Sunny

1K 65 3
                                    

Sunny's POV

I was staring blankly at the ceiling while lying on my bed.

Salt.

Salt.

Salt.

"Sunkyu!!!"

"Ay, asin!"

Bigla akong napaupo dahil sa gulat.

"Bwahahaha. Anong asin? Kain na tayo." Napasimangot ako.

"Bwisit ka!Lumayas ka nga dito!",sabi ko at binato sya ng unan saka muling humiga.

"Luh. Ikaw na nga ang inaaya kumain eh. Tayo na dyan,bilis." Tuluyan na syang pumasok sa kwarto ko at sinimulan akong hilahin patayo.

"Wala akong gana. Layas."

"Hindi pwedeng nagugutom. Tayo dyan."

"Hindi naman ikaw ang magugutom. Pake mo ba?"

"Kulit mo. Buti nga inaalala ka eh." Fine!

Nagpahila ako sa kanya at muntik pa kaming matumba kung hindi sya agad nakapag-balanse ng tayo.

"Adik mo. Muntik na yun ah.",bulong nya sakin dahil sa sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Kinilabutan ako kaya naman naitulak ko sya.

"Oo na!",inis na sabi ko at sinuot ang flat shoes saka naunang naglakad.

---

"Bukas pupunta na tayo sa Exo planet at doon na magsasanay. Mas kumpleto ang mga gamit at mas maayos ang facility kaysa kung sa earth tayo nagsanay."

Kamusta na kaya ang kumpanya? Dapat ay kinausap ko na pala ang lawyer ko. Buti at nandun si Li Yin para maasikaso ang lahat ng mga naiwan ko.

"Sana ay mahanap na agad nila ang huling fairy para naman makapagsanay na rin sila kasama natin."

Nahinto ako sa pag-iisip tungkol sa mga kung anu anong bagay nang may sumipa sakin mula sa ilalim ng mesa. Tinignan ko ang kaharap ko na palihim na nakangiti habang kumakain.

Kanina pa 'tong lalaki na 'to. Sinilip ko kung nasaan ang paa nya at inapakan yun ng medyo may kalakasan.

"Ahh!"

Natawa ako ng mahina dahil sa hitsura nya. Hindi maipinta ang mukha nya dahil sa sobrang sakit.

"Hyung,anong nangyare?"

"Xiumin,ayos ka lang?"

Sunod sunod ang tanong nila kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang nakangiti ng malapad. Napansin kong masama ang tingin nya sakin kaya naman binigyan ko sya ng inosenteng ngiti at nag-beautiful eyes pa. Hahaha!

Ayan,sige lang at maasar ka. Pfft.

Pagkatapos namin kumain ay kausap ko si Sooyoung habang naglalakad palabas ng dining hall.

"Si Yoona lang naman ang nakakaalam ng mga kaya nating gawin kaya sya na ang bahala satin bukas."

"Sya lang naman kasi ang nakausap ni Seo tungkol doon eh kaya malamang eh sya talaga ang--"

Nahinto ako sa pagsasalita nang may umakbay sakin.

"Hoy,ikaw."

"Hoy ka din. Bakit ka ba nakaakbay? Tanggalin mo nga yan!",bwisit na sabi ko. Si Sooyoung naman ay natahimik na lang habang naglalakad na kasabay namin.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin kaya naman nailang ako. "Hindi mo magugustuhan kung gagawin ko yan. Ikaw din, makikita nila ang red spot mo.",bulong nya at nag-shrug pa.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at uminit ito. What the hell?! Is he freaking serious?

"Uhh. Sunkyu, una na ako ha? Bye.",sabi ni Sooyoung sakin with a sly smile at tinanguan naman nya si Minseok na nakaakbay pa rin.

"Huwag kang magulo, nasa likod sila Chanyeol at Luhan." ,sabi nya dahilan para mas lalong mamula ang mukha ko at mas hindi ako mapakali.

Dahan dahan nyang inalis ang itim na polo na suot nya kaya naman ngayon ay nakasando na lang sya. Hinawakan nya ako sa bewang kaya naman napahinto ako.

"Stay still.",bulong nya habang parang nag-backhug sakin kahit ang totoo ay itinatali nya ang polo nya sa bewang ko para matakpan ang red spot sa likod ko.

Shit naman kasi! Bakit ngayon pa ako minamalas? Like what the hell am I supposed to do?! Bakit biglaan? Bakit nakalimutan ko na ngayon ako magkakaroon ng monthly period?

At bakit si Minseok pa ang nakakita?! Huhuhu. I feel like dying because of humiliation.

"Hey. Tapos na." Napatingin ako sa may bewang ko at tapos na nga nya na maitali ang polo nya. Hinila nya ako at sabay na kaming naglakad.

Narinig ko pa nga ang pang-aasar ni Chanyeol at Luhan na ngayon ay nasa unahan na namin.

Hinatid nya ako papunta sa kwarto ko at pinapasok ko muna sya sa loob para kausapin. Nag-ayos ako ng madalian sa loob ng cr saka lumabas para harapin sya.

"T-This is really embarrassing."

Yan lang ang tanging nasabi ko dahil naramdaman ko na ang mga tumulong luha mula sa aking mga mata. Ni hindi ako makatingin sa kanya ngayon dahil sa hiya.

Bigla syang lumapit sakin at pinunasan yun. "Tumahan ka na, Sunny. Okay lang yun. I understand."

Hindi ako sanay at ayokong ayoko ng napapahiya ako kahit kanino. Naiiyak ako dahil naaawa ako sa sarili ko. Tsk. Bwisit na self pity kasi yan eh!

"Thank you. And sorry.",sabi ko habang pinupunasan ko ang mata ko gamit ang tissue na kabibigay lang nya.

Kahit madalas akong mainis dahil sa kakulitan ng lalaking 'to eh tinulungan nya pa rin ako kanina. Baka namatay na ako sa kahihiyan kanina kung hindi.

"Lalabhan ko na 'tong polo mo. Nakakahiya na sayo eh."

Natawa sya saka nagsalita."Sige. Kung yun ang gusto mo. Pero okay lang naman kahit huwag na."

"No. I insist. Thank you na rin sa ginawa mo." Nginitian ko sya at ganun din sya sakin.

"Okay. Pupunta na ko sa kwarto ko. Good night.",sabi nya at naglakad papunta sa pinto. Binuksan nya ito at akmang lalabas na nang huminto sya.

"Sunny. Kalimutan mo na yung nangyari kanina. Naiintindihan ko naman eh. Parte yan ng pagiging babae.",sabi nya at binigyan ako ng isang ngiti na biglang nagpakawala ng kung ano sa aking tyan. "Goodnight.",sabi nya at tuluyan nang lumabas.

Napatingin ako sa salamin sa gilid ko.

Was that butterflies in my stomach?

---

"Oppa! Please, pasamahin nyo na kaming lima. Ngayon lang namin makakasama ang mga fairies at alam nyo naman na matagal namin 'tong hinintay.",pagmamakaawa ni Irene kay Suho.

Tama rin naman kasi sila eh. Tsaka mukhang gusto talaga nilang sumama dahil nakaayos at may dala na rin silang mga bag. Hahaha.

"Ayokong mapahamak kayo kapag may nangyaring gulo sa Exo Planet kaya naman dumito na lang kayo."

Pero hindi ko inaasahan na agad syang hihinto sa pangungulit.

"Joy,Wendy,Seulgi,Yeri. Hali na kayo. Ayaw talaga eh.",sabi nya at inaya na silang umalis.

"Okay. Handa na ba kayo?",tanong ni Suho samin.

Nagsitanguan kami kaya naman gumilid sya at saka ko lang nakita ang ginawa nyang portal.

Isa isa kaming pumasok at sobrang namangha ako sa lugar kung nasaan na kami ngayon.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon