Nakatingin ng makahulugan sakin si mommy habang kumakain kaming lahat. Dad keep on talking to Yul about his studies and all, background, businesses na medyo nagkakasundo sila sa bagay na yun, at pati mga naging girlfriends nito.
"I had two Sir" magalang nitong sagot.
"So what happened?" Singit naman ni mommy habang kinakain yung side dish nyang vegetable salad. Madamo ayoko nun."Yung una po kasi medyo bata pa po kasi kami at narealize ko na kailangan po naming magmature pa to continue our relationship so we broke up. Yung pangalawa naman po na fall out of love na lang po dahil parehas kaming walang oras sa isa't isa"
Pinapakingan ko lang sya. Henebenemen keseng kleseng timing te eh!
"So are you planning to have your third shot?" Dad asked. He was busy staring at Yul and for all the non innocent knows parang iniimbestigahan nya ito.
"Yes sir. But not until I find her" At ngumiti ito sabay sulyap sa akin. Nagiwas naman ako agad ng tingin.
"Haven't you?" Mom inquired. Nahihiya na ako sa sitwasyon. Why do they have to ask questions like that?
"Maybe" Ang simple lang nitong sagot.
Ngumiti naman ang mga magulang ko but then I remembered Olive. Di ba sila na? Edi sya yung tinutukoy ng mokong na 'to. Parang may galit naman na namuo sakin. I feel irritated. Agad ko naman iyong winaksi dahil wala naman akong dapat ikagalit."Ikaw ba Rain..." Napatigil ako sa pagsubo.
"Meron na ba?" Nakakalokong ngumiti sakin si mommy. Hay nako. Tinitigan ko namam si Daddy na mukhang anytime maglalabas ng balisong para sa lalaking magugustuhan ko.
"Wala po" Bigla naman umusod sakin palapit si mommy.
"Bakit wala?!" At talagang hinawakan pa ako nito sa magkabila kong balikat. "Hindi pwedeng wala Rain"
"Eh sa wala po eh" Ngumiti naman si Daddy. Sya lang ata ang natutuwang wala akong gusto.
Napabaling ang tingin ko kay Yul. Expresionless ang mokong. Matapos nya kong pagisipin kagabi ng sobra! Kasalanan nyang lahat.
Natapos kaming kumain at talagang gusto ko ng palayasin si Yul pero mukhang nagkasundo sila ng kapatid ko kaya naglaro muna sila ng xbox.
"Weak ka naman Kuya eh!" At nagmamalaki naman itong tumawa.
"Pinagbibigyan lang kita" At naglaro ulit sila. Balak ko na ngayon na dumiretsong kwarto at matulog ng mahimbing. Na walang iniisip.
"Rain dito ka muna" Kunot noo ko naman iyong hinarap.
"Matutulog na ko"
"Ang aga pa"
"Para sayo. Late na sakin"
"Si ate KJ" Narinig kong sabi ng kapatid ko kaya naman napabalik ako sa sala at sumalampak sa sofa na nandoon. Nasa lapag kasi sila nakaupo habang nakaindian sit.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Naiirita kong tanong sa kanya.
"Ouch grabe pinapalayas mo na ko" Habang focus na focus sa nilalaro nito. Hindi ba halata? Duh
"Gabi na"
"Obvious naman" Ang sagot nito na agad ko namang binatukan. Napatingin tuloy sya sakin.
"Wala na talo na ko dahil sayo" Lalo akong nairita sa kanya. "Maya na lang ulit tayo maglaro Rudge may paguusapan lang kami ng ate mo" Tumango naman ang kapatid ko.
Anong paguusapan namin?
Hinila nya ako papalabas kahit pilit akong pumipiglas sa kanya. Pwede ko naman syang sundan bakit kailangan pang hilain?