[2]- One Move

2.9K 59 2
                                    

"Ang laki laki talaga!"

"Gaano mga isang ruler ba?"

"Hindi ewan siguro basta ang laki!"

Ang aga aga yan kaagad ang naabutan ko pagpasok ng room. Hindi na mawawala ang daily habit ng mga pokpokers na to. Aba naman pagusapan ba naman kung gaano KALAKI at kung gaano KAHABA ang

Footlong na binebenta sa canteen namin. Oo napakawalang sense ng usapan nila. Promise.

Inayos ko na lang yung pagkakatali ng buhok ko at umupo sa silya ko na nasa bandang dulo. Pinatong ko yung paa ko sa unahang upuan at nagdekwatro. Ganyan ako parang siga sa room. Even boys are aware with my attitude.

Biglang dumating na yung mga tinatawag kong "group of kabaliwan friends"

"WEEEE RAIN MAHLABS AMISHUUUUUU!" Damba sakin ni Reesa na muntik ko na ikahulog. grabe sobrang tagal naming di nagkita nahiya naman ako sa isang araw 'di ba?

"RAIN WALA KA PARING PINAGBAGO!" at isa pang dumamba si Mags sakin.

"MUKHA KA PARING LALAKI!!!" at di rin nagpahuli sa pagdamba si Astrid.

Nagmukha kaming sardinas sa likod. Halos hindi ako makahinga.

"c-cant br---" hindi ko na natapos

"Ano ano ano?" tanong ni Reesa

"c-can br----"

"Ano daw?" Astrid

"Ah hug tighter daw" sabi ni Mags at mga loka lalo pa nga kong niyakap.

At ng makawala ang ulo ko

"I SAID I CAN'T BREATHE!" at para naman silang tutang nagsilayo sakin. At nagpaawa effect pa nako nako nako teary eyed pa ang mga loka magkakatulad ata to ng genes ng ipinanganak.

"Ginaganyan mo na kami Rain HOWDERYU!"

"Itnirung ka naming Prend tapos tapos *sobs*"

"Sinaktan mo ang feelings namin ajujuju"

At nagyakapan silang tatlo. Para talaga silang timang. Araw-araw na lang ba kaming agaw atensyon. I just remained staring at these crazy homo sapiens.

"Shet gwapo ni sir papasok na!" tili nung bakla sa room namin.

Natigilan naman yung tatlo at parang bulalakaw at bituin ang mga mata nila. Nanatili naman ako sa ganong posisyon hanggang sa nakapasok na sya. He's Harold Francisco the faculty's hearthrob. Kaso para sakin mukha syang bakla.

He wear too gayish.

Too much color. It irritates my eyes.

"Goodmorning class" he greeted.

Nagsiayos naman yung mga classmate ko. Yung mga babae nagmukhang mga clown sa kiddy party. Napuno ng boysen yung mukha nila.

Nagdiscuss lang sya sa harap namin ng tungkol sa Economics and chuchuchu chachacha .

"Excuse me" from nowhere biglang may sumulpot na lalaki sa room namin.

He looks familiar

"OHMYGEE yung tibak ko pakisalo nahuhulog" impit na tili ng nasa gilid ko. KAIRITA!

Very very fam-----

Bigla akong napaubob sa lamesa ko. Shet na malupet pa sa anghet. SYA YUN!

"I'm lost. May I ask where is the engineering department" sumilip ako ng konti mukhang pati yung teacher namin natulala. CONFIRMED he's a gay! I told you.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon