[13]- Statement

1.4K 23 0
                                    

NOTE: Updated 12/09/2014 Alternate updates :)

Parehas lang namin na tinanaw ni Drey si Yul na papaalis. Saan pupunta yun eh ilang minuto na lang eh magsisimula na yung laro? Laro nga ba ang una?

Nakatingin pa ko sa direksyon na pinuntahan ni Yul ng may humatak sa kamay ko. Napalingon ako dito at si Sef ang humahatak sakin papasok sa loob. Si Sef nga pala ay member din ng basketball team pero kasama sya sa higher years.

"O-oy saan mo ko dadalhin?" Pagpipigil ko dito. Napalingon naman ako kay Drey na nakasunod na din samin at maging ng ibang players pero wala pa si Yul.

"Magsisimula na Rain." Sabay tigil namin sa isang sulok kung saan nakahilera ang iba pang mga grupo. "Ang ganda mo pala ngayon Rain 'di kita nakilala kanina kung 'di ka nagsalita. Pwede bang manligaw pagkatapos nito?" Naningkit ang mata ko.

"Ooops Sef pare bawal ang diskarte sa bespren ko" sabay akbay sakin ni Drey.

"Haha don't worry I know someone owns her already" Ngisi nito ng makahulugan. Sino? The who? Mukhang hindi rin naintindihan ni Drey ang sinabi nito. "Best of luck Rain. You should win!" Sabay tapik nito sa balikat ko.

Umalis naman muna ito at pumunta sa iba pang miyembro ng basketball team namin kinakausap ata sila. May lumapit naman sakin na babae na nakaangkla sa isang matangkad na player. Nakangisi itong napatingin sakin mula ulo hanggang paa.

"You are?" I raised a brow. What's with the freaking attitude.

"You don't have to know" And diverted my gaze to the other players. May tumawag pa sakin palapit kaya pupuntahan ko sana ng hawakan ako nito sa braso.

"I'm talking to you! How dare you ignore me?!" Matatas nitong tanong. Katulad ng ginawa nya ay hinead to foot ko rin sya mula paa hanggang paa ay wait bakit magkamukha?

Napangisi na lang ako sa naisip.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?" She's angry. Am I getting into her nerves? Well, I don't effin care.

"Wala. Bakit gusto mong malaman pangalan ko? Don't tell me fan kita?! Should I give you my autograph?"

"W-what?" Hahabaan pa sana nito ang sagot ng binulungan sya ng kasama nya at magmartsa na ito paalis. Pero bago makalayo ay inirapan pa ko nito. Aba't...

"Meannie" Napatingin naman ako sa kanya.

"Eavesdropper!"

Pero hindi nya pinansin ang sinabi ko at inangkla ang kamay nya. I just stared at it like saying 'wut?'

"Anong gagawin ko dyan?"

"Himasin mo baka tumigas" Pero nakapoker face lang ang mukha nito. Medyo naging berde naman ang utak ko langya. "Akin na nga" At hinila nito ang braso ko sabay angkla sa kanya.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon