Telekinesis

1.3K 86 7
                                    

Telekinesis

This chapter is dedicated to Keyila.

*-*-*

Luhan's POV

"Taeyeon, ano ba talagang nangyari?",tanong ni Suho sa kanya.Nandito kaming lahat sa sala para magusap-usap.

"Gusto ko sana kasi ulit dumalaw sa Exo planet kaya ko nagawa yun.",sabi nya habang nakayuko.

Ulit?

Anong ibig nyang sabihin?

"Nakapunta ka na ba sa Exo planet?"

"Ang totoo kasi nyan ay sa Exo planet talaga ako lumaki."

Silence...

Silence...

Silence...

"Eh,bakit ang liit mo pa rin."

Tingin kay Baekhyun.

"..."

"WAHAHAHA!",sabay sabay naming tawa.Grabe!

"Leshe ka,Baek!!!",sigaw ni Taeyeon at naghabulan na sila.Pfft.

Tumikhim si Kris at natigil kaming lahat.Ayan na.Lagot.

"Pwede bang magseryoso naman kayo kahit ngayon lang?",sabi nya gamit ang kanyang nakakatakot na boses.

Natahimik kaming lahat at nagsi-ayusan ng upo.

"Now,explain.",sabi ni Jessica gamit ang kanyang nakakatakot na boses.Brr.

Napakagat naman si Taeyeon sa labi nya at mukhang nagiisip ng sasabihin.

"*sigh* Ipapaliwanag ko muna lahat ng nangyari bago ako mapunta dito sa earth.",pasimula nya habang kaming lahat ay tahimik lang na nakikinig.

"Ipinadala ako dito ng mga Majesties.",sabi nya at tinignan kaming lahat."At katulad nyo ay may misyon rin ako."

"Yun ay ang bantayan ang kapwa ko mga fairies."

A-ano daw?

"Ibig sabihin ay kilala at alam mo na kung nasaan ang iba pang fairies?!",tanong ni Chen ng pasigaw na nakatayo sa likuran ko.

Di naman siguro nya ako balak bihingin no?

Tumango lang si Taeyeon sa tanong nya at ipinagpatuloy na ang pagpapaliwanag.

"Saktong ika-dalawampung kaarawan ko nun nang pinatawag ako ng mga Majesties."

Taeyeon's POV

"Taeyeon, alam mo naman na siguro kung bakit ka namin ipinatawag,hindi ba?",tanong sakin ni pinunong Kyuhyun.

"Opo,pinuno.",sabi ko habang nakayuko.Tanda ng paggalang.

"Mabuti.May inihanda kaming misyon para sayo.",pagpapatuloy nya."Itong misyon na to ang pinakamahalagang misyon sa ngayon kaya ito'y ipinagkakatiwala namin sayo.Alam namin na ikaw lang ang may sapat na kakayahan upang magawa ito."

Tinignan ko sila at nakita ko si pinunong Donghae na may hawak isang parihabang kahon.Hindi ko alam pero parang may kung ano akong naramdaman nang makita ko iyon.Ano kayang laman nun?

Tumikhim si pinunong Siwon na syang kumuha ng atensyon ko.Hindi ko pala namalayan na nakatitig na ako sa kahon na yun.

"Taeyeon,sumunod ka samin.",sabi ni pinunong Siwon at sabay sabay silang naglakad paalis habang ako ay sumunod naman.

Tinahak namin ang mahabang pasilyo dito sa loob ng kastilyo at sa dulo nun ay may mahabang hagdan na inakyat rin namin.Pwedeng-pwede kong gamitin ang mga pakpak ko upang makalipad at hindi na mahirapang umakyat pero hindi ko ginawa dahil nahiya naman ako at may respeto ako sa kanila.

Narating namin ang ikatlong palapag at bumungad samin ang pitong pintuan.Pumasok kami sa pangalawang pinto sa kaliwang bahagi.

Mga libro.Yun ang sumalubong samin pagkapasok namin doon.Hindi lang mga basta bastang libro ang mga yun.Mga nagliliparang libro papunta sa kung saan saang bahagi ng kwarto.Mga ginamitan ng mahika.

"Taeyeon",rinig kong tawag ni pinunong Siwon at dun ko lang namalayan na natulala pala ako.Sumenyas sya na sumunod ako na sya ko ring ginawa.

Nakaupo na ang dalawa pang mga Majesty sa isang mahabang lamesa na nasa may gitnang bahagi ng silid aklatan nang maabutan namin ang mga ito.Naupo kami at sinimulan na nila ang pagpapaliwanag.

"Taeyeon, nais naming magpunta ka sa planetang Earth,kung saan nandun ang iyong mga kapwa fairies.",sabi ni pinunong Donghae habang hawak pa rin ang isang kahon."Nanganganib ang mga buhay nila at ikaw lang ang naisipan naming pwedeng magligtas sa kanila."

"Napag-alaman kasi namin na nalaman na ng mga kaaway kung nasaan sila at siguradong may pinaplano silang masama.",sambit ni pinunong Siwon.

"Gamitin mo ang mga kaalaman at mga nakalap mong impormasyon sa pananatili at pagsasanay mo dito upang magtagumpay sa misyon na to.",sabi ni pinunong Kyuhyun ngunit may naramdaman akong kakaiba.Parang hindi lang kami ang tao ngayon dito.Alam kaya nila yun? Imposibleng hindi nila maramdaman ang mga malalakas na enerhiyang yun.

"Taeyeon, nakikinig ka ba?",tanong ni pinunong Siwon.

"Pasensya na po.A-ano po ulit yun?",tanong ko.Napagpasyahan ko na wag na lang sabihin sa kanila ang napansin ko.

"May problema ba?",biglang tanong ni pinunong Donghae. Umiling lang ako at tinanong sila kung ano ang mga dapat o hindi dapat gawin.Nakinig lang akong mabuti pero alam kong marami pa ring nakamatyag samin.Nakikinig.Bago pa kami matapos ay may ibinigay sila sakin na napaka-importante.

"Taeyeon,ipinagkakatiwala na namin sayo ang mga ito.",sabi ni pinunong Donghae habang binubuksan ang kahon na kanina pa nya hawak.

Mga singsing.

Ano naman ang gagawin ko sa mga ito?

"Ang mga singsing na yan ay ang mga natatanging naiwang gamit ng mga naunang fairies.Nakakasigurado kaming makakatulong ang mga yan sa inyo."

Luhan's POV

Kung binigyan nga sya ng misyon ng mga Majesties ay maaaring alam nya kung nasaan ang iba pang fairies.

"Pero,Taeyeon. Ano bang ibig mong sabihin kanina na ginamit mo si Jessica?",tanong ni Kai.

"Ahh." Tumango-tango sya sa naalala at humarap kay Jessica."Sorry talaga,Sica.Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh.Ikaw lang kasi ang may sapat na kakayahan sa inyong apat kaya ikaw ang napili ko."

"Ano ba kasi ang eksakto mong ginawa?",tanong ni Jessica na sa tingin ko ay hindi na naman galit.

"Dahil saktong tulog ka kanina ay ginamit ko ang Oneirokinesis para makontrol ka at--"

"Ang eerie wind para mapunta sa Exo planet?!!",singit ni Seohyun kaya napatingin kami sa kanya."Hehehe.Ang galing kasi ng combination ng abilities.",sabi na lang nya at ngumiti.

"Pfft. Tama. Eerie wind para mapunta sa Exo planet.",pagsang-ayon ni Taeyeon at tumayo na sa kinauupuan nya.

Ngumiti muna sya ng malapad bago magsalita."So,who's up for a fairy search?!"

Alam nya nga.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon