Completed Quest

840 67 1
                                    

Jessica's POV

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nya at tinawag sya.

"Kris?"

Bumukas naman ang pinto at bumungad sakin ang kanyang katawan. Napalunok ako. He's topless.

Matangkad sya kaya naman nakapantay lang ako sa balikat nya. Agad akong tumingin sa mukha nya dahil hindi ko na kayang tignan ang katawan nya dahil nakakahiya.

Ako lang ba 'to o talagang nakita ko syang may nakakalokong ngiti sa mga labi at biglang nawala nang tignan ko sya sa mata?

"What is it?"

"Uhmm. I... I--"

Umubo muna ako at huminga ng malalim.

"I want to talk to you about something. Magbihis ka at bumaba."

Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Tsk.

Bumaba ako at pumunta sa sala habang sya ay nakasunod na pala sakin at bihis na rin.

"Look at this.",sabi ko sa kanya at ibinigay ang papel na kanina ay nakapatong sa coffee table.

"Ano 'to?",takhang tanong nya habang tinitignan ang ginawa ko.

"That's a map. Mapa ng mga lugar kung saan nyo kami nahanap." Tumango sya at masusing tinignan ang iginuhit ko.

"Nung nasa Seoul pa tayo,hindi masyadong magkakalayo ang mga lugar kung saan nyo kami nahanap. And when you connect this dots..."

Kinuha ko sa kanya ang papel at inilabas ang isang lapis. "It will form like a diamond."

Pinakita ko yun sa kanya. "At dito naman sa NCR,kapag kinonekta mo ito ay makakabuo nito."

Ginawa ko ang ginawa ko kanina at nakabuo ako ng isang shape na kulang.

"Hindi kumpleto.",mahinang sabi nya.

"Exactly." I paused for a second.

"What do you think comes after this two?",tanong ko sa kanya habang itinuturo ng lapis ang dalawang dots na makahiwalay.

Kinuha nya ang lapis na hawak ko at pinagdugtong ang dalawang dots.

"It's a pentagon."

"See. We are all connected. And when you do this. Itinuro ko sa kanya ang diamond shape na nabuo sa Seoul at ang pentagon sa NCR. Pinagsama ko ang dalawang hugis. Nilagay ko ang half sides ng diamonds sa outer areas ng pentagon.

"Star."

Napangiti sya. Parang may inaalala.

---

"Sica, you're a genius."

I rolled my eyes heavenwards. They already said that for the nth time.

We're now on our way to the place where the last dot is. It's actually nearby.

A freakin' ten minute drive from our house. Ang layo ng mga pinaghanapan namin tapos dito lang din pala sa area na 'to namin mahahanap yung last fairy.

"Nandito na tayo.",sabi ni Kai na nasa driver's seat habang nagtatanggal ng seatbelt habang si Yuri naman ay katabi nya sa passenger's seat.

Simula nang mangyari ang pag-uusap na yun ay tuluyan na nga silang nagkamabutihan. Pati na si Taeyeon at Baekhyun.

Kila Yuri at Kai ay parehas silang nage-express ng feeling nila using PDA. Oo,pda masyado. Lagi nga silang naaasar.

Si Baekhyun at Taeyeon naman eh simpleng holding hands lang at titigan,okay na. Pero kitang kita naman sa pagtingin nila sa isa't isa ang pagmamahal. Iba kasi talaga.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon