Yoona's POV"Ang tagal nila!",sabi ni Sooyoung unnie habang nakatingin sa kwarto na pinasukan ni Suho at napayuko na lang saka humikab.
"Pfft. Ganyan talaga dito." Pagkatapos sabihin yun Tao ay bigla akong napatingin kay Luhan na naka-tingin sakin.Naramdaman ko na kumulo yung tyan ko kaya napa-nguso ako.
"Gutom na ako.""Ayan kasi, hindi kumain ng madami kanina."
Kumunot ang noo ko. "Ayos ah. Eh, sya kaya ang umubos ng pagkain kanina. Pfft.",sabi ko habang nakatingin kay Chanyeol. Natawa na lang sya dahil dun.
"Yoona."
Napalingon ako sa kanan ko.
"Gusto mo samahan kita sa dining hall?"
"Sure! Gutom na kasi talaga ako eh."
Ngumiti si Luhan at tumayo na kaya ganun din ako."Unnie,kakain lang ako ah.",pagpapaalam ko sa katabi ko na si Sooyoung unnie. Tumango naman sya habang pipikit pikit pa dahil inaantok na ata.
Lumabas kami sa library kung saan kami naghihintay kanina at tinahak ang mahabang pasilyo na puno ng iba't ibang painting.
"Luhan. Ano yang mga nakalagay sa painting?",tanong ko kay Luhan habang naglalakad kami dahil parang pamilyar sakin ang mga ito. Tumingin din sya sa paligid.
" Yan ang mga larawan ng iba't ibang lugar dito sa Suju planet,Exo planet at pati na rin sa Shinee. Yung mga nadaanan natin kanina ay puro dito sa planetang to. Eto naman na nakikita natin ngayon ay sa Shinee at yung madadaanan natin mamaya ay ang sa Exo planet naman."
Napansin ko na mas lalo syang napangiti pagkatapos nyang banggitin ang Exo planet. Siguro nga ay sobrang mahal talaga nila ang planeta nila kaya naman ginagawa nila ang lahat maisalba lang ito.
Pagkarating namin sa dulo ng pasilyo ay lumiko kami sa kanan na isang hagdanan. Pagkababa namin dun ay bumungad ang isang mas malawak at malaking pasilyo na kabilaan ang mga pinto.
"Wow. Ang laki pala talaga nitong palasyo. Ano kayang hitsura nito sa labas?"
Narinig ko ang sandaling pagtawa ni Luhan. " Siguradong magugulat ka sa mga makikita mo kapag lumabas tayo. Pfft."
"Talaga? Pwede ba tayong lumabas ngayon na?" Lumapit sya nang bahagya sakin na medyo ikinagulat ko at tinapik tapik ako sa balikat. Napahinga ako ng malalim. Sheez. Buti hindi nya gaanong napansin yun.
" Pagkatapos mo na lang kumain. Hahaha! Siguradong gutom na gutom ka na." Dun ko lang naalala na kaya pala kami naririto ngayon ay dahil kakain ako. Grabe. Sa sobrang excitement ko eh nakalimutan ko na gutom pala ako. Pfft.
Tumango na lang ako at sinundan sya papasok sa isang malaking pintuan na nasa pinakagitna ng kanang bahagi.
Bumungad samin ang isang napakalaking kwarto na may mahabang lamesa na kaya atang maupuan ng bente na katao. Iniikot ko ang tingin ko at hindi ko na naman maiwasan ang mamangha dahil sa napaka-eleganteng hitsura ng kwartong ito. Kulay ginto ang mga kasangkapan at pula naman ang carpeted floor pati na rin ang telang nakalagay sa ibabaw ng mahabang lamesa. Kumikinang din sa itaas nito ang chandelier na mukhang gawa sa iba't ibang uri ng gemstones.
"Whoa."
Napangiti lang si Luhan at sinabihan ako na maupo na na ginawa ko naman. Umupo rin sya at may lumabas na babae mula sa isang pintuan.
"Luhan oppa!",sabi nya at lumapit kay Luhan.
Mukhang nasa early 20's lang sya at medyo matangkad.
"Joy! Nandito ka pala? Sila Irene?",tanong ni Luhan nang makalapit samin yung Joy na ngayon ay nakatingin na sakin kaya naman nginitian ko sya.
"Uhmm. Nandito rin po sila pero hindi kami magka-kasama.",sagot nya sa tanong ni Luhan habang nakatingin pa rin sakin.
Napansin naman yun ni Luhan at ipinakilala ako.
"Si Yoona nga pala. Isang fairy."
Ngumiti sya at lumapit sakin. "Unnie, na-miss kita!!!"
Yumakap sya ng mahigpit sakin na ikinagulat ko naman. My jaw literally dropped.
"Walang nagbago sa hitsura mo unnie! Grabe, hair color mo lang ata ang nagbago eh!"
Tumingin ako kay Luhan at parang natauhan naman sya at kinalabit si Joy.
"Ah,eh, Joy? Hindi ka nya matatandaan."
Humiwalay ng yakap sakin si Joy. "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sorry unnie.",sabi nya at nagbow pa.
"O-okay lang. Pero pwede explanation?"
---
Buti pa sila natatandaan nila lahat ng nangyari kahit na-reincarnate din sila. Bakit ba kasi kailangan na mabura ang memories namin?! Edi sana hindi na ako tanong ng tanong ngayon!
"Kasama din kayo sa nawala noong nagkaroon ng last na digmaan dito?"
Tumango-tango sya habang kumakain ng patbingsoo o shaved ice.
Uminom ako ng tubig na iniabot sakin ni Luhan kanina. Hindi pa rin kayang ma-absorb ng utak ko lahat ng sinabi nila.
One hundred years ago ay namatay ang mga fairies kasama na ang mga pixie. Namatay ang mga fairies dahil kailangan na maisalba nila ang Suju planet noon gamit ang mga kapangyarihan nila at dahil sa sobrang lakas nun ay nadamay sa pagka-wala nila ang mga pixie na tumulong sa kanila para hindi lumakas ng sobrang ang pagsabog at walang madamay na mga elves.
Ngayon naman na na-reincarnate kami ay sunod din na na-reincarnate ang mga pixies after three years. Ang mga fairies ay pwedeng mapunta sa iba't ibang lugar matapos muling maipanganak habang ang mga pixies ay kung saan na lugar lang sila nawala.
Siguro malapit kami sa mga pixies kaya naman ganoon na lang makareact si Joy kanina.
Gosh. Sasabog na ata ang utak ko.
BINABASA MO ANG
[1] Adventures of Exo and the Nine Fairies
FanfictionComplete [ / ] "Twelve warriors shall be sent to planet Earth to find thy nine fairies whom shall heal all of Lost Galaxy." - The Scroll of Prophecies Date started: May 5,2014 Date ended: March 26,2016 *** Written by Jenn S. All Rights Reserve...