Black Pearl

1.1K 78 3
                                    


Yuri's POV

Napaka-moody ng lalaking 'to!

"Ano ba naman kasi yan?! Bakit ba ikaw ang naging kasama ko maghanap? Pwede naman na si Kris na lang o kaya si Dyo eh!",bwisit na sabi ko dito sa hinayupak na lalaki sa tabi ko.

"Manahimik ka na nga. Akala mo ba gusto din kitang makasama? Sisihin mo si Jessica!"

Hmp!

Si Sica kasi eh. Nasa mood kanina kaya nauto nila Baekhyun at Chen na kami ang pagsamahin na maghanap dahil palagi daw kaming nag-aaway. Hinati hati kasi kami sa tigdalawa at pinaghanap sa iba't ibang lugar para mapadali.

Sa lagay namin ngayon ay siguradong wala kaming magagawa kundi ang magbangayan.

Nanahimik na lang ako dahil nakaka-hingal na magsalita habang naglalakad saka sasayangin ko lang ang energy ko kung kakausapin ko pa 'tong lalaki na 'to.

Napatingin ako sa kanya dahil huminto sya sa paglakad at humarap sa'kin. Nakakunot ang noo nya at parang may bumabagabag sa kanya. "Kumain muna tayo.",seryoso nyang sabi na ikinabigla ko. Wow ha. For the first time eh nagseryoso sya. Pero bakit naman kaya?

Hinawakan nya ang pulso ko at hinila ako sa kung saan. Pero hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa kamay nya na nakahawak sakin. Ang alam ko ay teleportation ang kapangyarihan nya pero bakit may bolta-boltaheng kuryente akong nararamdaman?

Hindi ko pa sana tatanggalin ang tingin ko sa mga kamay namin kung hindi pa ako natapilok.

"Ahh!"

"Tsk."

Buti na lang at nahila nya ako kaya naman hindi ako napaupo sa sahig.

Aish! Bakit ba ang clumsy mo Yul???

"Mag-ingat ka nga."

Hindi ako nagsalita at tumango na lang. Sobrang nabigla ako sa pagtingin nya sa'kin. Yung mga mata nya na parang may sinasabing kung ano na hindi ko maintindihan. O baka naman nagkakamali lang ako?

Pumasok kami sa loob ng isang coffee shop at pinahanap nya ako ng map-pwestuhan saka sya um-order.

Habang hinihintay ko sya ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip dahil ang weird na talaga nya nitong mga nakaraang araw. Hindi na nya ako inaasar at kapag inaasar ko naman sya ay hindi na nya ako pinapansin. Kapag inaaway ko naman ay galit din. Hindi na rin nya ako madalas kausapin at parang palagi na syang naka-distansya kaya naman bwisit ako sa kanya. May problema ata sya sa'kin eh.

Pagbalik nya ay may dala syang dalawang maliit na plate ng chocolate mousse cake at sinabing kumain muna ako habang hinihintay yung beverages namin.

Tinitignan ko sya pero nanatiling syang nakatingin sa ibang direksyon o kaya naman sa kinakain. Magsa-salita sana ako nang bigla kong marinig ang pangalan nya mula sa counter.

Tsk.

Bumalik sya na may hawak na iced americano at caramel latte. Ibinigay nya sa'kin ang americano. Favorite ko.

"How did you--"

"Nabanggit ni Kris hyung.",sagot nya nang hindi man lang ako pinapatapos magsalita.

Alam ni Kris ang mga ganitong bagay tungkol sa'kin dahil nasasaktuhan na palagi sya ang kasama ko sa grupo tuwing naghahanap.

Tumango ako at nagpasalamat pero hindi pa rin nya sinasalubong ang tingin ko.

Uminom ako sa inumin ko at hindi ko namalayan na halos makalahati ko na ito dahil sa tuloy tuloy na pag-inom habang naka tingin sa kanya.

Marahan kong ibinaba ang inumin,umayos ng upo at nag-cross arms.

"Kai may problema ka ba sa'kin?" Diretso kong tanong. Ayoko ng paligoy ligoy pa dahil naiinis ako.

Napahinto sya sa pagkain pero hindi pa rin inaangat ang tingin sa'kin.

"Ang gulo mo. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos mo. Sinasabi ko 'to dahil hindi ako napapakali hanggang alam ko na may taong galit o kaya ay may problema sa'kin kaya naman magsalita ka na."

Katahimikan.

Yan lang talaga. Wala syang balak sabihin.

Fine.

Tumayo ako at naglakad na paalis pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay may humawak sa braso ko at naramdaman ko na naman ang mga boltahe ng kuryente. Kinilabutan ako at parang may kung ano sa tyan ko at hindi ako mapalagay.

"Oo,ikaw nga ang problema ko."

Hindi nga ako nagkakamali. May nagawa siguro akong kasalanan sa kanya. Dapat sinabi nya agad para nakapag-sorry ako kung ano man yung maling nagawa ko.

"Kasalanan mo na palaging bumibilis ang tibok ng puso ko makita ka lang. Kasalanan mo na hindi ako mapakali kapag malapit ka. Kasalanan mo na hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko."
Hindi ako makapag-salita. Nasa likod ko sya pero nahihiya ako. Parang gusto ko na lang umalis dahil dun sa mga sinabi nya.

"Ngayon,sabihin mo nga kung ano 'to. Sabihin mo kung anong magagawa mo dahil hindi ko alam ang gagawin. Nahihirapan na akong umiwas sa'yo."

Iniharap nya ako sa kanya at diretso ang kanyang tingin sa aking mga mata. Kitang kita ang sinseridad sa mga 'to.

Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko pero grabe na ang hindi mapakaling pakiramdam ko na 'to na parang gusto ko syang yakapin dahil sa mga sinabi nya. Para i-comfort sya.

Inalis nya ang pagkakahawak sa balikat ko at may kinuha sa kanyang bulsa na hindi ko makita dahil maliit. Kinuha nya ang kanang kamay ko at inilapag duna ng isang perlas saka umalis.

Pero hindi 'to isang ordinaryong perlas.

Ito ang black pearl na nawala ko matagal na.

Siguro ay nahulog ko 'to nang magkabanggaan kami nung una kaming magkita.

Naikwento sakin ni Kris ang mga mahahalagang bagay na nawala sa Exo Planet at isa dun ang black pearl na hawak ko kaya nang malaman ko yun ay hinanap ko ito agad pero wala na.
Nasa kanya lang pala.

Pinagmasdan ko sya habang naglalakad sya paalis.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon