Youngest

1K 75 1
                                    

Seohyun's POV

Napakagat ako sa aking labi habang nagiisip.

Hindi ako mapakali lalo na't pakiramdam ko ay may nangyayaring hindi maganda. Sa amin dito ngayon sa SuJu ay wala, ngunit nag-aalala ako sa mga nasa earth.

"Juhyun,kanina ka pa nakasimangot d'yan, may problema ba?" Tumingin ako kay Sunny unnie na nasa tabi ngayon ni Tiffany unnie.Parehas silang nakatingin sa'kin.

"Unnie, hindi ba't parang masyado tayong marami na sumama ngayon dito? Tapos konti lang silang naiwan dun sa earth para maghanap."

Tinaasan ako ng kilay ni Fany unnie."And...?"

Napabuntong hininga ako bago sagutin ang tanong n'ya.

"Uhmm. Pwede kaya akong bumalik dun para tulungan sila na maghanap? I mean, para mas mapabilis na din. Tsaka mga unnie, pakiramdam ko eh may hindi magandang nangyayari ngayon doon kaya gusto kong bumalik." Napayuko ako at hinintay ang susunod nilang sasabihin.

"Yeah,okay. I think you're right. Something's really off right now. I don't know what it is but I'm sure of that. Katulad mo ay may nararamdaman rin ako."

Nagulat ako sa sinabi ni Fany unnie. So,hindi lang ako ang nakakaramdam nito.

"Naghihintay lang din naman ako na may maunang magsalita sa inyo dahil akala ko ay weird na may nararamdaman akong hindi tama eh yun naman pala ay pare-pareho lang tayo."

Napahagikgik s'ya na ikinatawa naman namin. Bigla kaming may narinig na kung anong tunog kaya naman ay napatingin kami sa kanan namin kung saan nakatulog pala si Sooyoung unnie at nauntog sa pader na nasa tabi n'ya nang gumalaw s'ya.

"Aww! Asdfghjkl. Buset kang pader ka!"

Napatawa ako ng konti dahil hinampas pa n'ya yung pader.

Sakto naman ang pagdating nung mga boys na kumuha ng maiinom at kasunod naman nila sila Yoona unnie at Luhan na nagpaalam na kumain kanina.

Kinausap ni Sunny unnie yung boys tungkol dun sa napag-usapan namin kanina.

"Kailangan muna natin ipaalam kay Suho ang tungkol dyan.",pagkasabi nun ni Xiumin ay biglang bumukas ang pinto ng library at lumabas mula doon si Suho na may kasunod na tatlong lalaki.

"Majesties.",sambit nila at nag-bow. Tumango silang tatlo at yung isa sa kanila ay tumingin sa'min.

"Fairies."

"Oo,Kyuhyun hyung. Sila nga po.",sabi ni Suho.

Inaya nila kami na pumasok sa loob ng library para doon mag-usap.

Agad akong namangha nang makita ko ang mga naglulutangan na libro at scrolls papunta sa kung saan saan. Kapansin pansin din ang mga nagtataasang bookshelves na hindi mabilang sa sobrang dami. Habang naglalakad kami papunta sa gitnang parte ng kwarto ay kumikinang ang malaking chandelier na nakasabit sa mataas na ceiling. Sa gitna ng kwarto ay may mahabang lamesa na kakayanin ata na okupahin ng higit dalawampung tao.

"Pasensya na kung medyo magulo ang paligid. Inoorganisa kasi ngayon ang mga luma at bagong libro. Maupo kayo.",sabi ng isang majesty habang nakangiti.

Naupo kaming lahat gaya ng sinabi nya.

"Ako si Siwon,eto naman si Donghae." Hinawakan nya sa balikat yung isang majesty na katamtaman lang ang tangkad at maputi. "At eto naman si Kyuhyun."
Isa naman na medyo matangkad at mas maputi ang kutis kaysa kay Donghae.

Nagpakilala ang mga unnie at nung si Yoona unnie na na nasa tabi ko ang sunod ay naghanda na ako. Natapos sya at bumaling sa'kin ang tingin nila.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon