Majesties

827 60 9
                                    

3rd Person's POV

Nanlaki ang mata ni Sooyoung sa gulat ng makita ng harapan ang dragon. Dahan dahan syang naglakad papunta sa mga kasamahan habang nakatakip pa ang kaliwang kamay sa kanyang bibig.

Nakarinig sya ng pagtawa mula sa likuran kaya naman agad nyang tinignan kung sino ang nandoon.

"Namangha ka na ng tuluyan?",biro ni Chanyeol na inismiran lang nya.

"Saan galing yan?"

Gustuhin man lumapit ng dalaga ay hindi nya magawa dahil sa takot kaya naman tinitignan lang nya ngayon ang mga kaibigan habang sinusuri ng mga ito ang dragon.

"Sa kwadra. Pfft. Nagising kasi ni Hyoyeon at Lay hyung eh."

"HOY! Echos ka Chanyeol ah!" Natawa sila nang marinig ang sigaw ni Hyoyeon na nasa harapan lang nila at tinapunan sila ng masamang tingin.

Humangin ng malakas at napatingin sila sa pinanggalingan nito. Nakasakay na si Kris sa dragon at tinawag ang Exo.

"Titignan ko kung maayos na ang Zhian. Dalawa sa inyo ang sumama sakin." Agad na lumapit sila Kai at Sehun.

"Zhian? Hoy, ano yun?"

"Maka-hoy ah! Yun ang gubat kung saan kami magsasanay."

Magtatanong pa sana ang dalaga nang halos mapatalon sya sa gulat nang may kumalabit sa kanya.

"Unnie."

"Juicecolored,Wendy!!! Papatayin mo ata ako sa sobrang pagkabigla eh."

Natawa na lang ang pixie dahil sa sinabi nya. Hinila sya nito at sinabing may pupuntahan sila. Hindi na sya nagreklamo nang mapansin na medyo sumeryoso ang mukha ng dalaga.

Nilagpasan nila ang hardin at nagpatuloy maglakad patungo sa gubat na noon ay pinanggalingan nila.

"Anong meron?",tanong nya nang madatnan ang ibang mga fairies at pixies doon.

"May pupuntahan lang tayo.",wika ni Taeyeon. Sinabi nito na bumilog sila at maghawak hawak ng kamay. Pumikit sila at pinakiramdaman ang presensya ng bawat isa.

"Chant after me."

Hindi mawari ng dalaga kung ito ay isang bulong o nanggaling kay Taeyeon. Kahit na naguguluhan ay sumunod sya sa sinabi nito.

"Power within us,we awaken you.
As we bond with spirits of the legendary.
Force around us will make this come true.
We vow to change the history."

"Tree Of Life,we holler at you."

Pinalibutan sila ng napakalakas na hangin at kakaibang ilaw ang lumabas mula sa kanilang kinatatayuan.

Sa isang iglap lang ay nabago ang kapaligiran.

Idinilat nila ang kanilang mga mata at medyo nahirapang makakita dahil sa hamog.Hindi nila namalayan na nakalabas rin ang kanilang mga pakpak.

"Where are we?"

Sinimulan ni Taeyeon na pangunahan ang grupo at si Seohyun na ang sumagot sa tanong ni Tiffany.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon