[6]- Victory

1.7K 31 1
                                    

**CHAPTER 6**

Buong magdamag napuyat sakin si mommy kaya hinayaan ko na lang syang matulog sa kwarto ko. Atlast ok na ko papakainin ko ng alikabok yung baklang yun. Humanda sya sakin.

Naglalakad pa lang ako papasok ng biglang may umakbay sakin.

"Yow! Morning!" At ngumisi pa ito.

"Hands of man kahit inaccept ko yung pagkakaibigan natin hindi ko sinabing pwede ang PDA" agad naman syang lumayo sakin at parang tangang nagkakamot pa ng ulo.

"Hindi PDA ang tawag dun kundi PDF that stands for public display of friendship" at akala mo kung sinong henyo ang nagsalita dahil ngising tanga pa sya sa gilid ko.

"Yeah yeah whatever."

"Bakit ang laki ata ng dala mong bag?"

"Magcacamping ako"

"Sa loob ng campus?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Wag na ngang matanong!" At nagpatuloy ako sa paglakad.

"Ok sungit talaga" at tumawa tawa pa sya. Like I care.

Nauna na ko sa kanya dahil parang naglalakad pa sya sa buwan. Napansin kong wala pa si Yul sa upuan nya hindi pa ata dumadating. Nagsimula ang klase pero hindi pa rin sya dumating. Hindi sa gusto ko syang makita naniniguradonlang ako na makikita nya ang paglubog nya.

Ikalawang subject eh naglipat kami ng room at nandun sya sa upuan nya mahimbing na natutulog. Kahit hindi na sya magising magpapasalamat pa ko. Nang dumaan ako sa gilid nya nagulat ako ng hawakan nya ko sa kamay.

"I'll be watching later let's see what you can do" and he raise his dslr. Parang alam ko na yung balak nya. So he really expects me to fail. This faggot really get into my nerves.

"Let's see Mr. Vertego" at inalis ko yung pagkakahawak nya sakin. Nakakainis talaga yung ugali nya.

Habang lunch break eh hinanap ko yung tatlo sa hide out namin. Yun yung likod ng abandonadong building sa campus. Malayo pa lang rinig ko na yung mga bunganga nung tatlo.

Pagtingin ko dun may mga pompoms at maraming bottled water sa tabi nila. Don't tell me...

"Anong meron?" at sabay sabay silang napalingon sa direksyon ko.

"RAIIIIIINNN!" sabay sabay silang nagsilapitan sakin alam kong magaala octopus tong tatlong to. At hindi nga ako nagkamali. Linshek papatayin ata ko nitong tatlong to.

"B-bitaw" nahihirapan na kong huminga.

"Ay sorry haha namiss ka lang namin Rain" sabi ni Mags na unang humiwalay sa pagkakayakap.

"Hindi nga halata sa pagsakal nyo sakin" umupo ako sa damuhan dahil feeling ko pagod na pagod ako. Actually I'm tired physically and mentally.

"Haha sowie ay by the way magaaudition kami sa cheering squad kasi nandun ka!" Proud pang sinabi ni Astrid.

"Ano ko ehemplo nyo?"

"Hindi naman sa ganun Rain sadyang gusto ka lang naming makasama ganun ka namin kamahal" ang sagot ni Reesa na magtatangka pa sanang halikan ako kundi ko lang pinigilan.

"Sigurado ba kayo sa gagawin nyo?" Feeling ko magkakalat lang sila mamaya. Sa ugali ba naman nyan nila.

"Ay wag mo kaming maliitin Rain tingnan mo yung prinaktis namin" at nagassemble sila sa harap ko.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon