi magagalit si Ate Jeannie sakin. Siguro? Bahala na.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana hanggang sa hindi na nagiging pamilyar. Wag mong sabihing may balak kang ipasalvage ako" Natawa naman ito sa sinabi ko. I'm not joking though.

"Gwapo lang ako pero 'di ako mamamatay tao"

Inirapan ko naman sya. "Baka kamo mamamatay tao ka pero 'di ka gwapo"

Lalo naman syang natawa sa sinabi ko which makes me irritated. Walang nakakatawa sa sinabi ko. He's getting into my nerves again.

"Ang pikon mo Rain"

"Thanks to you"

"Sus nagagwapuhan ka naman sakin. Okay lang yan" And he snapped his fingers in front of my face. Peste.

Naramdaman ko na lang na tumigil na kami sa isang hindi ko alam na lugar. The trees where swaying as the wind blows. Maganda tingnan parang nagsasawan ang mga ito. Bumaba na si Yul kaya bumaba na rin ako.

"Anong lugar 'to?"

"Tagaytay. Never been here?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko. Duh Yul common sense." And I rolled my eyes heavenwards. Naglakad ako papalayo sa kanya para tingnan yung mga bulaklak na nandoon.

"Ang ganda" Mahina kong bulong

"Oo nga maganda" Napalingon naman ako sa kanya na kasalukuyang nakatingin sakin "...ng mga bulaklak"

"Ang bading mo talaga" Natatawa ko na lang na saad at umayos ng tayo.

This is what you called haven. Para akong nasa munting paraiso. I've never been here kase tamad akong bumyahe ng malayo.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon