Sovher

732 45 0
                                    

Seohyun's POV

Huminto kami sa tapat ng pintuan. Dito pa langbaybhindi na maganda ang pakiramdam ko.

Ang enerhiya at presensya nila ay sobrang nakakapigil hininga. Hindi pa namin sila nakikita ay malakas na ang nararamdaman ko.

"Use invisibility and fly after me.Luhan,you know what to do after."

Napansin ko na medyo nagkatinginan pa sandali sila Jessica unnie at Luhan na parang nag-uusap.

Ginawa namin ang sinabi nya at sya pa rin ang nanguna sa pagpasok sa loob ng kwarto. Sobrang liwanag at elegante sa loob.
May isang puti at mahabang upuan kung saan doon nakaupo ang apat na babae.

Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa ganda nila.
N-Nakakatulala.

"Mi Jessica la faerie.",sabi ng isa sa kanila na may itim at medyo wavy ng buhok na babae. Maputi sya at may mamula mulang labi at pisngi.

"Ara." Wala pa rin emosyon ang kanyang mukha.

Biglang nagkatawanan ang apat.

"Bakit naghihirap pa kayo sa pagtatago? At bakit mo iniwan yung dalawa pa sa labas? Baka mabagot yun." Ngumiti sya ng sobrang tamis habang nakatingin sa pwesto namin at parang tinatapunan kami isa isa ng tingin. Sya ang pinaka-maputi sa kanilang apat at meron syang maliliit na mga mata.Manipis ang kanyang labi na namumula at kumikintab ang kanyang kulay brown na buhok.

Sa isang iglap lang ay biglang nawala ang kwartong kanina ay nakikita ko. Biglang dumilim at nanginig ako sa sobrang lamig.

Naramdaman ko na parang n-nakapikit ko.Paano?

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang babae kanina na nasa harapan na namin.

"Hi."

Napaatras ako dahil sa pagkabigla at napaapak ako sa sahig. At alam ko na nakikita na nila ako ngayon. Nakikita na nila kami ngayon.

Ang kaninang eleganteng kwarto ay napalitan ng tila nasa loob ng isang kulungan na hitsura at ang mga babae ay nakatayo. Walang puti at mahabang upuan.

"Vivian! You're being rude,scaring them.",sabi ng isa na may bilugang mukha at malalaking itim na mga mata. Mahahaba ang kanyang pilik mata at kulay rosas ang mga labi.

"Okay lang yan Sora! Hahaha. Mukhang hindi naman sila nat-threaten. Fairies yan,duh?" Naglakad na ito pabalik sa mga kasama.

"Ayan! Kumpleto na kayo."

Napatingin ako sa likuran ko dahil sa sinabi na yun ni Ara. Nakatayo na sa likod namin sila Luhan at Tao.

"Bakit ba kayo mukhang takot sa'min? Hahaha. Huwag kayong mag-alala,gagawin natin 'to ng patas."

Hindi ko alam kung mababahala ba ako o kung ano dahil sa sinabi na yun ni Ara. Kinakabahan pa rin ako.

"Dahil pare-parehas lang naman tayo na napilitan lang pumunta dito eh dadalian na lang namin para sa inyo. Napag-utusan lang naman din kami eh."

"Tsaka pinalagpas na kayo ng maayos ni Minho,dito hindi pwede yun, may nagmamatyag eh.",dagdag ni Sora sa sinabi ni Vivian habang sinenyasan kami gamit ang mga mata nya bumaling sa aming kanan.

May malaking salamin. Maaring ginamitan ng mahika.

"Sigurado ba kayong dadalian nyo lang ang ilusyon na gagawin nyo para sa'min?" Mukhang nagdududa pa si Jessica unnie.

"Oo naman! Talunin nyo lang. Hahaha."

"Vivian."

Biglang nagsalita ang isa pang babae na kanina pa nananahimik. Meron syang long brown wavy hair at mahaba ang mga pilik mata.

"Did your fears ever happened to easily faced and destroyed?"

Fears.

"Arisa! Panira ka naman eh." Ngumisi lang yung Arisa at lumapit na din sa'min.

"Simulan na natin."

Pagkasabi nila nun ay muli na naman nagdilim.

●●●
3rd Person's POV

Sobrang lakas ng hangin na parang tatangayin sya. Ramdam na ramdam nya ang malamig na hampas nito sa kanyang balat.

Nakapikit pa rin sya at hindi nya sinubukan na gumalaw. Nag-iingat sya sa lahat ng gagawin nya lalo na at alam na nya ang kahaharapin.

Unti-unti nyang binuksan ang mga mata at unang nakita ang nakita ang mga ulap.

Maulap at wala saan man ang araw. Tanaw nya mula sa malayo ang dagat at ang bundok sa tabi nito.

Ayaw man nyang tumingin sa paanan ay napilitan sya. Hindi dapat sya kainin ng takot.

Dahan-dahan syang yumuko at nanlambot ang kanyang mga hita dahil sa natanaw.

Nasa pinakataas sya ng isang tatlumpung talampakan na toreng walang bubong at gawa sa bakal.

Napaupo sya. Hindi nya ata kakayanin.

Bigla nyang naalala si Minho at ang mga sinabi nito.

"I'm not doing this for my sake. It's for everyone."

Ito ang mga winika ng binata nang tanungin nya ito noong nasa loob pa sila ng silid at sinabihan sya nito na saktan ang sya. Tinanong nya ito kung bakit gusto nya na saktan nya ang kaibigan.

Muli syang sumilip sa nasa ibaba.

Isang ilog na kadugtong dagatbna kanina ay tinitignan nya. Sobrang linaw ng tubig at alam nyang sibrang lalim nito kahit mukhang mababaw dahil sa linaw,kitang kita ang nasa ilalim. Ang tantya nya ay higit labin limang metro ang lalim nito.

Huminga sya ng malalim at kinlaro ang isipan.

Hundi nya kayang pabayaan ang mga kaibigan.Ang pamilya nya.Ang planeta.

Binuksan nya ang kanyang mga mata na punong puno ng determinasyon. Nakapagdesisyon na sya. Alam nya sa sarili ang dapat na gawin.

Tumayo sya at humawak sa medyo wasak na pader upang maging suporta ito. Inihanda nya ang sarili.

Ang kanyang mga paa ay nasa dulo na wala nang mahahakbangan.

Huminga sya ng malalim at ginawa ang nakatakda nyang gawin.


[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon