[15]- Huh?

1.6K 22 2
                                    

Halos hindi ko matingnan sila mommy at daddy ng diretso dahil sa mapapanuring tingin nila sa akin. I'm not guilty. Really. Nandito na kami sa bahay at kanina lang ay nangaling kami sa ospital para makasiguradong walang napaano sakin. Naging okay naman ang result, no harm done pero sa ngayon ito ang pinakamalaki kong problema.

"I'm not against you having a boyfriend Rain it's just that...." Agad akong sumabat

"Daddy hindi ko po sya boyfriend. Walang kami. Hindi kami. Kung ano man po yan nasa isip nyo ay maling-mali. He's my classmate, a friend of mine,Hindi po sya makahinga kanina kaya ko siya sana gustong tulungan" Depensa ko kaagad sa sarili ko.

"By kissing?" Ang sabat ni mommy na kasalukuyang nakangisi ngayon. She wants this, yung naiipit ako. Hay sana pala hinayaan ko na lang mangisay si Yul. But he just lied! That dummy argh.

 No Mom. Okay yung kanina I'm actually gonna try CPR kaya ganun yung pwesto namin. And that's it." Tumango naman si mommy but as I thought tanging ang nasa isip niya lang ang pinaniniwalaan niya. 

"Kung ganun introduce him to us....." At tumingin sakin si daddy sa mata "....as a friend"

Oh goodness anong kalokohan 'tong napasok ko?

Pumasok na ko sa kwarto ko para makapagpahinga. Physically and emotionally exhausted ako ngayon. Anong gagawin ko bukas? Should I just drag him here...or not? Hindi ko naman pwedeng suwayin si daddy. His words are our rules kaya hindi ko pwedeng balewalain yun.

Natulog na lang ako dahil hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan.

Sabado ngayon walang pasok kaya nalate ako ng gising. Nagyayaya yung tatlo na gumala, hindi ko lang sure kung saan. At dahil wala naman akong gagawin ngayon ay sasama ako sa kanila. Ayokong mainterogate buong araw sa bahay.

"Hi Tita!" Sabay na bati ng tatlo na walang pakundangang pumasok sa bahay namin. Ang mga kaibigan nga naman.

"O kayo palang tatlo. Sinusundo niyo ba si Rain?" Tumango naman sila at lumapit agad kay Mommy. Nasa kusina kasi ito at nagbebake.

"Tita pahingi kami" Sabi ni Astrid habang sinisinghot yung oven namin. Jusmiyo ang init init doon. Kulang na lang magface to face sila ng lutuan.

"Hoy kayong tatlo!" Sabi ko sa kanila na agad namang kinalingon. Agad naman nila kong tiningnan at sinipat ang itsura ko. Back to old times. Hanging t-shirt and faded jeans na pinartneran.ko ng sneakers. "Ay tita asan yung anak niyong maganda?" Sabi ni Mags na kasalukuyang ngumunguya na ng cookies.

Tumingin naman sakin si mommy at sinipat din ako. "Rain bakit ganyan ang suot mo?!" Exaggerated na tanong ni mommy. "Ano bang pinagsasabi niyo? Isang araw lang akong nagayos aba abuso araw-arawin?" Naglakad ako pababa at kumuha sa cookies na kasalukuyang dinedekwat ng tatlo. Mga PG talaga 'tong mga 'to.

"Sayang face Rain! Alam mo ba nagkaroon ka ng fans club?" Ang sabi ni Mags "Ginawa nga kaming adming tatlo" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nila.

"Ano?!"

"Yezz kami pa nga nagupload ng iba mong picture doon" At proud na proud pang pinakita sakin ni Astrid yung cellphone niya. "Ganda mo dyan NO FILTER" at tumawa pa ito.

"Nalike ko na rin yan anak" sabi ni mommy "sikat na ang baby Rain ko"

I rolled my eyes heavenwards. Tiningnan ko yung facebook page at umabot na kaagad ito ng 10k likes sa loob lang ng isang gabi. Some asked for my facebook account or who the hell I am. At ang nakakabwisit itong tatlong 'to ay pinost ang FB account ko.

"Ipabura niyo 'tong page na to!" Nangagalaiti kong reklamo sa tatlo.

"Eh Rain 'di pwede!" Sabi ni Reesa "Maraming nagaadd saming gwapo dahil sa page na yan" And she looked at me dreamily.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon