NOTE: I NEED FEEDBACKS!!! (isipin nyong nasigaw ako nyan)
"Ma tingnan mo si ate oh!" Ungot na naman ng kapatid ko.
"Oh anong meron Rudge?" Tanong ni mommy
"Kinuha lahat ni ate yung magaganda sa boys section mommy naman eh BABAE sya hindi ko sya KAURI" maktol ng kapatid ko.
Habang ako tuwang tuwa pa rin sa pagkuha ng mga damit sa boys section aba ang gaganda kaya. Hindi katulad dun sa girls section kung nasaan si mommy puro pang arte lang iiksi pa.
"Rain dito ka nga" hinila naman ako ni mommy kung nasaan sya.
"Eto ang bagay sayo" kumikinang kinang pa yung mata nya ng itapat sakin yung dress na mukhang tinubuan ng flower garden.
Eeeer puro bulaklak baka pagkamalan akong orchid pag sinuot ko yan.
"Sa inyo na lang yan mommy yoko nyan"
"Ang ganda kaya bagay sa hunica hija ko"
"Mom lalaki yan kuya ko nga yan eh" sabat ng kapatid ko binangasan ko nga.
"Mom oh!" Reklamo ulit nya
"Rain Fargeah Howren kapatid mo yan" nagpoker face naman ako bwiset lang sa kapatid ko na naman kampi. Abat tong kapatid ko ang laki laki na ISIP BATA parin
Shemay marunong na nga yan manuod ng porn eh malay ko na lang kung inaapply nya sa sarili nya yun.
Marinig ba naman ang mommy at daddy ko sa araw araw na tinalo pa ang cotton candy sa tamis naku naman.
"Susunod daw ang Daddy nyo dito" yun pwede na kong umalis.
"Mom alis na ko nagcutting lang ako"
"Sinong nagcutting?" Kilala ko yung baritonong boses na yun. I turn my back and Dad is glaring on me.
"Sorry Dad mom told me that it was an emergency so I hurriedly went here but as I thought she just want to go shopping" paliwanag ko dito.
"Honey hayaan mo matalino naman yang anak mo" tatawa tawa na si mommy. Yung mga sales lady nakatingin na samin
Nakakita kasi ng mga out of this world creature makaalis na nga.
Hindi na ko nakapagpaalam dahil busy na rin silang maglampungan.
Nang may nagtxt sakin
*Enebey Rain bakit di ka pumasok? You'll never know what you missed*
Eto nanaman po tayo.
At hindi lang isa ang nagtxt sakin ng ganyan kundi pati yung dalawa ko pang kaibigan.
Boys boys tsk they are just dumbass except for my Daddy at sa Daddy ko lang haha wag na yung kapatid ko.
Nagreply naman ako
*I'm not interested*
Nagreply naman si Reesa.
*Pumunta ka na nga lang dito sa mall sa may starbucks*
As expected nasa tambayan sila ng may libreng wifi. Nagiistalk nanaman yan sila at favorite talaga nila sa starbucks dahil bukod sa mahal ang kape maraming dawng GWAPO!
Hay hindi ko masakyan ang trip nila.
Tutal na sa mall na naman ako hindi na ko nahirapan sa pagpunta at hindi narin ako nahirapang hanapin sila. Kiligin ba naman yung tatlo parang mga butete.
Hinila ko na lang basta yung upuan sa harap nila at umupo at nagdekwatro.
"Ui dyan ka na pala ang bilis ha kamaganak mo na ba ngayon si the flash?" Tanong ni Maggie or mags or kahit ano pa man kahit tasa na lang ok lang.