Healing

1.4K 83 5
                                    

Healing

---

Kai's POV

"Sandali,nasaan na nga pala si Kris hyung?",biglang tanong ni Sehun.

Oo nga no.

"Pinatawag sya ng mga majesties dahil may mahalagang misyon ang iniutos sa kanya",paliwanag ni Onew hyung.

Wala nang nagtanong ni isa samin dahil sanay na kami na palagi syang binibigyan ng misyon. Sa aming lahat ay si Kris hyung ang pinakasanay sa sa ganoong mga bagay. Sya ang pinakahasa sa mga pribado at mga importanteng misyon dahil na rin sa galing nya sa pagtatago ng kanyang presensya. Ninja moves kumbaga. Pfft.

Napatingin ang dalawang guardians sa mga babae,"Sila na ba yung mga fairies? Bakit tatlo pa lang?",tanong ni Minho hyung.

"Oo.Hindi pa kasi namin nakikita yung iba eh."- Suho hyung

Nagkatinginan naman sila Onew at Minho hyung,"Alam namin kung saan mahahanap ang iba.",nakangiting sabi ni Onew hyung.

"Talaga?!Tara, hanapin na natin."- Baekhyun

"Sandali,may kulang na isa pang fairy na dito mahahanap sa lugar na to."-Minho hyung

Anong ibig nyang sabihin?

"May isa pang fairy na kulang sa kanila.Dapat kasi ay apat na fairy galing dito sa Korea at lima pa sa ibang lugar",pagpapaliwanag nila.

Isa na lang dito.

"Ngunit paano nyo nalaman?"

Binigyan lang nila kami ng kakaibang ngiti. Alam kong may ibig sabihin ang mga ngiting yun.

Lahat kami ay napalingon nang tumunog ang doorbell.

Sino naman kaya yun?

"Pizza Delivery!"

"Oh,sino naman ang nag-order ng pizza?",tanong ni Luhan hyung.

Dahan dahan namang nagtaas ng kamay si Xiumin hyung,"Ahehehe.Ako.Ang tagal kasi magluto ni D.O eh",sabi nya at nag-peace sign pa bago tumakbo papunta sa pintuan.Napailing na lang kami dahil dun.Tsk.Tsk.

"Ahh!"

Anong nangyari?

Lahat kami ay agad na napatakbo papunta sa labas.

"Bakit hyung?!Anong problema?"-Chen hyung

"Hala. Lalaki yung last fairy!",sigaw nya at itinuro yung deliveryman na naka-helmet.Napansin ko ngang umiilaw lahat ng emblems namin.

"Oh my gosh.Baka naman gay!",sabi ni Yoona sa pinakainosenteng tono.

Pfft. Binabae?!Hahaha.

Mukhang nainis samin yung deliveryman dahil padabog nyang ibinigay kay Xiumin hyung yung tatlong box ng pizza at hinubad ang helmet nya.

Lahat kami ay nagulat at walang masabi.

"Ano bang problema nyo?Ito bang mukhang to ay mukhang lalaki ha?!!",galit nyang sabi.

"Porket ba taga-deliver ay kailangan lalaki palagi? This is an absurd descrimination!"

"Girl ka naman pala eh!Tara na sa loob, highblood agad.",sabi ni Yuri at hinatak na yung babae papasok ng bahay.Nagkatinginan na lang kaming lahat dahil dun.

---

Lay's POV

"Oy,kumain ka na!Bilis"-Chanyeol

"Oo nga.Hehehe.Ito oh,pizza paaaa!"-Baekhyun

Kanina pa nila kinukulit si-- uhhh.Ano ngang pangalan nya?

Bumaling ako kay Sehun at magtatanong na sana nang,"Jessica,hyung",bulong nya sakin.Eh?Paano naman nya nalaman na yun ang itatanong ko? Mind reader din siguro to.

"A.YO.KO."

Napatingin na naman ako sa kanila at mukhang natakot sila dahil nakakunot na ang noo ni Jessica.Uhh.Nakakatakot nga sya.

"Wag nyo na kasing kulitin!Diet nga daw eh!"-Yuri

"Diet,diet.Tataba din naman may diet,diet pang nalalaman",bulong ni Kai na mukhang narinig naman ng mga babae dahil napalingon sila sa kanya.

"Ano?!!"-Yoona

"Ahehehe.Sabi nya maganda daw talaga magdiet. Nagda-diet nga kaming tatlo nila Chanyeol at Baekhyun eh.Balak pa nga namin isali si Kai bukas no?!Hehe.",sabi ni Chen at umakbay kay Kai.

Umismid na lang sa kanila ang apat na fairies. Lima na lang makukumpleto na sila at makakabalik na rin kami sa Exo planet.

"Eh,Jessica.Paano ka naman ba kasi naging deliveryman,I mean woman,ha?"-Chen

"Tumutulong lang ako sa mga taong nagpalaki sakin kaya nagta-trabaho ako."

Ang ibig sabihin ay hindi nya tunay na mga magulang ang nagpalaki sa kanya.

Tinitigan ko si Jessica at nagtataka ako kung bakit parang pamilyar sya. Siguro ay may kakilala lang talaga ako dati ng kahawig nya.

Pero kumpara sa ibang mga fairies y kakaiba ang awra nya. Ramdam ko. Si Seohyun ang may pinakamalakas na awra sa kanila pero at yung kay Jessica ang pinaka hindi pansinin pero may pakiramdam akong pilit nya itong ikinukubli. Bakit?

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon