[10]- Stuck

1.5K 27 0
                                    

Uwian na naming ngayon at kanina pa lang umaga ay tinext na ko ni Yul na dumiretso sa gymnasium para sa practice ng basketball. Hindi na rin ako umangal dahil matagal tagal na rin nung huli akong nakapaglaro ng basketball nang seryosohan.

“5 minutes late” Ang salubong nito sakin habangmay hawak na bola. Agad ko naman itong inungusan.

“Di mo naman sinabing kailangang on time” sagot ko. Nilapag ko yung mga gamit ko sa bleachers at inayos ang pagkakapony ng buhok ko. Ang haba na pala nito papagupitan ko na lang sa susunod.

Mula sa kinatatayuan ko nanuod muna ko sa laro ng ibang players. Hindi maipagkakailang magagaling sila mukhang sigurado na ang panalo nito.

“Sinong tinititigan mo dyan?” Halos masalo ko ang dibdib ko ng magsalita ito sa tabi ko. Leche flan may kabute din palang lahi to si Yul.

“Wala! Tabi nga maglalaro na ko”

“Mamaya ka pa makapaglalaro.” Sabay tumingin ito sa hawak nitong timer. “5 minutes pa mag wa-one on one game tayong dalawa” dagdag pa nito.

“Huh? Ikaw kalaro ko?”

“Hindi yung bola kalaro mo mag-one on one kayo” Inismiran ko naman sya at inagaw yung bolang hawak nito. Bumaba ako sa bleachers sabay sigaw “PALARO MUNA”

Nagsitigilan naman sila at napatingin din sakin. Nahagip nman kaagad ng mata ko si Drey at parang kangaroo na nagtatalon na lumapit sakin. Agad naman akong umiwas dahil may balak ata syang yakapin ako. Ayoko nga pawis kaya sya.

“Ah bespren ba’t mo ko nilayuan?”

“Pawis ka. Magpahinga muna kayo don at papagurin ko muna tong captain nyo mukhang pasarap buhay ni hindi man lang pinagpapawisan” Agad ko naming sinipat ng tingin si Yul na papalapit na rin sa direksyon ko.

I dribbled the ball then pass it to him.

“First 10 points” Una kong sinabi na naintindihan nya naman agad. Ngumisi naman ito na mapangasar at pinaikot pa ang bola sa index finger nito.

“James ikaw scorer” Nagok sign naman si James dito. Pinasa ni Yul yung bola sa isa pa nitong teammate para ihagis pataas yung bola para sa start ng laro.

“Hindi ko dadalian ang laro kahit babae ka pa”

“No need kaya kitang lagpasan”

Nang nagpito na at naihagis na yung bola, agad nitong tinira iyon papunta sa court na gagamitin naming. Half court lang yung laro kasi mas madali iyon dahil masyadong malawak ang buong court para sa aming dalawa. Nasa kanya ang bola at pinaglalaruan nya ito habang dinidribble. Mabilis syang kumilos at hindi ko alam kung mapapantayan  ko yun.

Unang score ay napunta sa kanya. One point for each shoot kaya bale sampung shoot ang katumbas para masabing ikaw ang panalo.

Make Me Change [Rain's Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon