[8]- Awkward

2.1K 27 0
                                    

NOTE: Nagpaparamdam haha multo

Lang ang peg XD. Enjoy reading !

---------

Tanga ka Rain. Ano bakit di ka pumapalag? Itulak mo na bilis! Ano ba manhid ka ba lapat na lapat na yung labi ng bakla sayo, virus yan Rain. Ano hahayaan mo lang? Humiwalay ka na!

Sht bakit kahit yan ang sinasabi ng utak ko eto pa rin ako hindi bumibitaw. AT BAKIT HINDI RIN SYA BUMIBITAW?! Kailangan ko makapagisip, madali Rain. Ah tama, tama may naisip na ko.

Dahan-dahan kong nakontrol ang sarili ko na humiwalay dito. Kailangan kong gumawa ng palusot para di nya mahalatang hiyang-hiya ako sa kanya.

"Is that it?"

"Huh?" Naguguluhan nitong tanong.

"Yan na ba yung pinagmamalaki mong halik, LAME! That was a kiss of child Yul, maybe you should take tutorials for you to improve atsaka ka magmalaki" Kinuha ko yung bag ko at sinukbit sa balikat ko. Tumalikod na ko para sana ay iwan na sya

"Pero hindi ka kaagad umatras. Why is it Rain?" Napapikit ako ng mariin. This one got me. Dapat kasi paglapat pa lang lumayo na ko.

"B-because I'm testing you, sinusubukan ko kung magaling ka! Pero hindi eh" I sound so defensive. Sana hindi nya mahalata.

"Then we should repeat it for me to prove to you that I'm not a lame kisser" Nakakunot na ang noo nito. Mukhang naapakan ko ang ego nya sa mga sinabi ko.

"N-NO! I-I mean magpractice ka muna baka mapahiya ka lang. Sige na aalis na ko!" Hindi ko na sya nilingon ulit at patakbong umalis sa gymnasium.

-------

"Aaah! Maglabas ka nga ng alak" Utos ko sa kapatid ko na kasalukuyang nakahiga sa sofa at nginangata yung binili kong kettle corn.

"Makapagdemand ka ng alak akala mo naman nakatikim ka na nun" Tiningnan ko naman sya ng masama. Nagulat ako ng may inihagis sya sakin. "Ayan Chuckie ng magtae ka"

Tiningnan ko naman yung bakang nasa harap ng inumin. Kamukha talaga ni makibaoh. Naalala ko lang lalo yung hinayupak na Yul na yun dahil sa inuming to.

Kinuha ko yung straw at ininom ito.

"Rudge nakakiss ka na ba ng babae?" Bigla naman itong nabulunan.

"Hindi pa" Naiirita pa tong tumingin sakin. May nasabi ba kong mali?

"So ng lalaki?"

"Kadiri ka, hindi ako magkakainteres sa kauri ko. Bakit mo ba natanong?"

"Yun na nga eh! Magkauri kami! Argh!" Nanlaki naman ang mata nitong tumingin sakin. Oh shoot nadulas ako!

"So you mean to say you kissed someone" Ngumisi naman ito. "Masabi nga kay mommy"

"No! Subukan mo lang Rudge and you'll be dead"

"Uh-huh" at tumango tango pa ito.

Pumasok ako kinabukasan na parang tanga pa kong nagtatago sa likod ng malaking Nara na nasa labas ng school grounds. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagtatago eh.

Nagmatyag ako sa paligid at di pa naglilipat ng oras ay natanaw ko si Yul na tapat ng gate mukhang may inintay. Paano ako makakapasok kung nandyan pa sya? At bakit ba ayaw kong pumasok eh wala naman akong dapat ikaiwas sa kanya.

"Sinong tinataguan mo dyan?" Halos masalo ko ang puso ko sa sobrang bigla sa pagsulpot nito sa gilid ko. Lintek kabute ba tong lalaking to, pasulpot-sulpot.

"May balak ka talagang patayin ako sa gulat" Inis kong saad dito.

"Hindi ko naman alam na magugulat ka bespren." At tumawa pa ito "So, bakit ka nga nagtatago?"

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon