[12]- Bahala

1.4K 25 0
                                    

Nagsialisan ang mga tao sa loob siguro sa takot sa pagsigaw ko. Hindi ko naman yun intensyon, hindi ko lang talaga maintindihan ang punto ng paglalagay ng make up. This is not in my plan, I'm not planning on making myself look funny to everyone.



"No need for this stuff Yul" Inis kong tugon dito. Oo, nagpaiwan sya mukhang naiintindihan nya naman ang himutok ko. "I'm going. Pupunta na ko doon. Hindi ako magpapalagay ng ganyan!"


Padabog pa akong nagmartsa papaalis dapat ng hatakin nya ko mula sa pulso at pinapirmi sa isa sa mga upuan doon.


"Ano ba?! Anong gusto mong mangyari malagyan ako ng mga yan? No Yul. Kung alam ko lang.."


"And that's the reason why I didn't mention it to you. At isa pa muse ka, hindi ka lang basta player. You're not joining just to win the game but also to represent the whole basketball team. Pumayag ka na eh, sagarin mo na" Matigas nitong tugon habang mahigpit akong hawak sa magkabilang balikat para hindi makakilos.


"You are really getting into my nerves Vertego. Sht ka" Hindi ko mapaigilang magmura. Isang ngisi lang ang sinagot nito.


Pumayag din akong magpamake up bandang huli. Lumabas muna si Yul nang room na yun at magbibihis lang din daw sya. 30 minutes pa bago ang laro at halos patapos na rin ang paglalagay ng make up sa mukha ko.


Kating-kati ako na tipong gusto ko ng balatan tong mukha ko ngayon. Hindi talaga ako sanay sa mga dekorasyon na mga ganito sa mukha.


"Ay shala itech bonga ang transformation mo te!" Tili ng baklang nagmake up sakin.


Inabot nya sakin ang isang salamin at halos malaglag ang panga ko ng makita ang sarili ko. This is not me. Seriously. Napahawak ako sa bawat parte ng mukha ko and I can say na maayos ang outcome ng lahat. May mga pampakulot pa ang buhok ko mamaya na daw tatangalin pagnakapagbihis na ko.


"Eto gumora ka na at magbihis ng matapos ko na yung itsura mo" Malandi nitong sabi habang pinagtutulakan ako papasok sa cr na nandoon.


Umiling na lang ako at pumasok sabay lock ng pintuan. Binuksan ko yung paper bag at hindi ako makapaniwala sa laman nito. Okay na sana ang jersey nitong pantaas pero nalula ako sa iksi ng short. Hindi naman ako magaaplay bilang pokpok bakit ganito kaiksi ito?


Umupo ako sa isang tabi habang matiim na nakatingin sa susuotin ko. Hindi ba ko magmumukhang katawa tawa pagsinuot ko yan? Baka mahalay ang kalabasan. Hayst. Isang beses lang naman ito at isa pa pumayag na ko eh magiinarte pa ba?


Hinubad ko na ang dapat hubarin at pinalit ko ng suotin yung damit. Hindi naman ako magkanda ugaga sa paghila nito dahil konti na lang ay feeling ko makikita na ang hindi dapat makita. Leche talaga matapos lang to magduduster ako hanggang paanan.


Unti-unti kong binuksan ang pinto ng matapos ako at naghihintay na sakin si Jane I mean John na naging Lane kasi nga beks sya at yan ang pinakilala nya saking pangalan. Nakita ko pang nanlaki ang mata nito ng makita ako. May problema ba sa itsura ko?


"OMGEEE! Dyosa ka ba? Natulbugan mo ang alindog ko jusme halika nga dito" Hinila nya ko at pinaupo muli sa upuan " Tanggalin ko lang tong mga rollers ng lalo ka pang gumanda"


Tinanggal nya na nga ang mga ito at bumagsak na pabounce ang buhok ko tuwing tinatangal ang mga iyon. Hindi itim ang kulay ng buhok may halo itong brown na hindi ko alam kung sa side ba ni daddy o mommy nagmula.


"Isa pang oemgeee ganda mo girl"


"Wag mo na kong lokohin ano. Mukha naman na ata akong payaso ngayon"


Pumamewang naman ito sa harap ko. "Kung ikaw mukhang payaso ano ako si joker?" Napatawa naman ako sa sinabi nya. Tumayo na ko mula sa kinauupuan ko at tumingin sa full body mirror na nandun.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon