NOTE: For heart to hear talk, message me :)
Nakarating kami sa bahay nila Brent ng magaalasais na rin ng gabi. Madilim dilim na ang paligid kaya may mga poste na rin ng ilaw na nakabukas.
Nanguna akong bumaba sa kotse at sumunod lang yung dalawa. No need for invitation parang welcome ang lahat sa party and who knows baka nga may gate crasher ding makapasok.
"Sup?" A guy approached us or should I say sila lang palang dalawa. Pero agad ding bumaling ang tingin nito sakin. Ngumiti ito na parang aliw na aliw sa nakikita. "Sino ang boyfriend mo sa kanilang dalawa Ms. Beautiful?" Naagad namang ikinakunot ng noo ko.
"Stop it Brenon." May talim sa salita ni Yul. "Stop being an ass. Where’s your brother?”
"Stuck with the girls. No need to greet him masyado syang maraming inaasikaso. And he will surely be laid after this party" At ngumisi pa ito.
"And you will surely join in Brenon." Dagdag ni Drey
"Sure bet. Puntahan ko lang yung mga girlfriends ko, enjoy the party" at iniwan na kami nito. Halos malula naman ako ng marealize kong this is really a wild party. Para kang pinasok sa isang club pero ang kaibahan open ang area dito.
"Nainom ka ba ng alak bespren?"
"Hindi. Ayoko ng mapapait" tumango naman si Drey.
"Sige kuha lang ako---ikaw bro?"
"No thanks"
At tuluyan na nga kami munang iniwan nito. Yung ingay parang binibingi ako. Wild sound, wild music, wild people dancing, well not a whole lot of fun to me. I'm not a party animal or what kaya hindi ako nageenjoy sa mga ganito.
"Tara" Napatingin naman ako sa kanya. "Saan?" Tanong kong pabalik.
Hindi sya sumagot pero hinila nya lang ako at nilagpasan namin yung napakaraming tao. Hindi ko sya pinigilan hanggang sa nakarating kami bandang likuran ata ng bahay nila Brent ito. Kumpara doon sa kaninang pinasukan namin ay hindi masyadong maingay sa lugar.
"I hate loud noises" pagbubukas nya ng usapan "I hate crowds" at umupo ito sa parang swing na meron doon.
"Parehas pala tayo"
"Halata nga sayo kanina"
"Kaya mo ko hinila papunta dito?" Tumingin nama sya sakin. "Hindi trip ko lang" agad naman akong umismid.
"Si Drey nga pala baka hanapin tayo non"
"Don't worry he's old enough to socialize and adapt. Hindi yun mawawala wag kang mag-alala" tumango naman ako. "Anyway I thought you’re not going to join the basketball, why did you change your mind?"
Kumuha muna ako ng bato at hinagis yun sa malayo bago sumagot. "Nakakaawa ka kasi mukha ka ng iiyak" mapanginis kong sagot dito.
"Oh should I thank you?" Halata yung sarcasm sa boses nito. "Welcome" at tumawa pa ko dahil napakepic ng itsura nito. Inismiran nya naman ako. Gay.
"Nung nakaraan pa ko nagtataka dito eh. They told me that as for my punishment I have to tutor you. Alam ko namang mahina talaga yang utak mo pero hindi pa kita natuturan ng maayos" hinimas ko pa yung baba ko "How about good manners and right conduct first"
"Ah yeah yeah. Salamat sa pagsasabing bobo ako "
"Wala kong sinabi ikaw nagsabi nyan!" At halatang pinipigilan ko ang pagtawa.