Planet Of Harmony

918 64 2
                                    


3rd Person's POV

Ang Exo ay hindi maitago ang kasiyahan dahil nakauwi na sila sa kanilang planeta habang ang mga fairies naman ay mangha na mangha.

Sino ba naman ang hindi mamangha sa Exo planet?

Akala mo'y isa itong paraiso sa sobrang ganda. Sariwa ang hangin,namumukadkad ang ganda ng mga bulaklak na kala mo'y kumikintab dahil sa kakaibang lahi nito na hindi matatagpuan sa kinalakihan nilang planeta.Maganda ang sikat ng araw pero hindi nakakapaso sa balat ang init. Sa di kalayuan ay makikita ang isang sobrang linis at linaw na lake. Sa ibabaw naman nila ay may mga naglulutangan na iba't ibang kulay na bilog na may makapal na balahibo.

"Mga hyung!!!"

Lumingon silang lahat at nakita nila si Tao kumakaway habang papalapit sa kanila at si Lay na nakangiti habang nakasunod sa kanya.

Pinauna ni Suho ang dalawa para maipaayos ang mga kwarto nilang lahat sa nag-iisang kastilyo sa Exo planet kung saan sila mananatili.

"Grabe.Buti na lang at dumating na kayo! Ang gulo ng mga rookies sa kastilyo. Wooo!",sabi ni Tao sa kanila.

"Nandun ang mga rookies??? Wow."

"Naku,Chanyeol hyung. Kung ikaw ang nauna eh feeling ko mababaliw ka sa sobrang gulo ngayon dun."

Nagtaka ang mga fairies kung sino ang tinatawag na mga rookies ng exo.

"Wait, anong rookies?",tanong ni Sooyoung habang nakakunot ang noo.

"Ahh. Sila ang mga batang trainees dito sa Exo planet. Tine-train sila dito para maging mga pinuno o tagapagtanggol ng mga planeta sa hinaharap.Ang Exo planet kasi ang may pinakamagandang pasilidad na pangtraining. Kami rin eh ilang taon na nagtrain bago kami maging warriors ngayon.",pagpapaliwanag ni Chanyeol.

"Ahaha. Kami rin kaya ay naging rookies bago magform ng grupo bilang RV."

Nagulat sila dahil sa biglang nagsalita at lumingon sa likod.

"Hello sa inyo!",sabay sabay nilang bati at naghagikgikan.

"P-paano kayo nakarating dito? Irene?",gulat na tanong ni Xiumin.

"Hmp. Kasi naman kayo,oppa. Sinabi na namin sa inyo na kami ang parang mga assistant ng mga fairies,diba? Kaya kung nasaan sila ay nandun din kami.",sabi ni Irene na sinegundahan naman nila Joy at Yeri sa pagsigaw ng malakas na:

"Tama!" Gamit ang pinapaliit nilang boses.

"Oo nga po! Tsaka tinatanong nyo pa kung paano kami nakarating dito eh kanina nyo pa kami kasama. Hahaha. Halos magkaparehas lang kasi ng mga abilities ang mga fairies at pixies.Yun nga lang, sobrang lakas nila. Pfft.",paliwanag ni Wendy sa exo na mukhang naguguluhan pa rin.

"Hahaha. Hayaan nyo na kasi sila, ang cute cute kaya nila. They're here na rin naman kaya wala na kayong magagawa." Lumapit sa Tiffany sa RV at inakbayan pa sila Seulgi at Yeri.

Napabuntong hininga na lang si Suho dahil tama ang sinabi ng dalaga.

"Fine. Halina kayo para makapag-pahinga na tayo at masimulan ang training bukas."

"Yehey!",sigaw ng mga pixie at nakipag-appear pa si Tiffany sa kanila habang ang ibang fairies ay napangiti na lang.

---

Dahil sa kapangyarihan ni Luhan na telekinesis ay hindi na nahirapan ang Exo na pumunta sa kastilyo dahil lumutang lang sila papunta doon habang ang mga fairies at pixies ay malayang lumilipad habang nakasunod sa kanila.

Masaya silang nakipag-kwentuhan sa pixies tungkol sa mga pakpak nila dahil yun ang unang beses na nagamit nila ang mga ito.

Nasa himpapawid pa lang sila ay kitang kita na nila ang sobrang laking kastilyo na nakatayo sa gitna na malawak na lupain.

Sa hindi kalayuan ay kita ang nila ang medyo naglalakihang mga kabahayan na may kakaibang disenyo.

"Seulgi? Bakit ganyan ang mga bahay dito?",tanong ni Yoona sa katabi na agad din naman na napatingin sa ibaba nila. Ganun din ang ibang fairies dahil maging ang mga ito ay nagtatakha.

"Base kasi ang mga disenyo ng mga bahay dito sa kapangyarihan ng may ari."

May itinuro ang dalaga na isang bahay na nag-aapoy ang itaas. "Katulad nun, siguradong sigurado ka na apoy ang kapangyarihan ng may ari. Pfft."

Napatango-tango naman sya sa sinabi nito. Sa isip nya ay parang walang kahit anong bagay sa Exo planet na hindi kama-mangha.

"Paano kung magkaiba ng kapangyarihan ang mag-asawa? Pwede ba yun? Paano yung anak nila?",takhang tanong ni Sunny. Kanina pa nya iniisip yun dahil naguguluhan talaga sya.

Sa pagkakataong yun ay si Yeri naman ang sumagot sa tanong nya. "Pwede yun,unnie. Katulad ng bahay na yun oh."

Itinuro nya ang isang bahay na nakalutang sa ibabaw ng isang malaking parang pool. Nagulat ang mga fairies sa nakita. At hindi naiwasan ang malalaking reaksyon nila na nagpatawa sa mga pixies.

"Ang may-ari ng bahay na yan ay mag-asawa na ang isa ay telekinesis at isa naman ay tubig ang kapangyarihan. Grabe din po reaksyon ko dyan nung una ko yan makita. Hahaha. Wala kasing ganyan sa SHINee planet eh."

"Taga-SHINee planet ka?",sabay na tanong ni Sooyoung at Tiffany.

"Hahaha. Opo. Kami po ni Irene unnie."

Napatango sila at muli na naman na nagtanong si Sunny.

"Yung mga anak nila?",tanong nya sabay turo sa ibaba kung saan nandun ang sobrang kakaibang bahay.

"Oo nga po pala. Haha. Kapag nag-asawa po katulad nyan, ang kapangyarihan ng anak ay mamamana sa isa sa mag-asawa pero hindi ganun na kalakasan dahil may dugo pa rin sila ng isa pang kapangyarihan ng isa pa nilang magulang na kumokontra sa natural na kapangyarihan ng anak."

"Halimbawa ay si Luhan oppa.",pagkasabi nun ni Yeri ay napatingin ang fairies kay Luhan na nasa unahan.

"Ganyan po kalakas ang kapangyarihan ng may purong dugo dahil parehas na telekinesis ang kapangyarihan ng magulang nya. Kaya nyang magpagalaw ng marami ng sabay sabay di tulad ng magkaiba ang magulang, iilan lang ang kayang pagalawin."

Natuwa naman ang mga fairies sa mga pixies dahil marami silang nalaman dahil sa mga 'to.

"Malapit na tayo." Rinig nila na sabi ni Lay habang nakalingon sa kanila.

Ngayon ay kita na nila ang sobrang laki at ganda na kastilyo na gawa sa dyamante na kumikintab sa ilalim ng magandang sikat ng araw.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon