[23] Unti-unti

1.5K 21 0
                                    

Tinext ko si mommy kanina na baka hindi pa ako makauwi ngayong araw. Ipinaalam na rin ako nila Astrid para daw masiguradong hindi ito mag-aalala. Naningkit pa ang mata ko ng tinanong ni mommy kung may mga boys ba daw na kasama at ang tatlo nagsingisian sabay tingin sakin.

"Ang KJ! Wag muna kayong magsitulog!" Hiyaw ni Mags doon sa ibang pumapasok na sa loob ng resort para magpahinga. Alas otso pa lang kasi ng gabi pero kung tutuusin pagod na pagod naman na talaga ang lahat.

Naiintindihan ko kung bakit nila gustong magsipagpahinga. Eh sadyang hindi lang nauubusan 'tong tatlong 'to ng energy.

"Wala na. Tara na nga doon tayo sa kwarto natin" Anyaya ni Reesa sabay hatak saming tatlo.

Kung tatanungin nyo naman sakin si Yul. Oo na ako lang naman tatanungan nyo di ba? Edi sasagutin ko na lang kayo. Nandon sila nila Drey sa Bar nitong resort at nagkakatuwaan pa atang uminom. Never ending celebation ata sila.

"Alam nyo feel na feel ko talagang makapagasawa ng mayaman. Hindi naman sa naghihirap kami ah! Gusto ko lang talaga mayaman para naman petiks petiks na lang ako. Ayoko ng magtrabaho" Sabi ni Mags at sumalampak sa higaan nya.

"Di ba may lovelife ka na yung walang mata. Mukhang mayaman 'yon" Naalala ko kasi yung kasama nyang lalaki kanina.

"Ah si Ricky Baby" Sabi nya pa at nangalumbaba paharap saming tatlo.

"Ayoko don babaero. Choosy naman ako medyo mga te"

"Ikaw pa talaga ang karapatang maging choosy. Eh endangered na nga yang pagmumukha mo" Pangaasar naman ni Reesa dito. Namiss ko 'tong ganitong usapan naming apat.

"Unique ang tawag sa pagmumukha ko. U-N-I-K! Unik!"

"Gaga magiispell ka na nga lang mali pa." Tawa naman kami ng tawa kaya binato kami nito ng unan.

"Gusto ko shortcut. Mga pakilamera! Facundo hulihin ang mga indiong ito mga walang modo! Hala Donya Santibanez ikulong ang mga hampaslupa!" At todo effort pa si Mags na ireenact ang pagiging kontrabida.

" Hindi bagay!" Sabi naman ni Reesa. "Tara ispin the bottle na lang. Truth or Dare mga te tapos kahit anong iutos ang hindi gumawa non papakainin ng limang sili. Ano game?"

"Bakit lima lang? Isampu mo na!" At talaga naghamon pa itong si Astrid eh sya nga pinakatakot sa mga pagkaing maanghang.

"I second the motion!" Sigaw ni Astrid at nagtaas pa ng kamay.

"I close the nomination. Bawal na sumingit Rain" I just rolled my eyes heavenwards. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano ko nakasundo itong tatlong ito. Mga nakawala ata 'to sila sa mental.

At ang nakakatawa wala kaming bote eh saktong may dalang yakult si Reesa kaya ito nalag ginamit naming pangspin.

"iikot na yan!" At inikot na nga nila. Natapat iyon kay Astrid.

"Truth or dare?"

Nagisip muna ito nang sobrang tagal kaya nakatangap ito ng batok mula kay Mags. "Oo na! Dare na nga eh!" Sumimangot pa ito.

"Lumabas ka tapos kung sino yung unang lalaking makita mo lapitan mo tapos bulungan mo ng 'ang sarap mo naman'. Tapos kagatin mo ito sa tenga." Utos ng napakatalinong si Mags.

"Sus chix!" Tumayo naman kaming tatlo at sinundan si Astrid para lumabas pero nagtago kami sa pader na nandoon pero nakasiwang yung ulo naming tatlo na magkakasunod. Nakakexcite na ewan yung magaganap.

Wala pa lang masyadong nadaan sa parte na ito ng resort kaya ilang minuto din bago kami nakabingwit. Nagulat pa kami na si Peter iyon. Dali dali naman kaming nagtago ng konti baka kasi mahalata kami.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon