Dread

581 43 0
                                    


3rd Person's POV

"Stop!!!",sigaw ni Sunny na huma-hagulgol habang nakaupo at ang mga kamay ay nasa magkabilaang tainga.

Hindi nya alam kung anong dapat gawin. Takot na takot sya. Hindi sya makapag-isip ng maayos.

Umiiyak sya na gumapang papunta sa isang madilim na sulok at nagsumiksik doon.

"Tama na please."

Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng kanyang mga luha at sumisigaw kapag naririnig na naman nya ang mga malalakas na tunog na yun.

Napunta sya sa isang lugar na puro pagsabog at tuloy tuloy mga paputok na ginagamit tuwing bagong taon lamang.

Bumabalik lahat sa kanyang mga alaala ang mga pangyayari noong bata pa sya na pilit na nyang gustong kalimutan ng tuluyan.

Pinipilit nya hindi matakot pero hindi nya kaya.

Pumapasok ang mga dating imahe na akala nya ay naibaon na nya sa alaala.

Imahe ng mga namatay na tao. Nagkalat sa daan. Ang mga estratura sa paligid ay wasak na lahat.

Naisipan nya na magdasal. Nakailang ulit sya pero hindi nya matapos tapos ang dasal dahil patuloy syang nagugulat sa mga pagsabog na hindi mahinto-hinto.

"Help me.",bulong nya sa sarili.

Nabanggit na nya lahat ng pangalan ng mga kaibigan. Alam nya na imposimble pero tinatawag nya ang mga ito.

Nangangatal nya na binanggit ang pangalan ng isang tao na pinakamalapit sa kanya.

"M-Minseok." 

Hinding hindi nya makakalimutan na ito ang palaging tumutulong sa kanya. Hindi man halata pero para sa kanya ay isa ang binata sa mga taong lubos na nakakakilala sa kanya.

Napagod sya kakaiyak. Masakit na ang lalamunan nya kakasigaw. Hinang hina na sya.

Gusto na pumikit ng kanyang mga mata.

Ngunit pinilit nya ang sarili dahil may napagtanto sya. Hindi sya dapat sumuko.

Ilang taon nyang kinatakutan ang mga bagay na ito at hindi maalis alis sa kanya. Kahit kailan ay hindi nya sinubukan na harapin.

Napatingin sya sa bintana at pumapasok dito ang liwanag gawa ng mga paputok sa labas.

Nabigla syang marinig ang malakas na kabog.

Namalayan na lang nya ang sarili na naglalakad patungo kung nasaan ang bintana. Dahan-dahan syang sumilip sa labas.

Ngayon lang nya nakita ito. Dahil sa takot nya ay kailanman hindi nya sinubukan na lumabas tuwing bagong upang manuod ng mga paputok. Lagi syang nakakulong sa silid at nakikinig ng mag-isa sa musika.

Hindi nya akalain na sobrang ganda ng kanyang makikita. Iba-ibang mga kulay at disenyo.

Habang pinapanood nya ang kalangitan na napupuno ng maraming kulay ay hindinnya napansin na hindi na nya iniintindi ang tunog at mga pagsabog.

Naisip nya na kung hinarap nya lang agad ang takot nya ay siguro hindi na nya napahirapan pa ang sarili.

---

Pagmulat muli ng mga mata ni Sunny ay nakita nya agad si Yoona at Seohyun sa harapan nya na mukhang nag-aalala.

Tapos na sila kaya naman nakita nila ang nangyari kay Sunny. Nakita ng mga dalaga ang walang tigil na pagtulo ng mga luha nya nung hindi pa sya nakakalagpas sa ilusyon na gawa ng apat na Sovher.

"W-What just..."

Tumingin sya sa apat na dalaga na nakatingin sa pwesto ni Tao at parang may pinapanood dahil tuwang tuwa ang ekspresyon ng mga ito.

"Unnie,save your energy for later.",sabi ni Seohyun sa kanya. Nakangiti ito na parang ini-encourage sya.

"Ugh. Please,Tao, ito lang."

Napalingon sila kay Luhan na nakatingin kay Tao habang si Jessica ay nakahawak sa binata na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakawala sa ilusyon.

"Shit.",bulong ni Jessica sa sarili.

"He won't make it. I think you'll gonna have to leave your friendl's soon to be dead body here later."

Napatingin sya kay Arisa at tinapunan ito ng masamang tingin pero ngumisi lang ang dalaga.

"Hush,Ari. Malay mo naman eh malagpasan pa nya. Haha.",sabi ni Sora na parang inaawat ang kasamahan.

Napansin nila na nag-iba ang ekspresyon ni Jessica.

"Fuck it,Tao! You're still not dead."

Si Luhan ay hindi na mapakali. Umalis ito sa pwesto at lumapit kay Jessica.

Si Seohyun ay lumapit din at si Luhan naman ay napatingin sa kanya. Nag-uusap sila sa kanilang mga isip.

"Anong ginagawa nyo?"

Napatayo si Ara mula sa pagkakaupo.

"Let's have a deal."

Humarap si Jessica sa dalaga at lumamlam ang ekspresyon ng mukha nya.

"Itigil nyo na ang ilusyon ni Tao at ibibigay namin lahat ng gusto nyo." Naiba ang ekspresyon ni Ara.

"Hindi na maaaring tanggalin ang ilusyon." Lumapit ang tatlo pang Sovher sa kasama.

"Pero,kaya namin kayong papasukin dito."

Pagkasabi nun ni Sora ay nabigla sila nang makarinig ng sigaw.

"Unnie!",napaupo si Seohyun dahil sa gulat at napatingin ang lahat kay Tao na nasa likod nila. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang dugong lumalabas sa ilong nito.

"M-malapit na sya. Bilisan nyo na!",sabi ni Vivian kaya naman nagmadali ang lahat.

---

Sobrang dilim at nahihirapan na syang huminga.

Ang alam nya ay wala na sya sa mundong ibabaw. Wala syang maalala. Parang tinanggal ang memorya nya.

May malambot na bagay sa ulohan nya. Sobrang init ng paligid. Nakahiga lang sya. Kanina pa sya lumuluha. Iniisip nya kung bakit sya naroroon.

Takot sya,pero parang wala nang pag-asa. Bumibigat na ang mga paghinga nya.

"T-tulong."

Hindi nya rin alam kung bakit humihingi sya ng tulong.

Naisip nya na tanggapin na lang ang nangyayari. Na hindi na ulit sya mabubuhay pa.

Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha nya. Nawawalan na ng hangin. Sobra na rin ang lumalabas na pawis mula sa kanya. Unti-unti nang nagiging blangko ang pag-iisip nya.

"Tao!"

May tumatawag sa kanya. Pamilyar ang boses. Gusto nyang sumagot ngunit wala nang enerhiya ang natitira sa katawan nya. Unit unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.

"Sirain mo 'to! Ikaw lang ang makakagawa nyan!"

"Please,Tao. Don't lose hope!"

Kumakalabog ang pinto na parang nasa kanyang harapan. Hindi nya alam kung anong dapat gawin.

Hindi nya sinubukan na buksan ito dahil natakot sya.

Natakot sya na malaman kung ano ang nasa labas. Natakot syang malamang ang akala nyang katotohanan na wala na sya sa mundo.

Nakalimutan nya na nasa loob sya ng isang ilusyon dahil agad syang kinain ng takot.

Huminga sya ng malalim. Hinawakan nya ito.

Kahit ano man ang patunguhan ng desisyon nya,may maliit na bahagi sa kanyang puso ang umaasa na sana ay hindi dito matapos ang lahat.

Agad itong bumukas at sinalubong sya ng nakakasilaw na liwanag.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon