In The Dark

578 43 2
                                    


Jessica's POV

Kasama ang apat na Sovher at ang mga pixies,ligtas kaming nakabalik sa Exo Planet. Inilabas kami ng portal sa mismong tapat ng kastilyo.

Malalim na ang gabi at tahimik ang paligid. Halos isang buong araw ang tinagal ng pagliligtas sa mga pixie.

Si Yoona at Luhan ang nanguna sa pagpasok sa entrahada.

Bago sumunod sa kanila ay pinagmasdan ko ang buong paligid. Kahit na gabi na ay lumulutang pa rin ang kagandahan nito. Sa kagubatan ay kitang kita ang mga circofluff na lumilipad sa ibabaw ng mga puno. Tanaw rin ang malaking bayan na punong puno ng kakaibang mga estraktura.

Malayong-malayo sa lugar na pinanggalingan ko.

Naalala ko ang ilusyon na buong tapang kong winasak.

Ang mga takot ko na buong loob kong hinarap dahil alam ko na ito ang nararapat gawin.

Ang nakaraan ko.

Sa nadiskubre ko, pinanganak ako sa earth at kinuha ng isang rebeldeng nagmula sa Suju mula sa dapat na mga magulang ko.

Lumaki ako sa Suju planet,sa madilim na kaharian.

Lahat ng masasama at karumal dumal na bagay ay nakita ko na.

Lahat ng masasakit na salita ay narinig ko na.

Lahat ng paninira laban sa maliwanag na parte ng planeta at sa iba pang sakop ng lost planet ay naiparinig na nila.

Kaya siguro naging ganito ako.

Nang malaman ng pinuno ng mga rebelde ang plano ng mga majesties ay agad akong ipinadala sa earth upang maging espiya.

Ngunit imbis na maging espiya ay nakahanap ako ng mga kaibigan. Ibang-iba silang lahat sa mga nakasama ko sa dilim.

Kahit sa maliliit na bagay lang ay natutuwa sila. Palagi silang masaya. Minsan hindi ko na napipigilan ang sarili ko.

Sumunod ako sa kanila nang tawagin ako ni Sunny.

Nang malaman ko kung anong mga tunay na nangyayari ay tuluyan nang nabago ang mga pananaw ko. Lalo na nang magkaroon na ako ng paki sa mga kasama ko.

Alam ni Kris at Luhan ang lahat. Silang dalawa lang naman ang hindi pwedeng pagtaguan ng sikreto dahil matalas sila.

Nagdesisyon ako na traydorin ang mga nagpalaki sakin at tuluyan nang umanib sa dapat kong aniban.

Parang nabuksan ang puso ko noon. Masaya.

At nangyari na nga ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Alam kong galit ang lahat sakin.

Naiintindihan ko sila. Kahit na para sa lahat ang ginawa ko ay nasaktan ko pa rin ang kanilang mga damdamin.

Pumasok kami sa Library ng kastilyo. Lahat sila ay nandoon.

Natuwa nang makita ang mga kasama nilang nagligtas sa mga pixies at pati na rin ang mga pixies. Natural na reaksyon ng mga magkakaibigan.

Pinagmasdan ko lang sila habang sila'y nagtatanungan kung ayos lang ba ang isa't isa,kung may nasaktan ba. Ang mga pinuno ay pinagsasabihan ang mga pasaway na gumawa ng delikadong galaw.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang saya saya nilang lahat.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang magsalubong ang aming mga mata. Halong pagkagulat at galit ang bakas sa ekspresyon nya.

"Taeyeon."

Kung hindi pa sya tinawag ni Baekhyun ay hindi maaalis ang nakamamatay na tingin nya sa akin.

"Jessica."

Napalingon ako sa kanya nang mabagsak nya ang hawak na baso sa lapag at mabasag ito. Napatingin naman ang lahat sa akin. Ngayon lang nila ako napansin.

Lumapit si Tiffany sakin habang patuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Pinilit kong ngumiti.

Niyakap nya ako dahilan para mapatingin ako sa iba naming kasama. Hindi ko malaman kung anong reaksyon nila.

Hindi ko mabasa ang mga ekspresyon nila.

Niyakap ko pabalik si Fany. Ang gaan ng pakiramdam ko dahil may nagaalala din pala sakin.

Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na mahalaga rin pala ako.

Lumapit ang iba pa sa amin at nakiyakap na rin. Sobrang saya ang nadarama ko dahil kahit na nasaktan ko sila ay tinanggap muli nila ako.

Kahit hindi pa nila alam kung ano ang mga dahilan ko. Tanggap pa rin nila.

Bumitaw na sila mula sa pagkakayakap sakin at lahat kami ay natawa.

"Pfft. Ang drama natin." Ngumuso si Yuri at umirap pa. Tinawanan na lang namin sya.

Napatingin ako kay Taeyeon at ganun din sila.

Nakatayo lang sya sa harap ko. Walang ekspresyon ang mukha.

"Bakit bumalik ka pa?"

Hindi ko inaasahan ang sinabi nya. Medyo napataas ang kanang kilay ko at napakunot ang aking noo. Napakagat ako sa aking labi.

"Yun ang plano.",kalmado kong pahayag.

Ayoko na magtalo kami.

Naglakad sya papunta sa direksyon ko at nilagpasan ako nang tuluyan. Hindi na sya muling nagsalita at lumabas na.

---

Sooyoung's POV

Naupo kaming lahat at tahimik na hinintay si Taeyeon unnie na makabalik. Sabi ni Luhan ay hintayin namin ang leader.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya at iniisip nya kaya sya umakto ng ganun kanina.

Alam kong hindi ganoon kasarado ang isipan nya. Siguro ay inaalala nya lang kami. Siguradong sobra din ang pag-iisip at pag-aalala nya nang gawin yun ni Jessica unnie.

Ayaw magsalita o magpaliwanag ni Sica tungkol sa nangyari. Gusto nyang kumpleto kami para maintindihan namin ang lahat.
Kahit noong akala namin ay bumaliktad sya,alam kong may plano na sya noon pa lang.

Nakita ko kung paano nya kami tignan. Kung anong tingin ang ibinigay nya Taeyeon unnie nang mahiwa nya ang pisngi nito. Kita ko ang pagka-desperado nya at parang nanghihingi ng tawad ang malulungkot nyang mga mata noong araw na yun.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Dumiretso si Taeyeon unnie sa gitna at inilapag ang isang kahon. Umupo sya sa upuan at tahimik na pinagmasdan kaming lahat na nakatingin sa kanya.

"Before we start,let me tell you first about a story."

Sa wakas ay nagsalita na rin si Sica.

Napansin ko na medyo tumango si Taeyeon unnie na naging senyales para umpisahan ni Sica unnie ang kwento ng buhay nya.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon