"Ano bang gusto mong pagusapan?" Naniningkit ang matang tanong ko dito. Kanina pa kasi kami dito sa likod ng gymnasium at hindi pa rin sya nagsasalita.
Bumuntunghininga muna sya na parang napakabigat ng kailangan nyang sabihin. "Tutulungan kitang makabalik sa course mo"
Napataas naman ako ng kilay. "Really? Good."
Buti naman naisipan nya na yung bagay na yun. Sawang sawa na kong makita ang pagmumukha nya sa araw-araw para syang toxic hindi vitamins na nakakasira sa sistema ko.
"But you have to do me a favor"
May kapalit? Aba't talaga naman.
"Ano naman yun? Wag mong sabihing sex putspa lang di ako pokpok!" Isang batok ang natanggap ko mula sa kanya. "Aray ko naman! tss."
"Ang lawak ng imahinasyon mo and I never think of that as an option" I just mumbled what he said at parang timang pa kong nainis dahil tunog insulto ang sinabi nya. Bwisit!
"Ano bang favor yan ng matapos na"
"Be our muse" seryoso nitong saad.
"Ah be our mu--- ANO?! NO WAY!" at tatalikuran ko na sana sya. That's nonsense. Muse at ako pagsasamahin? That's a no no. I'm not a cinderella needed to be dress by others. Mukha nya.
"We need you" at mahigpit nyang hinawakan ang braso ko.
Agad ko naman yung hinawi at hinarap sya.
"Don't make fun of me Yul. Gusto mo ba kong ipahiya?" I hissed.
Napabuntunghininga naman ito at bumulong sa kawalan. 'If only someone can play basketball better than you do'
"At ano namang ibig mong sabihin dun?"
"I need someone who's good in basketball. Yung muse na kayang makipagsabayan sa ibang players"
"And you mean to say?"
"You can. Kaya hinihingi ko ang tulong mo. Just this time Rain and I promise to help you get back to your course and get a good reputation. Hindi na tayo magkakapanagpo ulit after this"
"I'm not a barbie on the first place. At kailan pa nagkaroon ng regulation na maglalaro ang muse. Humanap ka na lang ng iba na mas babagay na muse nyo"
Tumalikod na talaga ako ng tuluyan at iniwan sya. Mukha ba kong sumasali sa muse na ganyan? Duh. At maglalaro sa court that one pabor ako. Pero ang rumampa na may pintura sa mukha at plastic na ngiti, hindi ako sangayon.
Nakarating ako sa bahay at naabutan ko si Daddy na nanunuod ng TV.
"Hi Dad" bati ko dito at sumalampak sa tabi nito.
"Tired?"
"Not really. Marami lang pong iniisip" Tumango naman si papa at inabot sakin yung popcorn.
"Ano naman yun. Don't tell me tungkol sa lalaki yan?" May pagdududang tingin sa mata ni Daddy. Nako naghahanda na po ng armalight to. Pero paano nya nalaman? Father's instincts lol.
"Hindi po. Tungkol lang po sa school"
"I see. Nga pala nagsponsor ako para sa upcoming college sports competition nyo. I heard basketball will be a tough one this year may kakaiba silang twist."
Napalingon naman ako dito bigla.
"Ano po yun?"
"The committee required a muse to play in the hardcourt. Hindi naman na bago ang kakaiba lang ang pinahihintulutan lang pasyutin ay ang muse. That's only for the preliminary sa mga susunod na laban ay regular game na"