Butterflies

809 46 6
                                    

3rd Person's POV

Kaunti na lang ay umaayos na ang pakiramdam ni Luhan. Pinagmamasdan ang lalaking sugatan at pilit na tumatayosa kanyang harapan.

Hangga't naroon ang lalaki,hindi nya magagamit ang kanyang kapangyarihan.

Dahan dahan nya itong nilapitan. Kinakaladkad ang isa nyang espadang walang naging deperensya.

Itinaas nya ito nang makarating sa harap ng rebelde.

At tuluyan nang isinaksak sa katawan nito.

Napaluhod sya ng maramdaman ang pag-iiba ng kanyang pakiramdan. Tila muli syang lumakas.

Kung hindi nya ginawa yun ay marahil, hindi na nyan magagamit pa ang kapangyarihan kahit kailan. Ang power mimicry ay isang sumpa.

"Luhan.",tawag ni Xiumin sa kanya nang mapadaan ito.

Hindi pa rin sya umaalis sa pwesto at unti unti nya itong nilingon.Kahit hindi na sabihin ni Xiumin ay alam na nya.

Wala na si G-Dragon. Wala na ang pinuno ng mga kalaban.

Akala nila ay maayos na ang lahat.

Nanlaki ang mga mata ni Luhan dahil sa nababasa ngayon. Ang isip ng isang lalaking nasa kagubatan na at papunta sa tree of life.

"Shit."

Alam na nya kung bakit.

Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban sa ibang rebelde at kay G-Dragon ay ginamit nya ang pagkakataon na yun upang hindi sya mapansin at pumunta na sa kagubatan.

"Hyung,si Taeyang!"

Nagulat si Xiumin at agad na tinawag si Kai. Alam nya kung ano ang kayang gawin ng rebelde.

Lumapit si Kai kay Luhan at umalis na sila upang pigilan si Taeyang.

Si Taeyang na kayang magtanim ng bomba kahit saan, kahit kanino.

---

Pinagmamasdan ng siyam na dalaga ang pagkalagas ng mga gintong dahon.

Wala silang magawa. Ito ang senyales ng unti-unting panghihina ng planeta. At ng maraming buhay na nawala dito.

"Unnie. Kelan tayo gagawa ng hakbang upang bumalik sa dati ang tree of life?",tanong ni Yoona kay Jessica na nasa tabi nya.

Napabuntong hininga ang dalaga at tinignan ang kaibigang alalang-alala.

"Kaunting panahon na lang. Kung hidi sa tamang oras tayo gagalaw ay baka mas lalong lumalala ang lahat. Sa ngayon,ang magagawa lamang natin ay ang maghintay." Pagkasabi nun ay lumipad si Jessica patungo kay Taeyeon upang kausapin sana ito nang may marinig sila na malakas na tunog.

Tunog ng pagsabog.

Napatingin sya kay Sunny at nakita itong namimilog ang mata at bakas sa mukha ang gulat at takot.

"Saan nanggaling yun?!",nagpa-panic na tanong ni Hyoyeon na lumipad pataas upang makita kung ano ang nangyayari.

Nilapitan ni Tiffany at Sooyoung si Sunny upang kumpormahin habang ang iba ay sumunod kay Hyoyeon.

Nagtataka sila kung bakit may pagsabog malapit sa kanilang kinalalagyan.

Mula sa pagbabantay sa itaas ay iniwan ni Kris ang dragon doon at pinuntahan ang mga fairies.

Nakakunot ang noo nito nang kausapin sila.

"May nangyayaring hindi maganda sa bandang yun ng kagubatan." Itinuro ng binata ang lugar kung saan may nakikita pa silang usok. "Kailangan kong tulungan sila Kai at Luhan. Tandaan nyo na wala sinuman ang pwedeng makalapit dito. Kailangan na may magbantay sa lupa at sa ere."

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon