Humakbang naman ako ng ilang beses papalapit sa mga ito. Agad kong naagaw ang atensyon nilang lahat ng tuluyan na akong nakalapit. Hindi ko alam kung ano ang una kong dapat sabihin. Ang mahalaga lang naman ay makausap ko sya ng sarilinan.
"Ah...May sasabihin lang sana ako Yul" Nangunot naman ang noo nito. "Kung okay lang?"
"Sige" Sumulyap pa ako sa mga kaibigan nyang nandoon at lahat sila nakangisi. Maging ang magaling na si Drey ay nakangisi at nagthumbs up pa sa akin. May alam ba sila? Bakit parang lahat sila alam na. Wala naman akong sinasabi!
"Baka naabala kita"
"Ngayon mo pa ba sasabihin yan eh nakalayo na nga tayo"
"Tsk edi bumalik ka na doon kung ayaw mo naman pa lang sumama" Tumigil pa ako sa paglalakad kaya tumigil din sya.
"Sa tingin mo kasama mo ako ngayon kung ayaw kong sumama? Mas gusto kitang kasama" Diretso ang tingin nya sakin ng sabihin nya yon. Hindi ko alam kung tama bang bigyan ko yun ng kahulugan.
Wala pa naman kasi akong karanasan sa love na yan kaya hindi ko matukoy kug ano na 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Bago pa sakin ang lahat kaya nangangapa pa ako. Ayokong magpadalos dalos. Ayokong magaya sa iba.
"Baliw ka"
"Sayo" At tumawa pa sya sabay akbay sa akin na agad ko namang hinawi. "Saan ba tayo pupunta?"
"Dito na" Saktong tumigil kami sa isang part doon na malapit sa dagat. Masarap ang simoy ng hangin. Pero kasabay non ay ramdam ko ang presensya ng tatlo na umaaligid-aligid lang sa tabi-tabi.
Naupo naman ako kaya naupo din sya.
"Sa tingin mo," Tumingin naman sya sakin "Anong sasabihin ko sayo?"
"Nakakaloko yang tanong mo Rain. Sa tingin mo alam ko?" Napakamot pa ito sa ulo nya. "I think this all part of your game with those three."
Nagulantang naman ako. "Alam mo?"
"Ang alin? Na naglalaro kayo. Peter just told me what happened to him. Tapos yung ginawa ng isa mo pang kaibigan doon sa pool. You have an unusual group of friends"
"And even though na nakasama mo sila hindi mo pa rin alam yung mga pangalan nung tatlo" Napangisi naman ako.
"Bakit ikaw ba kilala mo lahat ng kaibigan ko?"
"Hindi" Natatawa kong sagot. Oo nga no. Hindi na kasi ako nagabalang kilalanin ang mga ito. Bukod kasi sa ang dami nila ay sadyang hindi lang ako interesado.
Natahimik naman kami pagkatapos non. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yung dare. Not that I don't know really how but rather I don't know what to say. Ano bang dapat kong ipagtapat tungkol sa nararamdaman ko?
"Malapit na intramurals. Tapos na kayo sa practice?"
"Malapit na"
"Hindi ko na nakikita yung practice nyo. Sayang" Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan nito. Yung mukha nya kasi yung tipo ng gwapong hindi nakakasawa.
"You don't have to. Makikita mo rin naman sa araw ng event" Tumango naman ito. "Yul.."
"Hmmm?" Nakatingin na sya ngayon ng diretso sa buwan. Maganda itong tingnan lalo na maraming bituin na nakapaligid dito.
"G...gu.."
"Huh? Minura mo ba ko?" Hindi ko naman mapigilang batukan sya. Nandon na eh! Nandon na yung lakas ng loob ko. Bigla naman na akong nahiya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinalikuran sya.
"Oy saan ka pupunta?"
"Matutulog na ako" Pasigaw kong sabi at talagang mindali ko ng iwan sya. Agad ko namang nahagip ang tatlo na may hawak na tagiisang binoculars. Mga baliw.