Breakthrough

544 44 6
                                    

3rd Person's POV

Hindi pa man nagkakahiwa-hiwalay angmga itinakda ay nakarinig na sila sunod sunod na pagsabog. Nagtilian ang ibang dalaga sa pagka-gitla.

"Ang elf army!!!",sigaw ni Luhan sa sobrang gulat sa pangyayari. Miski sya ay hindi man lang nakita ang pangyayaring yun.

Agad silang nagtungo sa kanya kanyang pwesto upang sumabak na sa labanan na hindi nila inaasahang nagsimula na pala ng wala sila noong mangyari ang mga pagsabog.

Biglang dumilim ang kalangitan at lumamig ang paligid. Senyales na nagsisimula na ang labanan.

Mula sa tabi ng dagat kung saan nakikipag-laban si Suho kasama ang ibang mga mandirigma laban sa mga rebeldeng lumulusob mula sa dagat at pinuputirya ang kastilyo na ilang kilometro ang layo mula dito.

Sa dagat nagtago ang mga rebeldeng ngayon ay kalaban ni Suho at mga mandirigma ng Exo planet.

Sa pamumuno ni Suho,gamit ang kanya kanyang kapangyarihan at kakayahan sa pakikipaglaban gamit ang armas ay sama sama nilang pinipigilan ang mga rebelde na makatungtong sa lupa.

"Aish! Ang lakas ng loob nyong lumaban samin eh ang lalampa nyo naman!!!",sigaw ni Suho habang sunod sunod na pinagsusuntok sa sikmura,leeg at mukha ang tatlong rebeldeng pumalibot sa kanya.

"Tsk.",turan nya nang makita nyang isang grupo ng mga rebelde ang papalapit sa kanya kaya naman itinaas nya isang kamay habang ang isa ay nakababa. Pumorma upang gamitin ang kapangyarihan na kontrolin ang tubig.

Pumalibot sa halos benteng rebelde ang tubig na kinokontrol na binata. Hindi nila alam ang gagawin at ang isa naman ay akamang susugudin si Suho.

Ngunit bago pa mangyari yun ay nilamon na sila ng tubig na kanina lang ay nakapalibot sa kanila.

Napangisi si Suho habang pinapanood ang bola ng tubig na kanyang ginawa na ang nasa loob ay ang mga kalaban na inihagis nya papunta sa malayong parte ng karagatan.

Habang ipinagpapatuloy ang pakikipaglaban gamit naman ang kanyang sandata ay nakarinig sya ng malakas at pamilyar na ungol na papalapit sa kanilang pwesto galing sa medyo kalagitnaan ng dagat.

Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha na ngayon ay galit na habang hinihingal pa sya.

Mula sa kanyang pwesto ay kitang kita ang isa isang pag-ahon ng mga higanteng may taas na labinwalong pulgada na kakampi ng mga rebelde.

---

Malapit sa dagat, nakikipaglaban naman sina Xiumin,Chanyeol at Baekhyun sa mismong tapat ng kastilyo. Kalaban nila ang mga rebeldeng bumomba sa mga mandirigma.

Sa himpapawid naman ay nagbubuga din ng sobrang init na apoy ang mahiwagang ibon ni Chanyeol. Kaya naman nag-mistulang isang maliit na impyerno ang paligid ng lugar dahil doon ngunit sa tulong ng pheonix na si Fiery ay nabawasan ng sobrang dami ang mga rebelde.

Gayon pa man, mas matindi ang labanan gamit ang armas ng mga mandirigma at mga nakatakda.

Marami ang sugatan at ang iba ay nalagutan na ng hininga. Walang espasyo sa lugar nila ang walang umaagos na dugo.

Nakikipag-eskrima si Baekhyun sa dalawang rebelde at naiinis na sya sa mga ito dahil sya ay inaasar pa ng mga ito.

"Hutahamnida! Kanina pa kayo ah!",galit ma sigaw nya sa dalawa na iniiwasan lang ang kanyang mga asinta kaya naman hindi na nya napigilan pa ang sarili.

Sinugod nya muna ang isa ng may nanlilisik na mga mata. Iwinagayway ng kalaban ang kanyang espada sa ulohan ng binata ngunit yumuko ang binata upang iwasan ito at itinapat ang kanyang espada sa dibdib ng kalaban.

"Ang tagal nyo! Ang weak kasi eh.",sabi nya at ibinaon pa ng mas malalim ang espada.

Naramdaman nya ang presensya ng isa pang kalaban mula sa kanyang likuran kaya naman kinuha na lang nya ang gamit na sandata ng napatay na kalaban upang hindi na matagalan pa sa paghugot ng kanyang espadang nakabaon sa dibdib nito.

Walang anu-ano ay agad nya lang na pinutol ang ulo ng rebelde sa isang galaw.

"Dahil sa inyo hindi ko agad masa-samahan si Taeyeon ko!!!!",sigaw nya dahil sa sobrang galit.

Hindi nya napansin ang isa pang rebeldeng sumusugod sa kanya mula sa kanyang likuran. Nakita nya lang ito nang malapita na na bigla namang naging yelo.

Napatingin sya sa gilid nya at nakita doon si Xiumin na hawak hawak ang kanang brasong nagdudugo.

"Hyung!" Agad syang lumapit dito nang ito'y mapaluhod dahil sa sugat na natamo.

Tinawanan sya ni Xiumin. "Ayos din ang ginagawa mo ah,sa kalaban mo ibinubuhos ang lahat ng galit mo."

"Tss. Yun naman talaga ang dapat hyung eh,tsaka sila naman ang dahilan nito diba?"

Habang nakikipag-usap kay Xiumin ay tinatawag na ni Baekhyun si Luhan sa kanyang isip na papuntahin si Lay sa kanilang pwesto.

"Baek, tandaan mo, inuutusan lang din sila at ang nag-uutos ang dapat na kagalitan."

Sakay ng pheonix ay nakarating din sa kinaroroonan nila sila Chanyeol at Lay.

---

Sa kagubatan naman ay isang madugong labanan din ang nangyayari.

Rinig kahit saan mang sulok nito ang tinis ng sigaw ng mga elves na ginagamit ang kanilang kapangyarihan na kaugnay ang boses.

"Buti na lang at sanay na ako sa ganito kung hindi baka kanina pa ako nabingi.",sabi ni Minzy kay Irene na katabi nyang nakikipag-eskrima sa dalawang rebelde.

Si Kris naman ay nakasakay sa dragon na kinokontrol nya upang maasinta ang mga kalaban na nakakalipad.

Mula sa ibaba ay kitang kita abg kamangha manghang kulay asula na apoy na ibinubuga ng dragon ni Kris na galing sanlahi ng mga pinakamalalakas na dragong Divus.

Ang mga dragong nagbubuga ng pinaka-mainit na apoy na sinasabi ng iba na tuny na apoy ng impyerno.

Ang mga rebeldeng walang kalaban laban sa dragon ay nagsisihulugan lang mula sa taas hanggang sa baba na nagliliyab sa asul na apoy.

Ang mga royal guards at mga pixies ay tinutulungan ang mga fairies na protektahan ang labas ng tree of life laban sa mga kalaban na nagtatangkang makalapit dito.

"Shit.",bulong ni Jessica sa sarili ng may maalala.

"Taeyeon!!!",sigaw nya kay Taeyeon na nasa kabilang dako ng palibot ng puno. "Ang mga singsing!"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa naalala at agad na tinapos ang kalaban na kanyang kaharap.

Inilabas nya aang kanyang mga pakpak at lumipad patungo sa itaas ng tree of life kung saan nya itinago ang mga singsing.

Ngunit bago pa man nya ito maibigay sa mga kasamahan ay biglang lumindol ng malakas sa loob ng ilang segundo.

Mula sa taas kung saan sya napahinto ay nakita nya ang isang portal na unti unting nalilikha malapit sa bayan. Lumabas mula rito ang isa pang batalyon ng mga kalaban.

At sa wakas,iniluwa na rin nun ang pinuno ng mga rebelde kasama ang mga kasamahan nito.

G-Dragon.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon