[19]- Gusto mo ba 'ko?

1.5K 28 0
                                    

Note: Sabaw 'tong update na 'to. Maipilit lang magupdate.


Maaga akong papasok ngayon kahit labag sa kalooban ko. Ngayon kasi yung official na simula ng practice ng cheering squad para sa nalalapit na intramurals. Kahit gusto ko mangiditch yun eh hindi pwede dahil ibabagsak ako ng prof ko na handler din ng mismong event.

Pagdating ko sa gymnasium ay may iilan ng nandoon. Iilan lang sa kanila ang kilala ko dahil nasa engineering ako kabilang. Sa mga nakakalimot na eh ang walangyang si Yul ang nagpasok sakin sa sitwasyon nato. Ang sarap ipalibing ng buhay! Bwisit.

"Rain" Nakangiting bati sakin ni Clarissa. Oh sya yung isa sa naging mabait sakin habang nasa department pa ko ng engineering.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Hindi ka pa magpapalit?"

"Kailangan na ba?" Tumango naman sya. Tinuro nya sakin yung banyo at nagpalit ako ng leggings at puting t-shirt. Tinali ko ring ang buhok ko ng maayos saka na ko lumabas.

Napataas pa ang kilay ko ng makitang dumadating na rin yung mga varsity ng engineering dep't. At isa na sya don. Nagkatinginan kami pero agad din akong nagiwas ng tingin.

"Bespren!" Malakas naman na sigaw ni Drey sabay jog papalapit sakin. "May practice kayo?"

"Unfortunately" Ang sagot ko naman habang inaayos ang pagkakatupi ng mangas ng suot ko. Agad nya naman akong inakbayan na ipinagwalang bahala ko na lang.

"Okay lang yan bespren atleast mapapanuod mo rin kaming maglaro" sabay wink sakin. Nagmukha lang syang kirat. May narinig naman akong impit na tili mula sa gilid ko. Mukhang may dating si Drey. Di ko nga lang ramdam.

"Assemble!" Malakas na sigaw ng leader namin.

"Una na ko Drey" Umakto itong nalulungkot pero agad ding nakabawi.

"Goodluck Bespren" Tumango naman ako at lunapit na sa mga nagpupulong na kagrupo ko.

Orientation muna ang una naming ginawa. At dahil kasama kami sa ganitong event at medyo pinaprioritize kami ng school kaya ok lang na may isang araw na maexcuse kami ng whole day.

"Stretching muna tayo girls" Sigaw ni Denise. Medyo strikta ito pero mabait din naman. Kung tutuusin gusto ko ang ugali nya.

Hindi namang maiwasang makarinig ng sipulan mula sa mga tukmol na basketball players dahil nakakakita ng mga binti. Buti na lang talaga hindi ko sinunod ang payo ng mga baliw kong kaibigan.

"Rain" Napalinga naman ako kay Denise at minuwestra nyang pumunta ako sa unahan.

"Pwedeng sa likod na lang ako" Nagtaas naman ito ng kilay at agad umiling.

"It's not your choice where to be put in. Mabuti pa makinig ka na lang sakin" Masyado syang intense magsalita kaya agad nya rin akong napasunod.

Nagsimula kaming magpractice ng basic routines katulad ng pagsayaw. At higit sa lahat konting pagtumbling. Medyo nakakagulo din yung tunog ng bola na natalbog. Kaya yung iba nawawala sa konsentrasyon.

"Pwede ba Martin!" Inis na sigaw ni Denise at lumapit sa isa sa mga players na nandoon. Mukhang ito yung team captain nila. "You should reconsider your playing time. Nakakaistorbo kayo samin!" Kalmado pero madiin nitong bitaw.

"I won't" Ang maiksing sagot ng lalaki sabay pasa ng bola kay Yul na kasalukuyang nakatingin sakin. Hindi ko binitawan ang tingin ko ganun din naman sya.

Naputol lang yun ng hilain ako ni Clarissa dahil bumalik na yung leader namin na konting pitik na lang ay sasabog na sa inis.

"Bwisit na Martin! Bwisit" Naiinis nitong sabi sabay harap saming lahat. "Let's take a break first. Bumalik kayo after 20 minutes" Tumango naman kaming lahat. Umupo muna ako sa bleachers habang naghahabol ng hininga. Nakakapagod.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon