Crypt

658 49 2
                                    

Yoona's POV

Nakarating kami agad ng Suju planet pero sobrang nahilo ako.

"Bilisan na natin."

Inilabas ko ang aking mga pakpak at ganoon din si Sunny unnie at Seohyun. Si Luhan at Tao ay kasabay na namin at lumulutang sila. Si Luhan ang nanguna habang kami naman ay nakasunod.

Habang palapit kami sa lugar ay bigla akong kinabahan.

Dumilim ang paligid,mas lumamig ang temperatura. Papalapit kami sa isang madilim at maliit na kastilyo na nakikita lang dahil sa liwanag na nagmumula sa bahagi kung saan kami nagmula.

Maraming lampara ang nakapalibot dito. Nang nasa tapat na kami ng entrahada ay nakita ko na may mga bantay sa loob.

Nagtago kami sa gilid ng entrahada kung saan hindi kami makikita.

"Anong gagawin natin?",tanong ko sa kanila.

"Sandali."

Humarap si Luhan sa pwesto nung mga bantay at bigla na lang lumutang ang mga ito. Napapikit ako sa takot ng biglang mabali ang mga leeg nila.

"W-What did you do?"

Si Sunny unnie naman ay parang nanlambot.

"Demons deserve to die."

Yun lang ang sinabi ni Luhan at nauna na syang pumasok. Upang hindi kami marinig ay pinili naming tatlo na lumipad.

Sa loob ng madilim na kastilyo ay puro mga torch na ang nagbibigay ilaw.Lahat ng bahagi ay mayroon nito. May apat na pinto sa loob at magkakaharap ang mga bantay. Nakasilip lang kami at nag-iisip ng gagawin.

"Delikado dito.Marami sila at siguradong magdudulot ng ingay. Baka biglang may sumugod hyung.",sabi ni Tao.

Nakakita ako ng butas sa ilalim na natatakpan ng malaking bloke ng semento na medyo nakaangat kaya naman napansin ko ito.

"Pwede ba tayo dumaan dyan?",tanong ko sa kanila at itinuro yun.

"Oo nga. Hindi ba lahat ng kastilyo ay may pasilyo sa ilalim ng lahat ng entrahada?"

Sa sinabi na yun ni Seohyun ay agad na kinontrol ni Luhan ang bloke at binuksan ito.

Tama nga ang hinala namin. Isang pasilyo nga ang nasa ilalim nun. Isa-isa kaming bumaba doon at isinara ang pinasukan namin.

Kaunting liwanag lang ang naaaninag kaya naman kumuha si Seohyun ng isa sa mga torch na nakasabit. Sa dulo ng pasilyo ay may isang pintuan.

"Nandito ang unang bantay.",sambit ni Luhan habang nakaharap lang sya sa pintuan. Parang may pinapakiramdaman.

"Tao,pahintuin mo ang oras hangga't makakaya mo.Yoona,Seohyun,Sunny, gamitin nyo ang invisibility nyo at bilisan nyo ang paglipad papunta sa kabilang dako. Pagsasabayin ko na kontrolin ang pagtulog ng higante at ang paglutang namin."

"Pero hyung,sigurado ka bang makakaya mo?",puno ng pag-aalala na tanong ni Tao. Ngumiti lang si Luhan.

Napansin ko na napahinto na ni Tao ang oras nang biglang tumahimik ang buong paligid na kanina lang ay napapalibutan ng ingay ng mga kung sino man ang nasa loob ng madilim na kastilyo.

Binuksan ni Luhan ang pintuan at dali dali kaming lumipad papasok.

Nabigla kami.Hindi namin inaasahan na wala sa tapat namin ang pinto palabas.

Nakita namin ang higanteng natutulog sa kaliwang bahagi ng sobrang laking kwarto.May bigote sya,malaking ilong at mga hiwa sa mukha. Nakakadiri ang suot nya na sobrang dumi. Mahaba din ang kanyang medyo kulay putik at papunta na sa pulang kulay na buhok.

Ang tantya ko ay nasa labindalawang piye ang higanteng ito.Sobrang laki.

"Luhan!",sigaw ni Sunny unnie at itinuro ang bahagi kung nasaan ang higante.

"Hyung bilis, malapit na ako.",sabi naman ni Tao kaya nagtungo agad kaming lahat doon. Nasa ulohan ng higante ang pinto.

Bubuksan na sana ni Seohyun ang ang pintuan nang muntikan na bumagsak si Tao. Sa sandaling yun ay tumigil na ang paghinto ng oras at nakarinig kami ng malakas na ungol na dumagundong sa buong kwarto.

Tila sandaliang lumindol nang tumayo ang higante na nakatalikod sa'min.

Wala ni isa sa amin ang gumalaw. Lahat kami ay pigil hininga na nakikiramdam.

Gumalaw ang kinatatayuan namin nang dahan dahan itong humarap sa amin. Tinignan nya kami ng maigi gamit ang kanyang mga nanlilisik na mata saka sumigaw nang pagkalakas-lakas.

"Labas na!",sigaw ni Luhan at binuksan ang pinto saka kami itinulak palabas at naiwan sya sa loob.

Bukas ang pinto at kitang kita namin ang dalawa nyang nakataas na kamay at hagip ng paningin ko ang nahhirapan nyang ekspresyon habang ang higante ay tila napahinto sa paglusob sa amin.

Parang nawawalan na ng enerhiya at lakas si Luhan dahil bigla syang napaluhod. Ang isang kamay ay nakatukod na sa sahig upang maalalayan ang kanyang katawan.

May pinipilit syang gawin ngunit mukhang hindi nya ito makaya.

Sa tingin ko ay pati sya ay nabigla kaya naman nabigla dina ang katawan nya.

"L-Luhan."

Sa pagsambit na yun ni Sunny unnie ay hindi ko na matagalan ang nakikita. Napatayo ako habang si Seohyun naman ay nakasunod. Tumingin ako sa mga mata nya at naalala ang isa sa kanyang mga sinabi.

Shape shifting.

Tumango ako at sabay kaming tumakbo papasok sa loob.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero miski ako ay nabigla nang mismo sa sarili ko ay nakarinig ako nang malakas na ungol.

Hindi ko napansin na sa akin pala yun nanggaling. Kaharap ko ngayon ang higante.

Nang mapansin ko kung ano ako ngayon ay hindi na ako nagdalawang isip na sumugod.

Lumipad ako at pinuntirya ang higante. Plano ko unahin ang mga mata nya kaya naman doon ko itinutok ang malalaking kuko ng kung anong nilalang ako ngayon.

Naaninag ko sa gilid ko ang kasabay ko sumugod na isang malaking ahas na may sobrang laking bibig at mahahaba na matutulis na pangil.

Ngunit bago ako tuluyan makasugod ay narinig ko ang sobrang pamilyar na boses.

"Yoona,Seohyun."

Malamig ito at kilalang kilala ko kung kanino.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon