Epilogue

836 43 8
                                    

Epilogue

Makalipas ang tatlong buwan...

"Hyung."

Napalingon si Suho at nakita si Chen na papalapit sa kanya. Napabuntong hininga sya at umupo sa dulong upuan ng mahabang lamesa sa library.

"Papasukin mo na sya."

Alam nyang may tao sa labas,ngunit hindi lan yun ang sadya ni Jongdae.

Pumasok si Sandara sa loob ng silid at sumunod kay Chen na umupo sa tabi ni Suho habang sya naman ay sa harap nito.

"Kamusta na sila?",tanong ni Joonmyeon kay Jongdae.

"Ayaw na nila hyung. Hindi sila sasama sa misyon."

Katulad na nga ng inaasahan nya.

Sobrang laki ng naging epekto sa mga itinakda ang pagkawala ng mga dalaga.Lalong lalo na sa ugali at pakikitungo ng mga ito.

Si Kris ay palagi nang galit,si Baekhyun ay nakakulong lang sa kanyang silid,si Luhan ay hindi makausap,si Kai ay hindi na nila madalas makita. Si Xiumin at Sehun naman ay palaging nasa training grounds sa Metropolitan at araw araw ng ibinubuhos ang lahat ng lakas sa pagt-training.

At sila rin ang mga ayaw nang sumama sa misyon na para sa kanilang labindalawa.

Si Tao,Chanyeol,Chen,D.O at Lay na lang ang kasama ni Suho na nag-aasikaso sa palasyo. At pati na rin sa mga nasira noong gyera.

"Sige. Ako na ang kakausap sa kanila."

Tumango na lang si Chen bilang tugon at napatingin kay Sandara na tahimik at nakikinig.

Bago pa man makapagsalita si Suho ay naunahan na sya ng dalaga.

"Wala sa'kin ang propesiya. At mas lalong hindi ko alam ang nilalaman nito."

Napakunot ang noo ni Suho,naguguluhan.

"Pero,paano na ang sinabi ni T-Taeyeon noon?" Nautal pa sya sa pagbanggit sa pangalan ng dating kaibigan.

"Kung susunod kayo sa agos ng buhay, doon nyo lamang malalaman ang tunay na nilalaman ng propesiya. Doon nyo lamang malalaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari."

Tumatak sa isip ni Suho ang huling linyang sinabi nito.

Ang totoong nangyari.

"Nasa palasyo ng dilim pa rin ang libro ng mga propesiya at kailangan nyo ng sapat na kapangyarihan upang makapasok doon. "

Kinabahan ang dalawang binata dahil sa sinabi ni Sandara. Hindi sapat ang kapangyarihan nila.

"Kung dati ay mayroon kayong fairies. Ngayon naman, ang makakapantay lang sa kanilang kapangyarihan ay manggagaling sa walong prinsesa ng bawat distrito ng Suju planet na ngayon ay nawawala."

Ngumisi ang dalaga at bigla na lang nawala.

"Kailangan nating ipatawag ang lahat ng mga itinakda."

To Be Continued.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon